Umikot kami sa paligid ng mansion na ipinasakay niya ako sa hydraulic wheelchair. Nakaramdam naman ako ng hiya nang binuhat niya ako at iniayos dito. Parang isa akong may kapansanan na hindi na kayaning maglakad pa. “Ito ba talaga ang gagamitin natin sa pag-ikot? “Yes Hon, hindi ako papayag na ma-stress yung paa mo sa kakalakad!” habang tulak niya ako palabas ng mansion. Umikot ang paningin ko sa buong paligid. Alagang alaga ang halos lahat na mga halaman dito. Lalo na ang mga ornamentals at iba’t ibang variety ng roses. Napakahalimuyak ng buong paligid. Hindi ka magsasawa na ilibot ang iyong paningin dito. “Sobrang ganda ng mansion!” Dito pa lang tayo sa malapit nag-iikot. Next time buong hacienda na ang iikutin natin kasama si Staller ang kabayo ko!” Kanina pa kami paikot ikot sa p

