"T'saka nagtataka 'yan sila kung bakit sa dami ng gusto kang makatabi ay dito ka sa amin pumunta," dagdag pa ni Mae. Kaagad na kumunot ang noo niya sa narinig. "Kumain na nga tayo, kung anu-ano ang pinagsasabi niyo riyan," nakangiting ani niya. Matapos nilang kumain ay nanatili pa siyang nakaupo. "Fourth year ka na rin ba ganda?" tanong ni Lita sa kaniya. Kaagad na tumango siya. "Oo, secondary education," sagot niya. Kaagad na napangiti ang dalawa. "Kami rin," sagot nito. Natuwa naman siya. At least ay may kaibigan na siya. Kinuha niya ang papel at ipinakita sa dalawa. "Hala! Dalawang subject lang tayo hindi magkasabay," sambit ni Mae. "Talaga?" masayang ani niya. Tumango naman si Mae. "Mabuti naman," ani niya. May isang oras pa silang natitira. "Oo nga pala, ngayon ka lang

