Namumula man ang pisngi ko kanina sa sobrang init pero heto ako ngayon nag-blush sa kanyang ginawa. He lifted my chin and give his deep smile. “You’re so beautiful today, Hon!” sabay haplos ng pisngi ko. “Hindi ko alam ang gagawin ko kanina sa plaza habang tinititigan ka, nagagalit ako bigla sa mga mata ng lahat ng mga kalalakihan na naroroon na sa’yo nakatutok! Sabihin man nilang madamot ako pero iyon ang nararamdaman ko!” habang patuloy na hinahaplos ang aking mukha. Napalunok ako ng aking sariling laway sa pinaggagawa nito. “Halika na, baba na tayo rito baka hinihintay ka na nila sa opisina mo Mayor!” putol ko sa eksenang iyon. Napalunok na rin siya at kasabay ng paggalaw ng kanyang adams apple. “You’re so damn wise Hon! You always turn down what I’m planning to do!” at ngumiti i

