"Mag-iingat ka sa biyahe ha. Bisitahin mo ako rito," saad ni Cindy na nakangiti pero ang mga mata naman ay sobrang lungkot. Nakatayo lamang siya at hinarap ang kaibigan. "Babalik naman ako. Sige na, puwede ka nang umiyak," saad niya sa kaibigan. Kaagad na napahagulhol ito. "Mami-miss ka kasi namin eh," saad ni Cindy. Kaagad na niyakap ito ni Manggi. "Mami-miss din naman kita. Kayo ni, CT at Manang Lita. T'saka huwag kang mag-alala, safe kaming makararating. Kilala mo naman itong si Mang Tonyo. Mag-iingat ka rito ha," wika ng dalaga. Suminghot si Cindy at tumango. Nginitian niya ito at pumasok na sa sasakyan. "Bye," nakangiting ani niya. Itinaas lamang ni Cindy ang kamay niya at kumaway. Umayos na sa pagkakaupo ang dalaga at napatingin kay Dos. Natutulog pa rin ito. Napagpasiyahan

