“Bakit ganyan ang mukha mo? si Carmela na habang sinalubong ako sa pagbalik ko sa pwesto namin sa public market.
Napailing ako nakakahiya man sabihin dito ang nangyari kanina sa munisipyo.
Habang inaasikaso ko ang mga mamimili pilit bumabalik sa isipan ko ang nangyari kanina. Another side of Mayor Santillan ang aking nasaksihan.
“Nasaan si Joshua?
“Naroon yata ka-meeting ni Mang Berto tungkol sa preparation sa coming Fiesta!”
Mukhang hindi na sila natutulungan ng pinsan sa pagbabantay ng tindahan dahil panay ang paalam nitong may mga pupuntahan araw-araw.
Araw ng Linggo…
“Beautiful ladies dalian nyo magbihis na kayo doon dahil pupunta tayo ng bukid ngayon!” si Joshua na tilang excited. Ano ba ang pumasok sa kukuti nito na naisipan nitong bumalik pa doon.
“Ano naman ang gagawin natin doon? si Carmela na tilang walang ganang sumama.
“Hindi mo ba narinig sa kay Lola Mameng na inutusan tayong pupunta sa harvest ng mangga ni Mang Colas. Bibigyan daw tayo ng isang basket na mangga kapalit ng isang sakong palay na ipinahatid ni Lola sa bahay nila nung harvest!”
“Yun naman pala eh sana sinabi mo kaagad, eh di sana nakaalis kaagad tayo! Mas maaga tayo doon mas maganda para wala pang ibang humihingi ng mga hinog at makakuha tayo ng mas marami!” si Carmela na excited na ang mukha.
Si Mang Colaas lang naman ang katiwala ng mga Hacienda Domino lalo na sa pamamalakad sa buong lupain at taniman ng palay, prutas at gulay.
Suot ang aking kulay skintone na leggings partnered with stripe jacket. Itinaas ko ang mahaba kung buhok para ikubli sa suot kung sombrero.
“Wow naman, so bukirin ang punta natin hindi sa fashion week!” sita ni Joshua sa akin.
“What’s wrong?
“Ewan ko nga ba! Naiinggit lang yata ako sa’yo dahil kahit anuman ang isusuot mo mas lalong bumabagay! How to be you poh…
Napahagikhik ako sa tinuran nito. Para sa akin isang simpleng kasuotan lang ito at nababagay naman sa lugar na aming pupuntahan.
Pinadalhan pa kami ni Lola ng pagkain para kahit tumagal man kami doon hindi kami magugutom.
Pagdating sa bandang burol kapwa kami nakatayo tatlo at natigilan dahil tapos na ang harvest ng mga mangga. Nakalagay na lahat sa kaing at nakapag-sizing na lahat.
Nagtutulakan kaming tatlo na lumapit pa sa bandang iyon. Pero nakita yata kami ni Mang Colas kaya kinawayan niya kami.
Napahagikhik si Joshua at iniwan kami nauna na itong bumaba doon. Inabot ng matanda ang isang basket na mangga at isininyas na kumuha pa ng mga hinog sa isang lalagyan.
“Mang Colas baka bawal po at mapapagalitan tayo nito!” si Joshua.
‘Ako na bahala kay Sir kunti lang naman at saka mas maganda iyan kay Lola mo ang prutas!
Inikot ko ang buong paligid maraming mga laborers na naroon, mga tumulong yata para magharvest ng mangga at lahat sila nakatingin sa aming tatlo. Hindi ko rin alam kung ano ang laman ng mga isip ng mga ito.
“Salamat pala sayo Mang Colas hayaan mo dalhin naming lahat ng ito at ipresenta kay Lola!” si Carmela na rin ang nagsalita.
Mang Colas…Mang Colas… isnag tauhan ang tumatakbo na papalapit sa bandang kinatatyuan nila.
Lahat sila doon ang tingin sa kanya. May sumusunod pala ditong isang taong sakay ng kabayo nito. Naka-rugged attire at nakasuot ng sombrero at may bonet ang mukha nito.
Napatampal si Mang Colas sa noo nito.
“Lagot tayo!” ang nasabi lamang ng matanda.
“Sino ang nagbigay ng permit sa mga panauhin na iyan na lalampas dito sa teritoryo ko? malakas at buo ang boses ng lalaki. Isinipat ko ang katawan at mukha nito.
“Mayor, sorry po ako po ang nagpapasok sa kanila sa loob ng lupain!” putol putol ang tinig ni Mang Colas na halata sa boses nito ang takot.
Tumalon ito kasabay nang pagtanggal ng tela sa kanyang mukha. Its Mayor Lucas Dominic Santillan.
Nagkasalubong ang titig namin pero nakita ko ang pag-asim ng mukha nito sa pagsulyap pa lang nito.
“At ano ang mga iyan? Sabay turo sa hawak ni Joshua na basket puno nang mangga.
Nauutal na sinagot iyon ni Mang Colas. Pero parang hindi nakuntento ang lalaki sa sinabi nito.
“Next time ako ang may-ari, sa akin kayo humingi hindi sa kanya!” seryoso ang pagkasabi nito.
Nakayuko lamang si Mang Colas na tilang nahihiya sa pangyayari.
Ang yabang nito. Kahit ganoon hindi naman sana ganoon ang sabihin niya sa matanda.
