"Thank you and good night," nakangiting sambit ni Khadessi at pumasok na sa loob ng villa. Nagulat pa siya nang makita si Marionette na suot ang damit ni Creed. Her breathe started to slow down. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Basa din ang buhok nito. Nakangiting umupo ito at nagka-kape. "Khadessi," tawag nito sa kaniya. Napangiti naman siya nang peke rito. "Puwede ba tayong mag-usap?" tanong nito sa kaniya. Napatingin naman agad ang dalaga sa kuwarto. "Naliligo pa si, Kane," ani ni Marionette. Huminga siya nang malalim at tumango. Umupo siya sa couch at hinarap ito. "Ano'ng pag-uusapan natin?" tanong niya rito. Sumimsim ito sa kape niya bago nagsalita. "Alam ko kung ano ang sitwasiyon ninyo ni, Kane," ani ng dalaga. Nanatiling tahimik lamang siya. "I know that he wa

