CHAPTER 6 - My gifts

1602 Words
Sobrang aga pa ako nagising. Gusto kung magpapawis kaya kaagad akong nagsuot ng pan-jogging. Gusto kong magbawas ng fats sa katawan. Humihingal na ako kahit malapit lang ang nilalalakaran ko. Hindi katulad noong nasa Maynila na araw araw nagwalking kami sa gabi or di kaya sa umaga nag-jogging. Gusto ko ring mapuntahan ang lugar dito sa San Manuel kaya kahit paminsan minsan kailangan ko ring mamasyal sa lugar. Lalo na sa mga sinasabi nilang magagandang tanawin dito mismo sa lugar. “Insan bakit sobrang aga mong nagising ngayon ah!” si Joshua na sinalubong ako sa pagpasok ko pa lang sa loob ng bakuran “Naglakad para makapagpapawis na rin!” Marami pa lang tao na naglalakad pag umaga pa!” “Bakit hindi moa ko ginising sana magkasama tayo at mabawasan na rin yung bilbil ko! Napahagikhik ako habang sinisipat ang katawan nito. Medyo nagdagdag ito ng timbang sa ngayon. Siguro dahil sa mga kinakain namin pag kami ang bumabantay sa tindahan. “By the way tumawag pala si Mang Berto may meeting daw mamaya sa munisipyo ang lahat na muses para sa pictorials preparation!” Sana nga hindi mag-krus ang landas naming ng binatang mayor dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon ko ngayon. “Ano oras daw? “Pumunta ka lang doon at around nine o’clock! Sigurado nandoon na ‘yung incharge! Tama nga si Joshua dahil pagdating ko naroon na rin yung ibang muses. At tilang ako lang ang hinihintay nila na darating. Dala ko ang aking sasakyan dahil baka magkapareho last time na nag-commute ako para makapunta sa palengke. “I’m sorry, nahuli na ba ako? “Hindi pa naman hinihintay pa natin si Mayor na darating! Pero according to his secretary hindi daw makakareport si Mayor ngayon dahil nasa meeting daw kasama ang gobernadora!” Pasalamat naman ako at walang anino ni Mayor Lucas sa araw na ito. Hindi ko alam kung paano ko siya pakitunguhan pagkatapos ng pangyayari sa lupain nito at pagpapadala nito ng mangga. Sa darating na linggo gaganapin ang pictorials. At kaagad ko ito ibinalita kay Joshua dahil need ko ang kanyang expertise in terms sa pag-aayos ng buhok at mukha. Very supportive nito sa lahat ng oras. Kahit sa mga gown na susuotin ko sila ni Mang Berto ang naghanap. “Suppeeeer beautiful talaga Jasmine! Bulalas ni Joshua pagkatapos ako ayusan. Nasa isang room kami dito sa Conference Hall na inilaan para sa mga muses. May darating daw na photographer para mag conduct ng pictorials sa amin. “Okay, ngayon pa lang tiyak maglalaway ang mga kalahi ni Adan lalo na sa’yo Insan!” pagmamayabang pa nito. ‘Super bagay talaga sa’yo ang selection of color na pinili! “Alam ko naman na maganda ako, kaya lang kahit ganito iniwan pa rin!” malungkot kung sabi. Matabil yata ang dila ko at nasabi ko ang tungkol dito. “Ows, hindi ako naniniwala diyan! Baka duling ang lalaking iyon ah!” pabirong sabi ni Joshua. Napabuntong hininga na lamang ako at hindi na dinugtungan pa ang takbo ng usapan. Alam kung mahilig talaga magtanong nito at ayaw ko naman balikan pa ang nakaraan ko at sirain ang magandag awra ng mukha ko ngayon. Kinurot ako ng pino ni Joshua sa tagiliran sabay nguso sa bandang dulo. SI Mayor Lucas nag dumating kasama ang mga bodyguards nito. “I think, tamang tama ang dating ko, lahat mga naggagandahang dilag ang narito!” nakangiti nitong mukha. Pinilit kung hindi siya tapunan ng tingin para iwas na rin sa maaring mangyari. Alam kung hindi maganda ang last naming paghaharap. “Can you set a shots for me together with this beautiful ladies?” tanong nito sa mga naroon. “Of course Mayor! Lahat kami ipinaready na para sa pictorials. “Ms. Magbati dito ka umupo sa tabi ni Mayor Luke dahil ikaw ang fiest queen ngayong taon!” sabi ng organizer. Wala sa loob rin akong naglakad at umupo sa tabi nito. Tilang mapaglaro talaga ang pagkakataon. “You look so gorgeous ang beautiful today! “ nakaw niyang bulong sa tainga ko habang tinutulungan niya ako sa pag-ayos ng gown ko. Tumango na lamang ako at hindi na lang pinagtuunan ng pansin. “Mayor mukhang hindi ka na tatayo diyan ah!” pabiro pa ng photographer pagkatapos kami kunan ng shots. “Kung ikaw ba naman na ganito kagaganda ang nasa tabi mo hindi ka matigilan!” pabiro pa nitong sabi at lumakad papunta sa isang upuan. Inayos na ang iba’t ibang angle na photoshoot namin. At dito mismo sa munisipyo ginawa. Sa loob ng dalawang oras na iyon naroon pa rin nanatili si Mayor Luke para saksihan ang pangyayari. “Tingnan mo si Mayor kanina pa ang lagkit ng pagkatitig sa’yo! Nakahalata