Napangiti ang dalaga nang makaratingna siya sa mansiyon. Wala ang mag-asawa dahil pumunta ang mga ito sa ibang bansa. Umakyat na siya papunta sa second floor at pumasok sa kuwarto niya. Kaagad na nagbihis siya ng damit pambahay at kinuha ang kaniyang cellphone. Binuksan niya iyon at nakagat ang labi dahil ang daming message ni Magnus at Jerome. Laging nagpa-pop up ang mga avatar nito sa messenger. Binuksan niya ang chat ni Jerome at hinanap nga siya. Nag-type naman agad siya na nauna na siyang umuwi dahil sumakit ang tiyan niya. Kaagad naman itong nag-reply sa kaniya na okay lang. Napahinga siya nang malalim. Sa wakas ay nalusutan niya ito. Bukas ano nanaman kaya ang alibi niya. Napatingin siya sa cellphone niya nang magpop-up ang avatar ni Magnus. Binuksan niya iyon at nanlaki ang mga

