Mag-isang nakaupo lamang ang binata sa kuwarto nila ng dalaga. Hindi niya alam ang gagawin. He was drinking himself to death. Hindi niya alam kung paano magsisimula na wala ang kaniyang asawa. Patuloy lamang sa pagtulo ang luha niya. Dumating na rin ang pamilya niya kahapon nang mabalitaan ang nangyari. Nakatitig lamang siya sa masayang litrato ng asawa niya at sa naiwang pregnancy test kit nito. "I am sorry, love. I am sorry, baby kung hindi ko kayo naprotektahang dalawa," he said silently. Patuloy lamang siya sa pag-inom ng alak. Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at sinagot. "Mr. Vasiliev, this is Police inspector Fred Dominguez. Ako po ang humahawak sa kaso ng inyong asawa. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na may foul play po na nangyari," ani nito sa

