Nakangiti ang dalaga habang nakatingin sa salamin ng kuwarto niya. Kinuha niya ang picture frame ng parents niya at ngumiti. "Nagawa ko na, Ma, Pa," kausap niya sa mga ito. "Ga-graduate na ako ngayon," ani pa niya. Suot ang fitted niyang yellow casual dress. "Esay? Tara na," tawag sa kaniya ng pinsan niyang buo na si Heart Cuntay. Isa itong kilalang celebrity. "Nandiyan na, Ate," ani niya at hinalikan ang frame ng parents niya. Bumaba na siya at ngumiti. "Congratulations pinsan, ang ganda mo talaga," nakangiting bati ni Heart sa kaniya. "Thank you, Ate," sagot niya rito. "Tara na at ilang minuto na lang magsisimula na ang program," ani nito sa kaniya. Kaagad naman siyang tumango. Hindi nakarating ang lola niya at nakababatang kapatid ni Heart tsaka ang Ina nito dahil nagbaba