na ako ah!” bulong ni Joshua. “Hmmm..huwag mo akong biruin ng ganyan dahil sinisugurado ko hindi siya papasa sa standard ko! Napahagikhik si Joshua sa aking tinuran “Bakit high standard bah? Sayang kawawa naman si Mayor pag ganoon! Bakit hindi mo na lang ipamigay sa akin si Papa Luke! “Sayong-sayo na nga!” nakangisi kung sagot.”At saka ayaw ko sa sobrang mayabang at super bilib sa sarili! “Ouch..naman! Natapos ang pictorials kaagad akong nagrequest kay Joshua na magbihis para makaalis na kaagad. Kanina pa ako nangangati sa suot kung gown dahil super revealing kasi ang design nito. Kakalabas ko pa lang sa loob ng room pagkatapos magbihis nadatnan ko si Joshua na kausap si Mayor Luke. “Maglunch daw tayo kasama ni Mayor!” si Joshua ang nasalita. Napatingin ako kay Joshua pero hindi ko tinapunan ng tingin ang katabi niya. “May pupuntahan pa kasi ako eh! Kailangan kung tumawag sa Maynila para sa ini-offer sa aking trabaho roon! Paiwas kung sabi pero ang totoo wala naman talaga doon sa nabanggit ko. “Maybe on other time na lang Joshua, sobrang busy naman ng pinsan mo! Wala yatang time kahit maglunch lang! “Sorry Mayor! Pero kailangan ko nang umalis!” kaagad akong nagmadaling humakbang. “Wait, iiwan mo ba ako!” pahabol ni Joshua at saka naman ako napangiti. “Pwede ko kayo ihatid if you like! “Huwag na lang may sasakyan din akong dala, mahirap mag-commute ngayon!” malakas kung pagbanggit para pilit ipaalala ang nangyari noon dito. Naiwan naming natigilan si Lucas sa kinatatayuan nito. Maging ang mga naroon na naki-usyoso na rin. PAGDATING sa bahay ni Lola Mameng panay ang kantiyaw ni Joshua sa akin. “I’m surely judge na natamaan na talaga ni kopido ang puso ni Mayor Luke sa’yo! “Naniniwala ka naman sa mga lalaking ganyan! Mapagmatyag ka at alamin dahil baka paiiyakin ka lang! Kaya ako sobrang pihikan pagdating sa mga lalaki!” I already suffer pain on the past kaya ayaw ko nang ulitin pa iyon para lang sa maling desisyon ko!” Tumahimik sandali si Joshua. Alam kung may hinuha na siya kung bakit ako narito sa probinsya hindi para mgbakasyon kundi para makalimot sa nakaraan. “I’m sorry Jasmine! Pero hindi naman lahat ng lalaki ganyan ssa inaakala mo, malay mo iba naman si Mayor Luke sa kanya! “Basta mga lalaki pareho lang ang hangarin niyan! Pag lumalapit may balak iyan at habang maaga kailangan ko nang pigilan.” Naputol ang usapan namin nang pumasok si Lola Mameng at may dalang isang basket ng iba’t ibang prutas. “Apo para sa’yo daw ito regalo ni Mayor Lucas ipahatid niya sa mga tauhan niya! Nagkatitigan kami ni Joshua at kasabay na napatakip sa aming mga bibig. “Iyan na mga ang sabi ko sayo eh!” “Oh hala kainin nyo yan baka masira ang iba!” basi ng matanda at tumalikod at iniabot sa akin ang dala nito. May isang notes pang nakalagay sa ibabaw. I’m very sorry, bumabawi lang. Love, Luke Napahagikhik si Joshua habang binasa na rin ang notes. “Ewan ko ba! Hindi pa rin ako napapagaan ang loob dahil dito! Minsan niya akong iniinsulto at hindi ko na iyon makakalimutan pa! Lalo na’t pilit niya ipinaalala sa akin ang prutas na ito! Nakangiti pa rin si Joshua. Tumunog ang telepono ko isang unknown number ang tumatawag. “Thank you for answering, its Luke! Did you receive my gift for you? Ang binatang mayor ang tumawag. Saan ba niya nakuha ang numero ko bakit alam niya. “Where did you get my number? Lakas loob kung sabi “I have a lot of connections, Jas! Hindi mo pa ako lubusang kilala, just give me time to show you who I am! “Salamat Mayor sa prutas pero sana hindi ka na naagpaabala pa! “Hindi mo pinaunlakan ang imbitasyon ko kaya iyan na lang ang naisip kung regalo para makabawi man lang sa maling nagawa ko nitong nakaraan!” “Bakit hindi mo na lang ibigay sa mga girlfriend mo bakit ako ang pinagkaabalahan mo! Prankly speaking I don’t like this style!” seryoso na rin ang boses ko. “I’m a total bachelor at walang magagalit kung magbigay man ako ng regalo sa babaeng nagustuhan ko! Napakamot ako sa aking ulo habang nakangisi naman si Joshua sa aking harapan na alam nito kung sino ang tumatawag. Nagpaalam na ito kaagad. “I’m sorry Mayor hindi ako nag-intertain ng mga ganyang bagay! I want peace and privacy, at pwede ba huwag mo na lang akong pansinin! Nagsasayang ka lang ng oras mo!” “I can’t promise that Hon!” at tilang musika sa pandinig ko ang endearments na ginamit nito. Ipinatay ko ang telepono at hindi na tinapos pa ang usapan. Parang bumabalik ang boses ng nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD