4 years later..... "Diwata, hindi ba naghahanap ka ng trabaho?" ani ng kaibigan niyang si Yumi. Ito ang nurse na tumulong sa kaniya at nagpaanak. Kasalukuyan itong nandito sa lugar ng Tribo Kaw-Kaw para magbigay ng deworming tablets para sa mga bata. Kaagad na napatango ang dalaga. Kailangan niyang maghanap ng trabaho lalo na at lumalaki na si Magnus Nikolai. Tipid ang ngiti habang nakatingin sa anak niya na kakaiba ang kulay ng mata. Ibang-iba ito sa karaniwang tao lang. "Ang guwapo talaga ng anak mo, Diwata. Siguradong foreigner ang ama niyan," sambit ni Yumi. Napangiti naman siya nang malungkot. "Tingnan mo ang mga mata talagang napaka-ganda. Ang puti-puti at matangkad sa normal na edad niya," komento ni Yumi. Napangiti naman agad ang dalaga. Sadyang kay bilis ng panahon. Naalal

