Isang nakangiti na mukha ni Lola Mameng ang sumalubong sa amin pagbaba pa lang ng ssakyan. Gumalaw pa lang ako kaagad na akong ibinuhat ni Luke. “Apo akala ko ba hindi ka dito tutuloy paglabas ng hospital? Ibig sabihin buo na pala ang akala niya na doon ako sa Hacienda tutuloy. “Lola saan po ang kwarto niya!” tanong nito habang kalong pa rin ako. “Naku Mayor diyan na lang sa sala si Jasmine ibaba! Tilang natigilan pa ito at nanatiling nakatayo. “Where’s your room?” sa akin siya nakatingin. “Diyan sa itaas pangalawang pinto! Halos natigilan ang lahat nang kalong pa rin niya ako at dinala sa itaas. Nanatiling nakasunod ang mata ng lahat sa kanya habang umaakyat sa hagdanan. “Ingatan mo ang apo ko Mayor!” pahabol pang salita ni Lola. “Ito ang sinasabi ko sa’yo! Paano ka makababa p

