Kaagad na sumunod ang binata sa dalaga. Nang maabutan ay kaagad na niyakap niya ang beywang nito nang mahigpit. "Please love, listen to me first," Creed pleaded. Nanginginig ang kamay ni Khadessi na tinanggal ang kamay ng binata at hinarap ito. Tumutulo ang luha niya. Ganoon din ang binata. "Matagal na 'yon. That video it was just a reckless game. But we didn't pursue it. Tinigil namin 'yon," paliwanag ng binata. Nakagat ng dalaga ang labi niya sa narinig mula sa binata. She nodded her head and breathed heavily. "I know, kasi nu'ng gabi ding 'yon may nangyari sa'tin, Creed. Alam mo kung ano ang mas masakit? Iyong ang daming panahon para sabihin sa akin 'yon pero hindi mo ginawa. Mas maiintindihan ko siguro. Hindi iyong malalaman ko na lang na ganito," mahinang sambit niya. Suminghot

