Maaga pa lang ay nakaligo na ang dalaga. Matapos makapagbihis ay lumabas na siya ng kuwarto niya at napapitlag nang makita si Magnus na kalalabas lang din ng kuwarto nito. Tinaasan lamang siya nito ng kilay. "Tsk," ani nito sa kaniya. Kaagad na nagulohan siya. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit napaka-suplado nito. "Kapag nasa school na tayo. Don't ever call me on my first name. We are not even close. Hindi dahil sinabi ni Mommy na sasabay ka sa'kin everyday, doesn't mean that we are friends. I don't like you. Don't be ignorant. Magkaiba ang bukid sa city, you understand?" malditong saad nito sa kaniya. Dahil sa takot ay kaagad na napatango si Amira. "Good, kapag nasa campus tayo just act like you don't know me," matigas na saad nito at nauna nang bumaba. Natigilan lamang

