“Sino ang napili mong maging escort? tanong ni Mang Berto habang nasa BOD Office ako.
“Wala po baka pwede si Joshua!
“Hay, naku hindi pwede halata ang kimbot ng batang iyan!
Na siya naman ikinatawa ko.
Tanungin ko na lang si Carmela baka may kilala siyang pwede at saka bago pa lang ako dito kaya wala pa akong masyadong kilala!
“Oh, siya ipaalam mo kaagad sa akin dahil kailangan kung ipasa ang pangalan sa Committee of Programs and Invitation!
Pagkadating sa pwesto namin kaagad kung kinausap ang dalawa kung pinsan.
“Si Carlo na lang ang super pogi kung Papaber!
Natatawa naman ako kay Joshua kahit kailan marami talaga itong natitipuhan.
“Hay, naku ang tangkad naman niyan para kay Jasmine!” mungkahi ni Carmela.
“Ayaw mo noon, pogi na matangkad pa at saka hindi naman magkalayo ang height nila dahil magsusuot din ng mataas na takong na sapatos!
Si Carlo at anak rin ng isang tindera sa palengke. Tama nga si Joshua sa paglalarawan sa lalaki. Makisig ang pangangatawan at malakas ang s*x appeal rin nito.
Ipinakilala ni Joshua si Carlo sa amin at mabait din ito at mabilis pakisamahan. Palabiro at ang sarap kausap nito.
Pumayag din para tumayong escort ko during the coronation night.
Magkasabay kaming pumunta ng munisipyo para sa final instructions.
“Alam mo Nicole ipinagtataka ko lang bakit nagtiis ka dito sa lugar namin! Maraming opportunity doon sa Maynila para pagkaabalahan!” magkasabay kami sa loob ng sasakyan ko.
“Sabihin na lang natin na kailangan ko ng hanapin ang sarili ko ibuo ulit ito. I want privacy and less stress sa magulong lugar!
Napatango na lamang ang lalaki na tilang nakamasid lang sa paligid na aming dinadaanan.
Maganda naman ang sikat ng araw ngayon kaya napakasarap magbiyahe habang nakamasid sa mga dinadaanan namin.
Nakaalalay si Carlo sa akin habang papasok kami ng munisipyo. Mabuti at mas maaga kami sa napag-usapang oras.
‘Welcome Ms. Magbati! Boses ng organizer ng event.
“Nice to be here po! By the way siya pala ang magiging escort ko!
Nakatingin ito sa mukha ni Carlo at tilang kinikilig pa.
“So…nice..bagay na bagay kayo!
Nang magsidatingan ang mga kasamahan ko saka na nagsimula ang special meeting na iyon.!
Nakita kung dumaan si Mayor sa tapat ng aming pinagdadausan at nahuli ko siyang nakatingin dito. Pero hindi na pumasok pa katulad ng dating ginagawa nito.
“Ms. Magbati ipinapatawag ka raw ni Mayor sa opisina niya para sa financial assistance na ibibigay!”
Kaagad kung inanyayahan si Carlo na hintayin niya ako sa waiting area sa harap ng office ni Mayor at ako na lang ang nagpaalam na pumasok sa loob.
Isang kampanteng nakaupong Mayor ang aking nadatnan.
“Tapos na ba?
Isang tango lang ang isinagot ko.
“Please seat down first! At tumayo ito at lumapit sa bandang kinauupuan ko!
“Kamusta kumain ka ba ng prutas na ipinadala ko sa’yo? It’s all fresh from the farm namin!
Napatango na lamang ako para wala nang iba pang itanong pa.
“By the way sino naman yung lalaking kasama mo?
“My escort!
“I don’t like him! Bakit hindi si Joshua na lang ang kinuha mo!
Napangiti din ako sa sinabi niya.
“Hindi mo ba nakikita, bakla ang pinsan kung iyon at nahahalata talaga pag lumalakad ang bruha! Ikaw kaya papaya ka?
“Of course dahil kung hindi lang ako ang mayor ako mismo ang magpresenta ng maging escort mo! I hate guys na umaaligid sa’yo!
“Hay naku Mayor! Tapos na po its already set!
Napapailing na lamang ang Binatang Mayor.
“By the way this is your cheque! At inabot ang voucher at cheque na nakapangalan sa sa akin.
“Salamat!
“Sign it! By the way dadaanan kita mamaya sa bahay nyo birthday ngayon ni Tita at lahat ng tagarito ay invited para sa kainan!
Napaisip ako saglit.
“Ay sorry hindi ako pumupunta sa ganyan! At saka hindi naman ako masyadong kumakain sa mga handaan kaya nagsasayayang lang ako ng oras!
Biglang lumungkot ang anyo nito. Parang ang kaninang excitement sa mukha nito napalitan ng pagkadismaya.
“Sasama din si Lola Mameng doon! Sige na sumama ka na please!
Napabuntong hininga na lamang ako.
“Susubukan ko pero I can’t promise!
“Salamat!
Nang tumayo ako para lumabas ng opisina nito nabigla ako ng hawakan niya ang aking aking kamay at tinitigan.
“See you later!” sabay pisil ng aking kamay at kumindat.
