"Aya, pakiayos naman ng buhok ko," utos ng dalaga sa kaibigan. "Okay girl, paanong curl ba ang gusto mo?" tanong ng bakla sa kaniya. "Ikaw ang bahala, alam ko namang alam mo kung ano ang bagay sa'kin eh," saad ng dalaga na ikinangiti ni Jeremiah. "Kamusta na pala si Uzzi, Blanc?" tanong niya rito habang nagme-make up sa kaniya. "Ayun, na-miss ang Daddy niya. Maghapon na naman 'yong nakatingin sa cellphone. Alam mo naman kung gaano sila ka close ng kano," sagot ni Blanc. "Kamusta na pala kayo ni, Fafa Creed?" nakangising tanong ni Jeremiah sa kaniya. Akmang magsasalita na siya nang may magsalita sa likod niya. "So he's really your husband huh?" ani ng isang baritonong boses. Kaagad na natigilan sila at napalingon. "Patay," mahinang ani ni Jeremiah. Nagulat naman si Esay at naka

