Tahimik na nagmamaneho ang binata ng kotse. Pauwi na sila sa mansion. Ni isa ay walang nagtangkang magsalita. "Mom, called me earlier," ani ng binata. Kaagad na napatingin siya rito. "She's excited to see you today," dagdag pa nito. "She was so happy hearing the news between us. She can't wait to see you," ani pa ulit ng binata. "Umuwi na sila?" tanong niya rito. Mahinang tumango ang binata. Napakurap naman ang dalaga. Paano na kaya ang usapan nila. "Sasabihin ba natin na ia-anull na natin ang kasal?" tanong niya kay Creed. Creed clenched his jaw. "No," he said sternly. "Ayaw kong bigyan ng false hope ang mommy mo. She won't like it. Mas mabuti pang habang maaga ay sabihin natin ang totoo sa kanila," ani ng dalaga. Magkadikit ang kilay na tiningnan niya ito. "Bakit ba sobrang