Nakangiti si Carlo nang nasa sasakyan na kami panay ang kantiyaw nito sa nakita niya kanina paglabas namin ni Lucas sa opisina nito. Hindi kaagad binitiwan ng lalaki ang kamay ko na patuloy pa rin sa paghawak.
“Type ka yata ni Mayor Santillan!
Napangiti na lamang ako sa tinuran nito.
“Nakipagkaibigan lang ‘yong tao!
Nakangiti ng makahulugan si Carlo at napapailing.
“Ibang kislap sa mata ni Mayor ang nakita ko kanina sa inyong dalawa!
PAGDATING ko sa bahay ni Lola kaagad niya akong sinalubong na nakangiti.
“Apo mag-ayos ka mamaya may pupuntahan tayong salo-salo diyan sa Hacienda Domino! Birthday ni Dina ang tiyahin ni Mayor Lucas!
“’La sinabihan na rin ako ni Mayor kanina pero hindi po ako nag-assure sa kanya na dadalo po ako!
“Of course, dadalo tayo! Para makita mo rin ang kalawakang pag-aari ni Mayor!
“At ano naman ang pakialam ko doon! I will think it first Lola!
Pero nang magkasabay ang tatlo na dumungaw sa silid ko para utusang magbihis wala na rin akong magawa. Kung hindi ako sasama ako lang ang maiiwan dahil lahat sila pupunta sa malaking bahay.
“Apo matagal pa ba? Kanina pa naghihintay si Mayor Lucas sa’yo sa labas!” sigaw nito.
Simpeng bestida ang isinuot ko at nagdala ng jacket.
Nakaramdam naman ako ng kilig nang nasilayan ko si Lucas nakadungaw sa bintana ng sasakyan nito. May dalawa pang sasakyan na nakaparada doon sa labas. Bumukas ang driver seat at bumaba doon ang kagalang galang na anyo nito suot ang super-hot casual outfit nito.
“Are you ready? Nagmamadali at super excited na ang mga bisita sa pagdating ko doon!” sabi pa nito habang inalalayan niya ako na pumasok sa sasakyan.
“Sila Lola?
“Diyan sila sasakay sa likurang sasakyan! May driver akong naghahatid sa kanila!
“Sana sabay na lang ako doon sa kanila!
“Tayo ang magkasama dito! At saka gusto ko ring makasama ka ngayong gabi!
Natigilan ako saglit. At sinamaan siya ng titig.
Napangiti ito at ipinaandar ang sasakyan.
“I will be your tonight partner!
ISANG mataas na gate ang pinasukan naming at may malawak na espasyo at punong puno ng namumulaklak na mga roses. Kahit sa gabi makikita ang kagandahan nito lalo na sa kumikislap na mga ilaw.
“Ang ganda! Ang salitang lumabas sa labi ko.
“Teaser pa lang iyan! I will bring you some other time para makita mo ang buong lugar ko!
Nakita kung magkasunod lang ang sasakyan namin na dumating nila Lola. Paglabas ni Joshua kaagad itong humiwalay sa dalawa.
Tama nga si Luke or Lucas halos lahat na panauhin ay nasa nayon. At punong puno ng pagkain sa paligid at mga inumin. May tumugtog pang malamyos na musika.
“Come here! Sabay akay niya sa akin sa loob ng bahay.
“Mayor, dito sa labas ang kainan bakit dito tayo pupunta sa loob ha?
“Of course para ipakilala kita kay Tita Dina! Siya yung kumupkop sa akin buhat ng maaksidente ang mga magulang ko!
Isang may edad na babae ang nasalubong naming palabas ng pintuan.
“Mama, this is Jasmine Nicole ang lagi ko kinukwento sa’yo!” pakilala nito.
Mula ulo hanggang paa ang tingin nito at tilang pinag-aaralan ang bawat kilos ko.
“Hope Iho, Now you make a right choice!” pabirong sabi.
‘Halika muna sa loob!” sabay hila sa kamay ko.
“Mayor!” nagbabanta kung boses.
“No honey! Iba ang iniisip mo! Papaupuin lang kita rito sa sopa para hintayin mo ako magbihis lang saglit!”
Napangiti na lamang ako. Another side of Luke.
Panay painting ang nasa malawak na sala ng bahay. At halos kay Luke ang lahat na nakasabit.
“Halika na I’m ready!” sabay alalay sa kamay ko palabas.
Naroon sa di kalayuan si Lola Mameng at kausap ang tiyahin ni Luke.
Ang mga mata yata ng mga naroroon ay sa amin nakatingin dalawa. Siyempre mayor nila ang kasama ko.
“Simpe but elegant!” bulong niya sa tainga ko. Nasiya namang ikinakislot ko. May dalang init ang hininga nito.
Napalingon ako rito at namula ako ng hawakan niya ang buhok ko na nakapatong sa mukha ko sabay ipit sa aking magkabilaang tainga.
“Bagay sa’yo ang ganitong nakalugay ang buhok! I hate your outfit noong nagharvest ng mangga!
Napangiti ako.’Salamat! at napalingon ako. nahuli ko pa si Carmela at Joshua na nagkikindatan habang nakatingin sa banda namin.
“Gusto kung kumain ka ng marami and enjoy the rest of the night!” at napakindat pa ito.