"Nandiyan ba sa loob si, Sir Magnus?" tanong ni Manggisian sa sekretarya ng binata. Iba na ang vibes nito ngayon. Hindi na kagaya noon na suplada. "May kausap po sa loob," sagot nito. Napatango naman siya. May ibibigay lang siyang files sa binata. "Puwede ba akong pumasok?" tanong niya rito. Kaagad na tumango ito. Ngumiti siya rito at nagpasalamat. Binuksan niya ang pinto at ngumiti nang malapad. Natulala siya at naiwan sa ere ang ngiti niya nang saktong makita niya si Magnus at babaeng nakasuot ng fitted sexy red dress na magkalapit. Their lips almost touched. Kaagad na napakunotnoo siya. Lumayo si Magnus sa babae at hindi alam ang sasabihin. "Love, it's not what you think," ani ni Magnus sa kaniya. Napatingin ang babae sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. Huminga siya nang mala

