Kabanata 21

1987 Words

Mabagal ang hakbang ng dalaga palabas ng mansion. Patuloy lamang sa pag-agos ang luha niya. Huminto siya saglit at napalingon sa mansion tsaka napangiti nang mapait. "May mga bagay pala talagang gusto mo na tsaka naman isasampal ng katotohanan sa'yong hindi puwede," mahinang sambit niya at tuloyan nang umalis. Pumara siya ng traysikel sa labas at nagpahatid sa bahay niya. Nang makarating ay kaagad na pumasok siya sa loob at napaupo sa maliit niyang sofa. Nahilot niya ang kaniyang dibdib sa sobrang sakit na nararamdaman. Pakiramdam niya ay pinagbabawalan siyang huminga sa sakit. "Kayanin mo, kayanin mo, Khadessi," ani niya sa kaniyang sarili. Napahiga siya sa upuan at umuyak ng tahimik. Sanay siyang mag-isa. Na siya lang at walang karamay. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at napating

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD