“Insan dalian mo kasi kanina pa ako naghihintay sa inyo sa ilalaim para makaalis na tayo!”
“Ta.ta.raran..tan..tan..
“Ano ba kinakabahan na ako kayo parang kampante pa diyan!
Saway ko dalawa dahil ito ang araw ng canvassing para sa fiesta queen at kung sino ang hihiranging magdadala ng pangalan ng bayan ng San Manuel.
“Jasmine, be positive at saka magtiwala tayo sa naipon nilang pera tiyak maipapanalo natin ito!”
Napakamot na lamang at umalis na kami. Diretso kami sa munisipyo sa bayan dahil doon gaganapin ang canvassing.
Naroon na rin ang mga ibang candidates pagdating namin sa venue.
“Bakla tingnan mo nga hindi ba nakakahiya parang di hamak naman ako na matanda sa kanila dito!”
Napangisi pa ito at bumulong.
“Tingnan mo nga ang mukha mo kumpara sa iba diyan!” at napahagikhik pa sabay nguso sa isang babae sa kalayuan na kapwa na rin kaming napahagikhik.
Nasa kay Mang Berto ang lahat ng pera na naipon sa ilang araw na solicitations. Nagbigay na rin si Lola Mameng ng kunting halaga para additional dito. Retired principal si Lola at tiyak sa pension na naman ito ibinawas ang pera.
Nang mag-umpisa na at nagbigay ng hudyat para sa dropping dito ako lubos na kinabahan. Mahirap pala pag sa ganitong pagkakataon hindi mo maiintindihan ang nararamdaman mo tilang nilalamig ang talampakan sa kaba.
Nagpaalam akong umihi muna dahil hindi ko na matiis ang kaba.
Samantala si Joshua at Mang Berto ay kampante lamang na nakaupo at nakikinig sa bawat bilangan ng pera. Nakita ko sa white board ang perang simula na ng counting. Umaabanse na yung isang candidates batay sa naisulat na amount. Patuloy ito hanggang nag bigay ng hudyat para sa last and final dropping.
Nagulat ako ng tumayo si Joshua at may kinuha sa bag nito sabay lagay ng brown envelop sa loob ng box na may pangalan ko.
“Insan sinisiguro ko sure win na tayo nito!” kampante pa nitong tugon.
Kinurot ko siya sa tagiliran at inismiran.
“Ayaw mo kasi maniwala, watch it!” dagdag pa nito.
Mas lalo lang akong kinakabahan nang magsimula nang magbilang ang board of canvassers. Inabot na ang kalahating milyon ang counting sa isang candidate.
Sinisigurado kong wala na kaming habol pa dito. Napakalaking halaga para habulin pa ang kalaban.
“Two million for Jasmine Nicole Magbati!” namilog ang mata ko sa narinig at napalingon sa aking katabi.
“Sure win!” sambulat ni Joshua
Kung tingnan ang total amount sa white board makikita na sobrang layo ang agwat ko sa sumusunod sa akin na umabot lang ng 800 thousand.
“Saan kayo kumuha ng pera ha? Sita ko sa kinikilig kung pinsan.
“Humiram lang kami pero ang portion later ng pera ibabalik din ni Mang Berto pag makita ang prosiento!”
“Sobrang laki naman niyan!
“Congrats sa’yo!
Ipinatayo ang lahat nang candidate at ipinakilala sa lahat na naroon.
“Good noon Mayor!” ang bati ng lahat sa paparating na panauhin. Kakalabas lang ito sa opisina at kasunod ang ilang mga lalaki sa kanyang likuran tilang mga body guard yata nito.
“How’s the canvassing?
“Its doing good Mayor, we already declare the new fiesta queen which is Ms. Magbati!” sabi ng Chairman.
‘That great pwede papuntahin mo muna sila sa opisina ko after this?
Napatango na lamang ang lahat. Seryoso ang mukha nito kung makikitungo sa lahat na kanyang nakakausap. Sumulyap lang ito pero saglit lang din at itinuon ang pansin sa mga kausap.
Napahagikhik si Joshua sa aking tabi.
“Serious si Mayor ngayon, marami sigurong problema!” Wala effect ang beauty ko sa stressful niyang mukha!” nakangising pinsan ko.
Isang malawak na kwarto ang pinasukan naming lahat. Doon kami nila dinala, puno ng mga plaque of recognition ang bandang kaliwa ng room. Makikita ang naka display na mga magagandang lugar na pwedeng puntahan sa bayan na ito nakalagay din sa frame at nakasabit sa bawat sulok nito.
Naagaw pansin sa akin ang isang falls na napakaganda sa larawan. Na tilang nang-aakit ito.
“Everyone sabi ni Mayor we will be waiting here for our lunch! Nagpapabili lang siya saglit!” sabi ng Board of Canvassers.
“Diyan ko talaga siya Idol super caring talaga ni Mayor!” si Joshua na nakangiti.
“May utang ka pa sa akin, hindi mo pa nabanggit kung saan nanggaling ang pera na ipinag-drop niyo?
“Si Mang Berto na ang sasagot sayo niyan. Naghawak lang kaya ako ng sobre kanina!” at nakangisi ng makahulugan.
Dumating ang ipinaorder na pagkain. Kasunod ang pagpasok ni Mayor at umupo sa office table nito.
“Thank you everyone for your cooperation para mafacilitate ang fiesta event natin! I’m so thankful sa inyo lahat! All president of every organizations ay nasa inyo nakapangalan ang assistance na ibibigay sa inyong mga representatives kaya kayo na bahala makipag-coordinate sa ating municipal administrator!” kagalang-galang ang bawat bigkas nito ng mga salita. Isang taong tinitingala ng lahat. Makikita sa mga mata ng naroroon ang pagsunod at paggalang sa kanyang mga sinasabi.
