"Mommy, bili mo ko shoes ha. Iyong color purple," nakangiting saad ni CT sa kaniya. Kaagad na nilingon niya ito at nginitian. "Yes baby, anything for you," sagot niya rito. Maingat na ipinarada niya ang sasakyan sa labas ng mall. Matapos ang trabaho niya ay umuwi siya kaagad at dinala ang anak niya sa mall. Naisipan niyang kumain sila sa paborito nitong fast food restaurant. "Let's go," ani niya at nginitian ito. Kaagad na ngumisi naman si CT at bumaba na ng sasakyan. Nang maisara ng dalaga ang pinto ng sasakyan ay hinawakan niya ang kamay ni CT papasok sa loob. Nagsimula na naman ang pagkabibo ng anak niya. Ang hilig ngumiti. Pumunta sila sa shoes section at naghanap ng mga boots na kulay purple. Mag fa-five years old pa lang si CT pero sobrang hilig sa fashion. "Mommy, I want to wea

