Nakaupo lamang si Cindy sa stool at umiinom ng inorder niyang margarita. Mausok ang paligid. Maingay at may iba't-ibang lights kahit saan. May nagsasayawan, nagsisigarilyo at nagme-make out. "Alone?" ani ng lalaki sa gilid niya. Kararating lang nito. Inubos niya ang laman ng baso niya at hinarap ito. "Isang beer pa," ani niya sa bar tender. "Obvious ba na mag-isa ako?" tanong niya sa binata. Kaagad na napangiti ito. "You look so beautiful," puri nito sa kaniya. Kaagad na napairap siya. "Wala na bang bago? Luma na 'yan baguhin mo naman," ani niya rito. Napatingin siya sa bartender at nginitian ito. "Thanks," ani niya rito at kaagad na ininom ang beer. Akmang aakbay ang lalaki sa kaniya nang pigilan niya ito at inilingan. "Not too fast," ani niya rito. "Halata namang gusto