Kakaibang side ni Mayor Santillan. Sobrang taliwas sa ipinakikita nitong mga nakaraang mga araw.
Maybe I misunderstood everything! Maybe super caring lang siya talaga at ganito lang ang ipinakikita sa mga babaeng kanyang nakilala!”
“Bye Mayor!” ang narinig ko sa mga katatapos nang kumain. Samantala ako hindi ko pa nagalaw ang pagkain ko sa ibabaw ng mesa dahil sa lalim ng mga iniisip.
“Jasmine, paunahin mo na sila Mang Berto at Joshua ako na ang maghahatid sa’yo mamaya at saka hindi mo pa nagalaw ang pagkain mo, just finish it first!” ang seryosong boses nito na nakatingin sa katabi ko.
“Of course Mayor!” kinikilig pang sabi ni Joshua at kinindatan pa ako.
Nang lubusan nang makalabas ang mga panauhin kaagad itong isinara ang pintuan adjacent sa staff office.
“Kumain ka na kanina pa kita nahalata na hindi ka kumakain panay tulala mo diyan sa mga larawan na nakikita mo?” at lumapit ito sa table agt binuksan ang styro foam na may laman na pagkain.
“I can manage Mayor!
“Luke! Hmmm..mm. Nakakalimot ka yata sa usapan natin!
“Mayor nandito ngayon sa munisipyo at hind isa public market!
“So, what’s the difference with the location, still my name is Luke!
Napayuko na lamang ako at kinuha ang plastic spoon and pork at nagsimulang kumain.
Mas lalo lang ako ng naiilang nang umupo ito sa harapan ko habang tinititigan ang bawat pagnguya at pagsubo ko.
“Kumain ka na?” putol ko sa katahimikan sa pagitan namin.
“Later!”
“Hindi ka pa pala kumain tapos ako pa yung pinag-utusan mo! Heto oh pwede din maghati tayo nito sobrang marami!”
“Sure ka? Pag kinain ko ‘yan sigurado magsisi ka! Marami ako kung kumain, lalo na pag ginaganahan!” at nakangiti at litaw ang biloy sa pagitan ng pisngi nito.
Napatahimik naman ako bigla.
“Go on! I will be signing some of the cheques and vouchers at pagkatapos mo riyan ihahatid na kita!”
Napatango na lamang ako. Nakita ko siyang umikot sa table nito at umupo doon. Tahimik lang akong kumakain at sinisulyapan ito minsan sa kanyang ginagawa.
Mayor Santillan is perfect catch lalo na sa mga babaeng mapupusuan nito. Gwapo, malakas ang s*x appeal at tilang kay sarap halikan ang mga labi.
“Jasmine Nicole, keep calm, mga manloloko ang mga klase ng lalaking ganyan”ang tilang ipinapaalala ng aking isipan.
“Kung hindi ka titigil sa kakatitig sa akin ako na mismo ang susubo sa’yo para mabilis kang makatapos sa pagkain!” ang boses na nagpagising sa aking imahinasyon.
Nakakahiya nahuhuli ba niya ako na nakatingin at nahahalata ba niya ang laman ng isip ko.
‘Ohhh..dahan-dahan lang baka mabulunan ka diyan!” sita naman nito na nagpatigil naman sa bawat subo ko.
Ano ba naman ang buhay na ito. Kung sa lungsod ginugulo ang isipan ko hanggang ba naman dito sa probinsya patuloy pa rin at hindi ako tatantanan.
Nagulat na lang ako ang hilahin ako ni Luke palabas ng opisina nito. Nakita ko ang mga mata ng ibang mga empleyado na sa amin nakatingin kaya nagpumiglas ako para makawala sa mga kamay niya.
“Bakit?
“Nakakahiya, tinitingnan nila tayo Mayor baka ano ang sabihin ng mga empleyado mo!” mahinang pagkasabi ko.
“Let them think! Lingon sa akin sabay kindat
“Mayor pwede ba mabuti sa’yo okay lang paano naman ako! Tiyak mapag-usapan tayo! Please!”
Namumula ang labi nito na gumagalaw parang may sinasabi na hindi ko naman maintindihan.
Mabilis akong binitiwan at naunang naglakad palabas ng building na ilang naiinis. Nakasunod na lamang ako na hindi ko alam kung sa kanya pa rin ako sasama.
“Kung gusto mo sasama, just hop in pero kung nahihiya ka kasama ako you can commute!” buo ang boses na pagkasabi nito.
Nakakainsulto naman yata ang binitiwan nitong salita. Napatayo ako at tumigil sa pagsunod sa pwesto kung saaan naka-park ang sasakyan nito.
I’d rather commute para walng masabi ang mga tao. Kanina ko pa nahalata ang bulungan ng mga empleyado na aming nadadaanan.
“Mayor Santillan, sorry pero mag-commute na lang po ako!” lakas loob kung sabi na nagpa-iba ng awra ng kanyang mukha.
Nakadungaw na ito sa bintana ng kanyang sasakyan at tilang hinihintay lamang ang pagsunod ko sa kanyang utos.
Tumalikod ako para magbabantay ng masakyang tricycle para magpahatid sa palengke.
“Kung iyan ang desisyon mo, so be it!” at ipanaharurot ang sasakyan nito na hindi man lang hinintay ang isasagot ko.
Naiwan akong natigilan at sinundan ang papalayo nitong sasakyan.