Bandang alas siyete ay bumangon na ang dalaga. Napasandal siya sa hamba ng pintuan nang makitang wala na ang binata. Malinis na nakatupi ang kumot sa gilid ng couch. Napangiti siya at pumunta na sa kaniyang kusina. Sa tingin niya ay hindi pa matagal na nakaalis ang binata dahil umuusok pa ang mga niluto nito. Napaupo siya sa lamesa at napangiti. Matapos kumain ay nakaupo lamang ang dalaga sa couch niya nang mapansin ang hoodie ng binata. Wala siyang trabaho dahil natapos na nila kahapon ang photoshoot. Launching ng product ni Saint bukas. Ilang saglit pa ay kinuha ng dalaga ang cellphone niya at nag-search kung saan nakatira ang binata. Kinuha niya ang brown paper bag at inilagay doon ang kaniyang hoodie. Maya-maya ay ihahatid niya iyon. Bandang alas nuwebe nang umaga ay umalis na siya.

