"Manggi," tawag ni Cindy sa kaibigan niya. "Hmm?" ani nito at nginitian siya. "Puwede mo ba itong dalhin sa asawa mo? Kailangan niyang mapirmahan ito kaagad," ani ni Cindy. Kaagad na natigil sa kani-kanilang ginagawa ang apat. Maging si Manggisian ay natigilan sa ginagawa niya. "Asawa mo si, Sir Magnus?" gulat na tanong ni Evelyn. Alanganing napangiti si Manggisian at tumango. "Sorry guys kung inilihim ko. Ayaw ko kasing malaman niyo kasi baka mag-iba ang trato niyo sa'kin," paliwanag niya at napakamot sa ulo. Nag-peace sign lamang si Cindy. "Sinasabi ko na nga ba," komento ni Dyna. "Iba kasi talaga ang tinginan niyo ni, Sir eh. Kaya naman pala," nakangiting saad ni Teresa. Napangiti lamang siya at kinuha ang mga files. "Sige at ibibigay ko lang ito sa kaniya," ani niya at

