"Bakit ka pumasok sa room namin kanina? Hinanap mo ba ako?" tanong ng binata sa kaniya. Kaagad na nangunot ang noo niya. "H-hindi ah, nagkamali lang talaga ako ng pasok," saad ng dalaga. "Nasa kabilang building ang room niyo. It was impossible that you get lost," saad ulit ng binata habang nakatingin lamang sa daan habang nagmamaneho. Napapikit ang dalaga at hindi alam kung paano magpapaliwanag. "Isinama kasi ako ni, Cindy kanina. Para tingnan kayo at ng mga kaibigan niyo," sagot ng dalaga. Magnus smirked at her. "May gusto ka ba sa'kin?" tanong ng binata sa kaniya. Kaagad na natawa ang dalaga. "Hala! Ang feeling. Si, Jerome nga lang ang nakita kong pumasa sa'kin," saad ng dalaga. Kaagad na napatigil siya sa pagtawa nang makitang hindi tumatawa ang binata. "I'm just asking you.