“Sorry Mayor, kunting bagay lang naman sana iyan eh! Pero kung hindi talaga pwede oh! hayan ibinabalik na namin sa’yo! Sabay hablot ko sa kamay ni Joshua at ipinatong sa damuhan ang basket na puno ng mangga.
Nabigla yata ito sa ikinilos ko dahil kaagad itong natahimik at palipat lipat ang tingin niya sa aming tatlo.
“Mang Colas pasensya na po kung naabala namin kayo! Sobrang madamot naman pala ang Mayor nyo kahit kunting bagay lang hindi kayang mamigay!” painsulto kung sabi dito.
Nakita ko kung gaano kasama ang tingin niya sa akin. Ang bawat galaw ng adams apple nito at pagkuyom nito ng kamao.
“Oh, hayaan ibinabalik na namin..halina kayong dalawa! Baka hindi tayo makakalabas na buhay sa lupain na ito!” malakas ang pagkasabi ko para marinig niya ang lahat.
Kaagad akong tumalikod at nanggagalaiti sa inis. Sumunod na rin ang dalawa kung pinsan na walang boses na lumabas sa kanilang mga labi.
“STOP!” mabilis na awat ni Lucas. Na pilit kaming pinapatigil sa pag-alis.
Hindi ako lumingon at diretso na lumakad palayo.
“Damn lady! Don’t dare to teased me!” dumadagundong na boses nito na kapwa napatigil sa aming tatlo. Lumingon ang dalawa pero ako hindi. Nasisigurado ko ako ang itinutukoy niya. It might be na naapakan ko ang pride niya bilang kagalang galang na tao at sinagot ko sya sa harapan ng kanyang mga tauhan kaya siya nagagalit.
“Sorry Mayor!” si Joshua ang kumausap dito. Alam kung sinundan niya kami dahil sa likuran ko lang ang boses niya.
Nakatalikod pa rin ako at hinihintay ang susunod na sasabihin nito. Narinig ko ang buntong hininga niya.
“Jasmine Nicole!” matigas ang tinig nito na tilang nag-uutos.
“Mayor, okay na po kami! So let us go at saka tingnan mo wala kaming dala kahit isang bunga ng mangga galing dito sa lupain mo!” at nakabukas ang dalawa kong kamay.
Napailing lang ito ang tilang umuusok ang nguso nito.
“Let’s go guys!” at hindi na pinansin pa kung sumunod man ang dalawa kung pinsan basta para sa akin wala na akong gagawin pa dito. Isang insult para sa akin na mananatili pa rito. Magmamakaawa para lang sa ilang pirasong mangga. Marami diyan sa palengke at hindi para makilimos sa Binatang Mayor na sobrang yabang.
Nagdadabog akong nauna at humabol na rin si Joshua at Carmela sa akin.
Napahagikhik pa ang dalawa na tilang aliw na aliw sa kaganapan.
“Ngayon ko lang nakita si Mayor Luke na nakaharap ng katunggali at hindi paawat. Siguro hindi niya yata ini-expect na may babaeng kalabanin siya!” usapan ng dalawa habang sumusunod sa akin.
“Sobrang yabang naman ng Mayor nyo, iyan ba ang sinasabi mong Idol mo? Ngayon pa lang humanap ka na ng ibang pangarapin Joshua!
Abot tainga ang ngisi ng aking pinsan.
“Kung nakita mo lang ang reaksyon ni Mayor L.D. kanina, umuusok ang nguso sa galit!
“Huwag ako ang kantihin niya! Hindi ako luluhod sa taong sobrang bilib sa sarili!”
Narating naming ang bahay na siyang ipinagtaka ni Lola Mameng na wala kaming dala.
“La, ako na po ang mag-kwento!” presenta ni Joshua dito.
Iniwan ko sila sa sala at pumunta ng sarili kong silid. Nakaramdam ako ng pagod hindi lang sa katawan maging ang puso’t damdamin ko dahil sa pangyayari.
Sa bawat araw na nagdaan maraming mga katangian ng Mayor Luke na iyon na tilang naghahamon at nagpapagulo sa aking isipan.
“Apo lumabas ka muna rito!” boses ni Lola Mameng sa gitna ng aking muni-muni sa loob ng kwarto.
Nagkakagulo si Joshua at Carmela sa labas na tilang may kaganapan. Kaagad akong dumunga sa bintana.
Napatampal ako sa aking noo.
“What the! Sino ang nag-utos na dalhin iyan dito!” sigaw ko sa loob.
Tatlong kaing ng mangga ang ipinasok sa loob ng bahay ni Lola. Kasama din si Mang Colas sa naghatid.
“Ipinapahatid ni Mayor Mam!” sabi ng matanda.
‘At ano namang drama ito! Di ba nag-usap na kami kanina, at saka hindi na ako tumatanggap lalo na kung isinauli ko na!” sigaw ko dito.
Naputol ang usapan nang lumabas si Lola Mameng at nag-usap ang dalawang matanda.
“Apo huwag ka na mangreklamo, pasalamat tayo at pinadalhan tayo ni Mayor dito personally sa bahay!
“Ewan ko sa inyo! Basta ako labas ako diyan! Kayo ang tumanggap niyan!” at tumalikod pabalik sa aking kwarto.