Chapter Three “Tahimik pero Totoo”

3348 Words
Ezekiel’s POV Hindi ako sanay mag-message ng ganon sa babae. Madalas, tahimik lang ako. Observant. Ako ‘yung tipo ng taong mas pinipili ang katahimikan kaysa small talk. ‘Yung tipong maraming iniisip, pero bihirang may makaalam. Pero simula nang makilala ko si Seilah, parang unti-unting nabasag ‘yung wall ko. Wala siyang ginagawa, actually. Hindi siya trying hard na maging close, hindi siya pa-deep. Pero ‘yung mga sagot niya sa chat… diretso. Totoo. Walang arte. At kagabi, nung tinanong ko kung kailan siya huling naging “okay,” alam kong risky ‘yun. Baka akala niya ang weird ko. Baka i-seen lang ako. Pero hindi eh. Sumagot siya. Hindi in full detail, pero sapat para malaman kong may pain din siya na hindi niya maamin basta-basta. --- Ngayong umaga, maaga akong nagising. Hindi ko rin alam kung bakit, pero siya agad ang naisip ko. Nag-chat ako. Simple lang. “Good morning.” Tapos nadulas na ang daliri ko sa mga salitang di ko planong sabihin: > Proud ako sayo kahit di mo pansin. Basta nandito lang ako. Ayoko nang matapos sa deadline lang. Napahawak ako sa ulo ko after ko ma-send. Tangina. Bakit ko ‘to sinabi? Pero may part sa’kin na hindi nagsisi. Kasi sa totoo lang, hindi ko lang siya ka-groupmate. Hindi ko lang siya kausap tuwing project. Siya ‘yung unang taong naramdaman kong hindi ako tinutulak palayo, kahit ang dami kong dalang tahimik na trauma. --- Flashback. High school. Sigawan sa loob ng bahay. Lasing si Papa. Umiiyak si Mama. Ako? Nakaupo sa sulok, nakapikit. Paulit-ulit sa isip ko: Tahimik lang. Wag ka mag-react. Lalala lang ‘to. Ganun ako lumaki. Sa katahimikan. Kaya dalang-dala ko siya hanggang ngayon. Pero kay Seilah… tahimik din siya. Pero ibang tahimik. ‘Yung tahimik niya, hindi malamig. Hindi madilim. Tahimik na… may kwento. Tahimik na may lalim. At kahit walang sinasabi, parang nag-uusap kami. --- Nag-reply siya. > Hindi ako sanay sa mga ganyang salita... pero salamat. Hindi mo alam kung gaano kalaking bagay ‘yan ngayon. Ngumiti ako. Hindi mo rin alam kung gaano kalaking bagay na pinayagan mo akong manatili kahit konti pa lang. Kasi sa mundo kung saan sanay akong hindi pinapansin... Sa wakas, may isang taong nagsimulang makakita. Staring at the ceiling. Morning na, pero parang hindi ko pa rin ramdam. My phone’s on the bed, screen down I haven’t checked it since I woke up. But I know her chat is still there. Seilah. The speaker on my desk is playing low. One of those songs I never thought I’d relate to. 🎵 “Nariyan ka pa ba Hindi ka na matanaw Kung mayro’n bang daraanang Pasulong, pasulong…” I’ve played this track so many times already. But today? It hits different. Lalo na ‘yung chorus… 🎵 “Hohoho hindi ko maisip… Kung wala ka… Hohoho sa buhay ko…” Yeah. That part. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit si Seilah ang naiisip ko lately. She’s not like the girls I used to talk to. She’s… quiet. But not boring. May lalim. May bigat ‘yung presence niya kahit simple lang siya. Tok tok tok. “Zeke, gising ka na ba?” Boses ni Kuya Paul. Walang arte, walang pa-conyo. Yung boses na palaging diretso, pero may concern. “Yeah, gising na,” sagot ko, sabay tayo. Binuksan niya ‘yung pinto, naka-sando at shorts, hawak ‘yung susi ng motor. “O, gamitin mo na ‘tong motor. Coding ‘yung sasakyan. May lakad pa kami ni Amethyst mamaya.” Kinuha ko ‘yung susi. “Sige. Salamat.” Hindi na siya nagtanong. Hindi na tumingin sa phone ko. Sanay na siyang hindi ako madaldal. At kahit gusto niyang tanungin minsan, nirespeto niya palagi ‘yung space ko. Kaya siguro mas pinili ko na sa kanila tumira. After Mom died last year breast cancer everything fell apart. Si Daddy? Lalo lang naging toxic. Lasing araw-araw. Uwi kung kailan lang gusto. Then came her ‘yung babaeng pinasok niya sa bahay namin. Halos kaedad lang ni Kuya. And worse, pinalit niya kay Mama as if ganun lang ‘yun. I couldn’t stay in that house. I couldn’t fake it. Ayokong makipag-plastikan. Ayokong magpakabait sa harap ng babae niya. So I left. Mas pinili ko na lang sumama kay Kuya Paul. Hindi sila mapanghimasok. Tahimik lang ang bahay nila. Maayos. And for the first time in a long time… kahit papaano, may konting peace. Sa background, nag-loop ulit ang kanta. 