Naglalakad na si Manggi papasok sa bahay nila. Nag-over time siya dahil malapit na ang launching ng bagong products nila. Pagtingin niya sa relos niya ay alas nuwebe na ng gabi. Tahimik na ang loob. Pumasok siya sa kusina at kumuha ng tubig para uminom. Bigla ay may yumakap sa likod niya. Sa gulat niya ay hinarap niya ito at binuhusan ng tubig na hawak-hawak. "F**k!" mura ng asawa niya. Kaagad na in-unbutton nito ang suot na white long sleeves. Kaagad na napahawak ang dalaga sa bibig niya. "Sorry, sorry hindi ko sinasadya," ani niya kay Magnus. Nang mahubad iyon ng ng asawa niya ay napatalikod si Manggi. Ibinalik niya ang hawak na pitsel sa refrigerator. Kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nasasanay na makita ang katawan nito. Idagdag mo pa ang nangungusap nitong mga mata. Par

