"Magnus!" tawag ng Mommy Khadessi niya. Kabababa lang niya ng hagdan. Napatingin siya sa gawi ng Mommy niya at lumapit. May katabi itong dalagita na sa tingin niya ay kaedad niya lamang. Kasalukuyan siyang eighteen years old at magtatapos na ngayong taon sa STEM course ng K to 12 program ng gobyerno. Kahit nasa private siyang eskwelahan ay wala naman siyang choice. "Bakit, Ma?" tanong niya rito. He was avoiding the girls eyes. Nakangiti kasi ito na para bang kilig na kilig. "Remember, Mangissian Amira Mandin? In short, Manggi? Iyong kaibigan mo sa Tribo Kawkaw noon? She will live with us starting today. Mag-aaral na rin siya sa school mo," nakangiting saad ng Mommy niya. "Hello, Magnus," bati ng dalaga sa kaniya. Tiningnan niya lamang ito at tinanguan. The girl was beautiful. Kayum