🎵 “Kung wala ka… Hohoho sa buhay ko…” **Campus** The hum of the motor echoed inside the campus parking lot as I pulled in. Tumigil ako sa spot na lagi kong pinupuntahan shaded, tahimik, medyo malayo sa tambayan ng karamihan. I took off my helmet, parked casually, and scanned the area. Same usual stares. Some people turned their heads. Others tried not to look too obvious. A few girls near the bench beside the admin building whispered as I passed by. Their eyes followed me, pero katulad ng dati, walang lumapit. Not a single one. I know what people say about me. “Misterioso.” “Mayaman.” “Intimidating.” “May sariling mundo.” The type na ‘pag dumaan, you notice but never get too close. And I like it that way. The less they know, the safer my peace is. My leather jacket rested lightly on my shoulder as I walked through the hall. Headphones around my neck, bag slung lazily on one side. I wasn’t rushing. I never do. And yet, somehow… I caught myself scanning the crowd. Looking for one face. No, I wasn’t going to admit it out loud. But yes I was looking for her. Seilah. That quiet girl who somehow slipped through my walls without even trying. Wala siyang effort, wala siyang pakitang-tao. She doesn’t even try to impress anyone. But she’s the one person I remember at the end of the day. She’s not like them. She doesn’t try to belong and that’s exactly why she stands out. I adjusted my bag and headed toward the direction of our building. Some guy I don’t even know gave me a nod. I didn’t nod back. A girl smiled at me from a distance too sweet, too rehearsed. I looked away. This place? It moves like clockwork. Same faces. Same noise. But today, parang may bago. Parang may something sa hangin na hindi ko maipaliwanag. Or maybe… I’m just waiting for her to notice that I’m here. I stared at the key in my hand. Maybe it’s time to move forward. Maybe it’s okay to let someone in. Even just one. Seilah’s POV Naglalakad ako papunta sa building habang hawak ‘yung tumbler ko. Maaga pa pero ramdam ko na ‘yung init ng araw. Napahinto ako sandali nang mapansin kong medyo nagkakagulo ang tingin ng ilang estudyante sa may parking area. Lumingon ako, out of habit. At doon ko siya nakita. Ezekiel Rivera. Nakamotor. Suot ‘yung itim na jacket, may earphones sa leeg, and that usual I-don’t-care vibe all over him. Tahimik lang siya, pero ‘yung presence niya solid. Alam kong hindi lang ako ‘yung napatingin. Lahat halos biglang naging tahimik saglit. May mga napabulong. Pero kahit ganun, wala ni isa ang lumapit. Kilala siya sa campus. Ezekiel Rivera laging mag-isa, laging late pero laging pasado. Gwapo, oo. Pero hindi lang basta pa-cute. May lalim, may tinatagong bagyo. Pero kahit kilala siya, hindi siya approachable. Parang ‘yung aura niya sinasabing: “Don’t even try.” Napansin ko, hindi siya tumitingin kanina kahit kanino. Tuloy-tuloy lang siya maglakad papunta sa building, pa-slouch pa nga. Pero saglit parang napalingon siya… sa direksyon ko? Napakapit ako sa strap ng bag ko. Hindi ko alam kung ako ba ‘yung tiningnan niya o kung nagkataon lang. Nag-iwas ako ng tingin. “Ano ba naman ‘to, Sei. Conscious ka na naman,” bulong ko sa sarili. Hindi ko siya kilala nang lubos. Pero sa konting usap namin dati ‘yung simpleng chat, ‘yung saglit na ngiti parang… may kung anong tahimik na koneksyon. Tahimik nga lang. Walang label. Walang malinaw. Pero sapat para mapaisip ako kung bakit siya pumapasok sa araw ko kahit hindi ko naman siya hinahanap. Pagdating ko sa classroom, halos kalahati pa lang ng klase ang nando’n. Umupo ako sa usual spot ko second to the last row, sa tabi ng bintana. Gusto ko kasi ng hangin, tahimik, at medyo malayo sa mga madaldal. Binuksan ko ‘yung notebook ko, pero wala pa rin ako sa mood magsulat. Lumingon ako saglit at doon ko siya nakita ulit. Ezekiel. Pumasok siya na parang walang pakialam sa paligid. Tumingin siya sandali sa paligid, tas umupo sa may dulo isang hilera sa likod ko, pero sa kabilang side ng row. Wala siyang kasama. As usual. Ang weird lang kasi... kahit surrounded siya ng mga taong curious, admirers, or silent fans walang lumalapit. Parang may invisible wall siyang hindi pwedeng tawirin. At kung may sinumang magtatangkang lumapit, automatic shut down ang vibe niya. But somehow, sa ilang beses naming magka-chat hindi ko na siya nakikita bilang “yung Ezekiel Rivera na tahimik, mayaman, at unreachable.” Parang... mas naging tao siya. Mas totoo. “Seilah, okay ka lang?” Napalingon ako. Si Rica pala kaklase namin, approaching na. “Ha? Oo naman,” sabi ko, pilit na ngumiti. “Parang wala ka sa mood ah.” I just shook my head. “Medyo kulang lang sa tulog.” Nag-excuse si Rica para umupo sa harapan. Pagkaupo niya, hindi ko mapigilang silipin ulit si Ezekiel. Nakahawak siya sa chin niya, tingin sa labas ng bintana hindi naman doon ang view. Mukhang malalim na naman ang iniisip. At sa isang iglap, lumingon siya. Nagkasalubong ang mga mata namin. Saglit lang. Pero sapat para maputol ang paghinga ko. Napalingon agad ako sa notebook ko. Hindi ko alam kung anong itsura ng mukha ko sa pagkakatitig niya pero alam kong hindi ako handa. Tahimik. Walang salita. Pero ramdam ko pa rin siya. Sinubukan kong mag-focus sa notes ko, pero wala talaga. Kahit ‘yung simpleng title sa taas ng papel, hindi ko maayos na maisulat. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako ganito dati. Mula nung nagkahiwalay sina Mama at Papa, sanay na ako sa katahimikan sa pag-iisa. Pero bakit sa tuwing nandiyan si Ezekiel, hindi ko mapanatili ‘yung tahimik sa loob ko? Narinig kong bumukas ang pinto. Pumasok na si prof. Napalingon ang karamihan, sabay-sabay na nagsibalikan sa upuan ang mga nakatambay sa labas. Mabilis din akong nagkunwaring busy. Para lang hindi niya mapansin kung gaano ka-fixated ‘yung utak ko sa presensya ni Ezekiel. Habang tinuturo ni prof ang topic, lumilipas ang oras pero parang mabagal. Maya’t maya, mararamdaman kong may tingin sa likod. Hindi ko alam kung paranoia lang o kung... siya nga. Hindi ko sinubukang lumingon. Hindi ako handa. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sakaling magtagpo na naman ang mga mata namin. Baka mapahiya lang ako. O baka makita niya kung gaano ako kabado. Pagkatapos ng klase, isa-isa nang nagsilabasan ang mga kaklase. Tumayo rin ako, dahan-dahan, sabay kuha ng tumbler at notebook. Naramdaman kong tumayo rin siya. Pareho kaming tahimik. Magkalapit pero tila may distansyang hindi pwedeng lampasan. Naglakad ako papunta sa hallway. Pinipilit kong huwag lumingon. Pero bago pa ako makaliko sa corridor, narinig ko ang mababang boses sa likod ko. “Seilah.” Para akong napako. Mabilis ang t***k ng puso ko. Bihira ko siyang marinig magsalita lalo na sa pangalan ko. Lumingon ako, marahan. Nakatayo siya roon. Hindi ngumiti, pero hindi rin seryoso ang mukha. Parang... may gusto lang sabihin. “Uhm…” tumikhim siya nang bahagya. “Okay ka lang?” Napasinghap ako. “Ha? Oo. Bakit?” Umiling siya, tinapik ang strap ng bag niya. “Wala. You just looked off kanina. Di kita sanay makita na tahimik.” Napangiti ako, pilit pero totoo. “Tahimik ka rin naman lagi.” Tumango siya. “I know. Kaya nga siguro napansin ko.” Nagkatinginan lang kami. Ilang segundo. Walang nagsalita. Pero parang sapat na ‘yun para maipasa ‘yung gustong sabihin na hindi masabi sa salita. “Anyway,” sabi niya habang inilalagay ang kamay sa bulsa. “Ingat ka.” Tumango ako. “Ikaw rin.” Tumalikod na siya. Wala siyang iniwang salita, pero parang may naiwan sa dibdib ko ‘yung bigat na hindi naman masakit, pero hindi rin gaanong gaan. ‘Yung pakiramdam na may taong tahimik na nakamasid, kahit hindi mo siya palaging nakikita. At sa gitna ng gulo ng mundo, minsan... ‘yung isang simpleng “okay ka lang?” mula sa tamang tao, sapat na para makahinga ka kahit sandali. Pagkatapos ng hallway encounter namin ni Ezekiel, diretso na ako sa next subject ko. Medyo malayo-layo pa ang room, kaya nagmadali akong maglakad. Ramdam kong may dala akong kung anong hindi ko maipaliwanag hindi mabigat, pero hindi rin magaan. Papasok na ako sa susunod na classroom nang mapaisip ako. Wala na siya. Hindi ko na siya makikita for the rest of the day. Isa lang kasi ang shared subject namin. Dahil irregular student si Ezekiel, hindi siya katulad naming mga naka-block section. Palipat-lipat siya ng oras at klase, at madalas, uma-attend lang sa mismong subject then aalis agad. Walang pakikihalubilo, walang tambay, walang kwento-kwento sa hallway. Kaya siguro ‘yung simpleng moment kanina… ramdam na ramdam ko. Kasi bihira. Pagpasok ko sa susunod na klase, tinabihan ako ni Rica. Nakatingin siya sa’kin na para bang may gusto siyang itanong pero nagpipigil. "Uy," sabi niya, kunwari casual. "Nagkausap kayo ni Ezekiel kanina no?" Napatingin ako sa kanya, kunot noo. "Ha? Hindi ah." Umiling siya, nakangiti. "Gano’n ba? Akala ko lang. Kasi nung lumabas kayo, parang sabay." Hindi na ako nagsalita. Tumingin na lang ako sa unahan at kunwaring nag-aayos ng gamit. Ayoko munang i-analyze. Ayoko munang bigyan ng meaning ‘yung mga bagay na baka naman wala lang talaga. Pero sa totoo lang… Bakit nga ba siya nagsalita? Bakit ako pa? At bakit… hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin ‘yung boses niya? Habang nagle-lecture si prof sa harap, sinusubukan kong makisabay. Nakabukas na ang notebook ko, may ilang scribbles sa gilid, pero halos wala akong naiintindihan sa tinuturo. Parang putol-putol ‘yung salita ng prof. O baka utak ko lang talaga ‘yung wala sa lugar. Pilit kong iniikot ‘yung ballpen sa mga daliri ko, pero ilang beses na rin itong nahuhulog sa sahig. Tawa nga nang tawa si Rica sa tabi ko. "Girl, nasa Earth ka pa ba?" bulong niya. Ngumiti lang ako, sabay iling. “Kulang lang sa tulog.” Ayoko namang sabihin sa kanya na isang simpleng tanong lang ni Ezekiel kanina ang dahilan ng pagkalito ko ngayon. Okay ka lang? apat na salita lang ‘yun pero hanggang ngayon, nakatambay pa rin sa isip ko. Nagpalinga-linga ako sa loob ng classroom. Lahat engaged, lahat tahimik. Ako lang ata ang hindi present. Pati oras, parang ang bagal gumalaw. Kinuha ko ang phone ko sa ilalim ng desk, pasimpleng nag-check ng notifications. Wala. Wala pa rin siyang message. I don’t even know kung bakit ako umaasa. Hindi naman kami close. Hindi rin naman kami madalas mag-usap. Pero nung tiningnan niya ako kanina, yung tingin na parang alam niya kung kailan ako hindi okay, parang may parte sa’kin na gustong marinig pa ulit ‘yung boses niya. Napabuntong-hininga ako. “Uy,” bulong ulit ni Rica. “Mamaya tuloy ba tayo sa library?” “Sige,” mahina kong sagot. “Kailangan ko rin ata ng konting tahimik.” “Sabay na tayo mamaya ha.” Tumango lang ako, pero ang totoo, kahit sa library mamaya, sigurado akong hindi pa rin tatahimik ‘yung isip ko. Kasi minsan, kahit isang beses mo lang siyang kausapin sa isang araw… parang kulang pa rin. “Grabe, ang lamig sa loob,” reklamo ni Rica habang pumapasok kami sa library. Nag-jacket pa siya kahit na tanghaling tapat. Ako? Wala akong pakialam sa aircon. Sa totoo lang, mas malamig pa rin ‘yung presensya ni Ezekiel kaysa dito. Umupo kami sa bandang likod. Hindi masyadong matao, kaya perfect na magbasa at magpahinga ang utak. Rica opened her laptop agad. Ako naman, kinuha ko lang ‘yung reviewer ko, pero hindi ko pa rin ito nabubuksan hanggang ngayon. Nakatitig lang ako sa mesa. “Uy,” tawag ni Rica, ‘di tumitingin, “Wala ka pa rin sa mood no?” Napangiti ako, mahina. “Ewan. Ang daming iniisip.” “Tungkol kay Ezekiel?” tanong niya agad, diretsahan. Napalingon ako sa kanya, bahagyang nagulat. “Ha? Anong..?” “Seilah, please. Obvious kaya. Kanina pa sa classroom hanggang ngayon. Tapos bigla ka na namang tahimik.” Hindi ako agad sumagot. Binuksan ko ang reviewer ko kahit wala akong balak basahin. “Hindi ko naman siya iniisip ng… ganun.” “Pero iniisip mo pa rin.” Hindi ko na siya sinagot. Minsan kasi, kahit hindi mo planong magkwento, may mga taong marunong bumasa kahit walang sinasabi. And Rica… she reads me too well. “Tingin ko bagay kayo, eh,” bulong pa niya, may halong kilig at biro. Napailing ako. “Rica, hindi ko nga alam kung kaibigan ba tingin niya sa’kin o classmate lang talaga.” “Eh ikaw? Ano ba tingin mo sa kanya?” Napatingin ako sa bintana ng library. Medyo mahangin sa labas. Gusto ko sanang sagutin ng diretso, pero ang totoo? Hindi ko rin alam. “Hindi ko rin alam,” mahina kong sabi. “Pero kapag andiyan siya… parang hindi ko alam kung saan ko ilalagay sarili ko.” Tahimik kami saglit. Hanggang sa tumunog ang phone ko. Messenger. Agad akong napatingin. May message. At doon ko siya nakita. Ezekiel Rivera 6:24 PM “Nasa school ka pa?” Parang napalakas ‘yung t***k ng puso ko. Parang biglang tumahimik ang paligid kahit andaming tao. Walang emoji. Walang punctuation. Pero bakit parang ang bigat ng dating? Nag-message siya. “Nasa school ka pa?” Walang emoji. Walang kahit anong palamuti. Pero ramdam na ramdam ko. Nagbakasakali ba siyang sagutin ko? O baka may kailangan lang talaga siya? Hinintay kong mawala ‘yung kaba sa dibdib ko bago ako nag-reply. Pero ilang segundo na ang lumipas, nakatitig pa rin ako sa message niya, parang tanga. Nararamdaman kong nakatingin na si Rica sa’kin. “Sino ‘yan?” tanong niya habang sinisilip ‘yung screen ko. Agad kong pinatay ‘yung display at tinakpan ng reviewer. “Wala. Schoolmate lang.” “Schoolmate o si Ezekiel?” panunukso niya. Napairap ako. “Wag kang maingay.” “Uy. Aba. Nag-chat si Mr. Mysterious?” Kumagat siya sa labi niya para hindi mapahiyaw. “Anong sabi?” “‘Nasa school ka pa?’” bulong ko, pilit na walang emotion sa tono ko. “Grabe! ‘Yon lang pero parang nanginginig ka na!” Tumawa siya nang mahina. “Sagot mo na!” Pinilit kong tumawa, pero ang totoo, kinakabahan ako. At hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang effect niya sa’kin. Tinipa ko ang reply ko, simple lang. Ayokong magpaka-obvious. “Oo, nasa library kami ni Rica. Ikaw?” In-edit ko pa nang ilang ulit bago ko na-finalize. Send. Agad ko ring pinatayan ng screen ang phone ko. Hindi ko alam kung gusto ko bang agad siyang mag-reply o sana huwag muna. Nagpatuloy si Rica sa pag-type sa laptop, pero sumulyap ulit sa’kin. “Pag yan, naging consistent pa, ikaw na talaga,” bulong niya. Pero hindi ako sumagot. Ayokong umasa. Kasi si Ezekiel… Hindi siya ‘yung tipo ng taong basta-basta nalalapit. Kaya kung lalapit man siya ngayon, baka may dahilan. At hindi ko sigurado kung dapat ba akong matuwa… o matakot. Tumunog ulit ang phone ko. Ezekiel Rivera 6:26 PM “Dadaan ako d’yan. Wait ka lang.” Napatingin ako agad kay Rica. Hindi na ako nakapagsalita. Pero kung makikita niya lang kung gaano kabilis tumibok ang puso ko ngayon… Alam niyang hindi lang ito basta schoolmate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD