Handa nang matulog ang dalaga nang biglang tumabi sa kaniya ang binata. Kaagad na umusog siya at tinalikuran ito. Ramdam niyang nakatingin sa kaniya ang binata. Itinaas niya ang kumot sa kaniyang katawan. "Khadessi," tawag pansin ni Creed sa kaniya. "Bakit?" sagot niya rito. "Aalis ako bukas," "Palagi ka namang umaalis," ani niya rito. "I will be gone for three days. Pinapupunta ako ni, Luther sa opening ng bagong resort niya," ani Creed sa kaniya. "Okay," tipid niyang sagot. "Do you want to come with me?" tanong ng binata sa kaniya. Natigilan siya sa tanong nito. Kahit gustohin niya hindi puwede kasi may pasok naman siya. "May pasok ako eh," ani niya sa asawa. "That's not a problem," sambit ng binata. Hinarap niya ito at tinaasan ng kilay. "Paanong it's not a problem eh

