DH:35

2259 Words

Nakaupo lamang ang magkaibigan habang nakatingin sa tala. Gabi na at napagpasiyahan nilang magmuni-muni muna sa labas. Huminga nang malalim si Manggi at ngumiti nang tipid. "Alam mo, ganitong-ganito rin doon sa lugar namin," saad ng dalaga. "Tahimik, may naririnig kang mga kulisap. Alam mo Cindy, ang sarap ng buhay sa amin sa bukid. Hindi komplikado at payak," kuwento niya. "Ang suwerte mo at nakaranas ka ng tahimik na buhay. Ako? May pera naman kami pero hindi iyon ang nagpapasaya sa akin. Growing up wala akong natatanggap mula sa mga magulang ko kung hindi puro pamumuna. At kahit isang beses ko pa lang nakita ang mga magulang mo alam kong mahal na mahal ka nila," ani ni Cindy at uminom ng gatas sa baso niya. "Ano ba naman 'to? Ayaw ko sa lasa," reklamo nito. Napangiti naman si Ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD