Chapter Two “Partners”

3282 Words
Seilah’s POV Kinabukasan, maaga akong nagising kahit kulang sa tulog. Hindi ako sanay na makipag-chat ng mahaba. Pero kagabi… iba. Hindi ko na namalayang alas dose na pala. Ezekiel. May kung anong tahimik sa kanya na parang… nakakaintindi. Hindi siya pushy, hindi rin siya pa-deep. Pero may lalim siya na tahimik lang. Katulad ko. Habang nag-aayos ako ng gamit sa bag, napansin ko ang isang lumang picture na nakaipit sa notebook ko. Luma na ‘to. Yung ako, si Mama, at si Papa. Bata pa ako noon, nasa Baguio kami. Masaya pa kami. Biglang sumikip ang dibdib ko. Madalas ko nang iwasan ang kahit anong may kinalaman kay Papa. Pero sa tuwing bigla siyang sumisingit sa alaala ko, pakiramdam ko bumabalik lahat ‘yung takot, galit, at ‘yung tanong na bakit hindi ako sapat para piliin niya? "Anak, aalis ka na ba?" Si Mama, nakasilip sa pinto. Tumango ako, sabay tago sa larawan. “Oo Ma. May group work pa po kami mamaya.” “Mag-ingat ka, ha. Sabihan mo ako kung late ka uuwi.” “Okay po,” sagot ko habang pinipilit ayusin ang boses ko. --- Pagdating sa campus, nagkita kami ni Rica at umupo sa isang bench habang hinihintay ang prof. “Uy, napansin mo ‘yung new guy? Si Ezekiel?” tanong niya bigla habang ngumunguya ng fries. “Ang tahimik pero may dating, no?” Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. “Okay naman siya. Kausap ko siya kagabi. About sa project.” Napataas kilay niya. “Uy! Naka-chat mo? As in nagkausap kayo?” “Yeah. Konti lang naman,” sabay tingin ko sa phone. Konti lang ba talaga, Seilah? Biglang lumapit si Ezekiel. Tahimik pa rin, dala ang folder at laptop. “Hi. Pwede na natin simulan ‘yung draft. May free time ako after ng class natin,” sabi niya diretso sa akin. “Sure,” sagot ko. “Sa library tayo?” Tumango siya. Pero bago siya umalis, napansin kong parang may gusto pa siyang sabihin. “Seilah…” “Hmm?” “…salamat kagabi. Sa reply mo.” Napatingin ako sa kanya. “Bakit ka nagpapasalamat?” “Wala lang. Rare lang kasi ‘yung taong hindi agad umiwas kapag may lalim kang binanggit. Most people just want surface conversations.” Napangiti ako. ‘Yung tipong bigla na lang dumulas. Hindi ko alam kung anong meron kay Ezekiel, pero parang... safe. Hindi ko naaalala kung kailan huling may nakausap akong ganito. --- Sa library, habang nagta-type siya ng draft at ako naman ay nagsusulat ng outline sa notebook, pareho kaming tahimik. Pero hindi ‘yung nakakailang na tahimik. Yung komportableng katahimikan. Tumingin siya sa akin. “May gusto sana akong itanong, pero okay lang kung ayaw mong sagutin.” Napatingin ako. “Sige. Try mo.” “…What made you numb?” tanong niya. Hindi pilit. Hindi mabigat. Tanong lang, diretso. Pero ramdam ko ‘yung impact. Natigilan ako. Hinawakan ko ‘yung ballpen na parang bigla akong giniginaw. Saglit akong tumahimik. “…Yung tatay ko,” sagot ko. “He left us. Walang goodbye. Isang araw lang, wala na siya. Simula noon, tinuro ko sa sarili kong huwag na lang masaktan. Kasi walang kwenta ‘yung sakit kung hindi ka naman pipiliin pabalik.” Tahimik siya. Walang “aw,” walang “I’m sorry.” Wala ring mga linya gaya ng ibang tao. Pero ngumiti siya ng kaunti. “I get it,” sagot niya. “Daddy ko rin. Hindi man siya umalis physically, pero wala rin naman siya emotionally. Lasing, sigaw… lahat ng unpleasant traits of a father nasakanya. Dugtong pa niya. Bigla akong napalunok. Hindi ko in-expect ‘to. Hindi ko akalain… may ibang taong marunong ding makaramdam ng ganito. Sa moment na ‘yun, hindi kami nagsalita. Pero parang may naintindihan kami sa isa’t isa. At sa unang pagkakataon… hindi ko na naramdaman na mag-isa ako. Pagkatapos ng session namin sa library, mag-a-alas singko na ng hapon. “Uuwi ka na ba?” tanong niya habang binabalik ang laptop sa bag. “Oo, baka hinahanap na ako ni Mama. Ikaw?” sagot ko habang inaayos ang gamit ko. “Susunduin ako sana ng kuya ko... kaso nag-message siya, hindi raw makakarating. Emergency sa trabaho. Mukhang mag-commute na lang ako.” Tumango ako. “San ka ba banda?” tanong ko habang sabay kaming naglalakad palabas ng library. “Sa may Matina. Malayo-layo rin.” Nagulat ako. “Ha? Ang layo nun sa area ko. Sa Toril ako.” “Yeah. Pero sanay naman ako. Lahat ng malayo, kayang tiisin.” Tumahimik ako. Parang may double meaning na naman ‘yung sinabi niya. Lahat ng malayo... kayang tiisin? Literal ba ‘yon, o damdamin na naman? Pagdating namin sa gate ng school, biglang bumuhos ang ulan. Malakas. Yung tipong wala kang takas. “Wala ka bang payong?” tanong ko habang kapwa kami napahinto. Umiling siya, sabay tawa. “Wala. Di ko in-expect. Ikaw?” Napakamot ako. “Meron… pero maliit lang. Enough for one.” Tumingin siya sa akin. Yung tingin na hindi pilit, hindi demanding. Yung parang nagtatanong kung okay lang. At hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, pero inangat ko ‘yung payong. “Halika na. Baka abutin tayo ng gabi dito.” Naglakad kami nang magkadikit, pilit na nagkakasya sa maliit na payong. Minsan sumasayad ang braso niya sa braso ko. Hindi kami nag-uusap, pero hindi rin kami nagkakailangan. Tumigil kami sa waiting shed habang naghihintay ng jeep. Basang-basa na ‘yung laylayan ng uniporme ko, ganun din siya. Nagsimulang manginig ang balikat niya. “Basa ka na, oh,” sabi ko, sabay abot ng panyo ko. Tumingin siya sa akin, bahagyang nagulat. “Sa'yo ‘to. Baka kailanganin mo rin.” “Hindi ako madaling sipunin,” sabay pilit kong ngiti. Kinuha niya ang panyo. “Thanks.” Umupo siya saglit sa sementong upuan ng waiting shed, habang ako naman ay nakatayo pa rin. Tumingin siya sa langit. “Minsan no, ang ulan... parang siya pa ‘yung nakakaintindi sa’yo. Tahimik lang, pero sabay sa bigat na nararamdaman mo.” Napangiti ako. “Hindi mo sinasadyang i-attach ‘yung damdamin mo sa ulan, pero siya lang kasi ‘yung nandiyan tuwing gusto mong umiyak pero wala ka namang mailuhang luha.” Nagkatinginan kami. Parang parehong may gustong sabihin pero pinili na lang itago. Hindi kailangan ng maraming salita para maintindihan. At dun ko na-realize... nakakapanibago. Yung may isang taong hindi mo inasahang darating, pero parang siya pa ‘yung unti-unting bumubura sa lamat sa puso mo. Wala pa akong tiwala. Hindi pa ako handa. Pero siguro... okay lang magsimula sa ganito. Sa ulan. Sa katahimikan. Sa simpleng "nandito lang ako." Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa waiting shed. Baka trenta minutos? O baka mas matagal. Pero sa totoo lang, wala akong pakialam. Tahimik lang kami ni Ezekiel. Wala nang usap. Wala nang tanong. Pero sa pagitan naming dalawa, may kakaibang presensya. ‘Yung hindi nakakailang, hindi rin masyadong close. Sakto lang tama lang para sa isang taong sanay mag-isa. Bigla siyang nagsalita. “Wala kang tanong?” Napatingin ako sa kanya. “Anong tanong?” “Tungkol sa akin.” Ngumiti siya, bahagyang nahihiya. “Most people would ask stuff. Like kung taga-saan ako, kung bakit ako nag-transfer, or bakit ang tahimik ko.” Umiling ako. “Hindi ako most people.” Nagkatinginan kami. May kilig sa dibdib ko pero agad ko ring tinabunan. Hindi pwedeng mahulog. Hindi ako pwede sa ganyan. Pero hindi ko rin napigilan ang tanong na lumabas sa bibig ko: “Bakit nga ba? Bakit ka nag-transfer?” Hindi siya agad sumagot. Parang iniisip pa niya kung dapat ba niyang sabihin. Hanggang sa nagsalita siya, mahina lang. “Something happened sa dati kong school. Some stuff I… I couldn’t stay around anymore.” Tahimik. “Tulad mo, may mga bagay din akong hindi pa kayang ikuwento. Pero hindi ibig sabihin nun, wala akong naramdaman.” Napabuntong-hininga ako. “Hindi mo kailangan ikuwento kung hindi ka pa ready. Hindi kita pipilitin.” Tumango siya. “Thanks, Seilah.” Pagkarinig ko ng pangalan ko mula sa kanya, ewan. Parang ang bigat sa dibdib ko biglang gumaan. No one says my name like that lately. Madalas: “Uy,” “Miss,” “Ikaw,” or “Excuse me.” Pero Seilah? Sa simpleng pagbanggit niya, parang ako ulit ako. Dumating ang jeep. Pareho kaming basang-basa, pero sumakay pa rin. ““Pwede kitang ihatid,” alok niya, “kung okay lang sayo.” Napatingin ako sa kanya. Gusto ko sanang pumayag. Pero may kung anong pumigil sa akin hindi dahil ayoko... kundi dahil hindi ko alam kung kaya ko. “Salamat, Ezekiel. Pero uuwi na rin ako mag-isa,” sabi ko, pilit ang ngiti. “Okay lang ako.” Tumango siya, walang pilit sa mata niya. “Sige. Chat mo na lang ako pag nakauwi ka, ha?” “Oo, promise,” sagot ko. Bumaba ako ng jeep at nagsimulang maglakad pauwi. Malamig pa rin ang hangin, at kahit huminto na ang ulan, may basang pakiramdam pa rin sa paligid. Ramdam ko ring nakatingin pa siya habang papalayo ako. At habang nilalapag ko ang bag sa loob ng bahay, hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti nang bahagya. Hindi ko alam kung bakit ko tinanggihan... pero alam kong ayokong bitawan ‘yung feeling na may taong naghintay sa reply ko. Katatapos ko pa lang magbihis at nakahiga na ako sa kama nang biglang tumunog ang phone ko. 📲 Incoming Video Call: Rica Villanueva Napapikit ako sandali. Hindi ba puwedeng bukas na lang? Pero ayoko rin siyang ma-offend. Kaya pinindot ko ang green button at sinagot ang tawag. “Sei!!” sigaw niya agad, may halong kilig sa boses. Naka-headband siya at may face mask na kulay pink. “Aminin mo naaa!” Napakunot noo ako. “Ha? Anong inaaminin?” “Si Ezekiel! Ikaw at siya! Kayo ba? May something na ba? Bakit kayo raw umalis na sabay? Hala girl, spill!” Napahiga ako ulit, hawak ang phone sa ibabaw ng mukha ko. “Wala, Rica. Groupmate ko lang siya. Nagsabay lang talaga kami kasi umulan, tapos nagkataon na sabay kaming sumakay ng jeep.” “Pero bakit parang… ang iba ng aura mo ngayon?” Kumislot ang kilay niya. “Wait lang... ngumiti ka, diba? Ngumiti ka!” Napailing ako. “Grabe ka. Hindi lahat ng ngiti may ibig sabihin. Minsan... normal lang, Rica.” Tumahimik siya saglit, sabay ngumuso. “Sei, kilala kita. Hindi ka madaling ngumiti, lalo na kung lalaki ang kasama. Si Ezekiel, tahimik din ‘yun pero may dating. Tapos kayo pa ang pinartner ni prof. Alam mo ba ‘yung iba nating kaklase may bet na ‘magkakatuluyan kayo’? Seryoso!” “Hay naku. Tumigil ka nga,” natatawa kong sagot, pero sa loob-loob ko, kinabahan ako. Magkakatuluyan? Kami ni Ezekiel? Parang ang bigat pakinggan. Parang hindi ko kayang isipin… pero bakit may parte sa’kin na hindi nagalit sa ideya? “Ewan ko sayo,” dagdag ni Rica, sabay hawi sa bangs niya. “Pero kung ako sayo, pag may dumating na perfect guy wag mong palagpasin. Bihira ‘yan.” Hindi na ako sumagot. Tumingin lang ako sa kisame habang naririnig ko pa rin ‘yung boses ni Rica sa background. Hindi ko kayang sabihin lahat ng iniisip ko. Kasi kahit ako, hindi ko pa rin maintindihan ang nararamdaman ko. Pero isa lang ang sigurado ko ngayon... Sa dami ng tahimik na gabi, ngayon lang ako natatakot sa sarili kong katahimikan. Pagkatapos ng tawag namin ni Rica, tahimik ulit ang kwarto ko. Patay na ang ilaw, maliit na desk lamp na lang ang bukas. Naka-kumot na ako, pero gising pa rin ang utak ko. Sobrang kulit ni Rica. Pero hindi ko siya masisisi. Kahit ako, naguguluhan na rin sa sarili ko. Ang bilis. Ang gulo. Parang may mali. Pero... bakit parang may tama rin? Biglang nag-vibrate ang phone ko. Messenger notification. Ezekiel Rivera sent you a message. 11:42 PM. Nagdalawang-isip akong buksan agad. Pero... syempre binuksan ko rin. Ezekiel: > Hey. Gising ka pa? Sorry kung late na. Di lang ako makatulog. Naalala ko ‘yung usapan natin kanina sa shed. Huminga ako nang malalim. Hindi lang ako ang hindi makatulog pala. Seilah: > Yeah, gising pa. Ako rin eh. Di rin agad makatulog. Bumilis ang t***k ng puso ko habang hinihintay ko ‘yung susunod niyang message. Ezekiel: > Alam mo, minsan may mga tao kang kakilala lang pero parang... matagal mo na siyang alam. Gets mo ba ‘yun? Hindi ko usually sinasabi ‘to, pero salamat sa mga sinabi mo kanina. Hindi ko na matandaan ‘yung huling beses na may nakausap ako nang ganon. Napangiti ako kahit madilim. May something sa mga sinabi niya na… hindi ko kayang balewalain. Seilah: > Actually, gets ko ‘yan. Weird nga, no? Parang ang bilis ng connection pero hindi siya nakaka-ilang. Ikaw din, salamat. Kasi usually... pag may tanong na malalim, umaatras ako. Pero sa’yo, parang okay lang sumagot. Ilang segundo. Walang reply. Akala ko baka nakaidlip na siya. Pero nag-typing siya ulit. Ezekiel: > Gusto ko lang sabihin... kung okay lang sayo, sana kahit matapos na ‘yung project natin, kausapin pa rin kita minsan. Kasi... you make things feel a little less heavy. Napalunok ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Pero isa lang ang nasabi ko: Seilah: > Okay lang. :) Minsan, hindi kailangan ng maraming salita. Kahit simpleng "okay lang." Kasi sa puso kong sanay sa katahimikan, ‘yung simpleng presence niya... sapat na muna. At sa gabing ‘yon, sa wakas… nakatulog akong may ngiti. Tinitigan ko ang huling message ni Ezekiel. > "Kasi... you make things feel a little less heavy." Napahawak ako sa screen. Hindi ko alam kung anong meron sa mga simpleng salitang ‘yun, pero parang may kung anong pader sa loob ko ang unti-unting nagkakabitak. Hindi ko na siya nireplyan agad. Gusto ko munang namnamin ‘yung moment. Bihira ‘to. Bihirang makaramdam ng ganitong... gaan. Nag-type siya ulit. Ezekiel: > Ikaw, Sei... kailan mo huling naramdaman na okay ka? Okay? Napahigpit ang hawak ko sa phone. Gusto kong sumagot. Gusto kong sabihin na hindi ko na maalala. Na baka matagal na akong hindi “okay,” pero sanay na lang akong ngumiti para walang magtanong. Pero bago pa ako makareply... Mama: “Seilah! Anak, hindi ka pa ba kakain? Kanina pa malamig ‘yung ulam dito!” Nagulat ako. Mabilis kong binaba ang phone at tumayo mula sa kama. “Sige lang, Ma! Bababa na ako!” sigaw ko pabalik, sabay bitaw ng isang mahinang buntong-hininga. Hindi pa pala ako kumakain... Binuksan ko ulit ang phone at nag-chat kay Ezekiel bago ako bumaba. Seilah: > Wait lang, tatawagin na ako ni Mama. Di pa pala ako kumakain, haha. Chat kita ulit mamaya, ha? Ezekiel: > Hala, sige. Kumain ka muna. Wag mo na ko i-prioritize. I’ll still be here. Enjoy mo ‘yung ulam ni Tita. 👀 Napangiti ako. ‘Yung ngiti na hindi ko pinilit. ‘Yung totoo. Bumaba ako ng hagdan, at sa bawat hakbang... hindi ko alam kung anong mas nakakabusog ‘yung pagkain sa mesa, o ‘yung pakiramdam na unti-unti, may taong pinipiling manatili. Pagbaba ko, nandun si Mama sa kusina, nakaupo sa harap ng mesa habang binabalutan ng plastik ‘yung natirang ulam. “Kanina pa ‘to, anak. Akala ko tulog ka na,” sabi niya habang inaabot sa akin ang pinggan. Umupo ako sa harap niya at nagsimulang kumain. Ginataang monggo at pritong tilapia. Paborito ko ‘to noon… noon pa. “Sorry, Ma. Nakalimutan ko talaga. Nagkachat lang kami ng groupmate ko sa project,” sabi ko, sabay tingin sa pagkain. Hindi siya sumagot agad. Tumango lang siya, tahimik na pinagmamasdan ako. “Kamusta ka na sa school?” tanong niya, banayad ang tono. “Di ka masyado nagkukuwento nitong mga nakaraang araw.” Ngumiti ako ng pilit. “Okay lang naman, Ma. Normal lang. Projects, deadlines... pagod lang siguro.” “Pagod lang ba?” Tiningnan niya ako nang diretso. “Alam kong may dinadala ka, anak. Hindi mo kailangang sabihin kung ayaw mo pa. Pero sana kahit papaano, huwag mong sarilihin lahat.” Napayuko ako. Hindi ko alam kung paano siya titingnan. Sa simpleng tanong niya, parang gusto ko na lang umiyak. Pero wala. Wala namang luha. As usual. “Hindi ko naman sinasadyang hindi magkuwento, Ma,” bulong ko. “Minsan kasi, hindi ko rin alam kung anong ikukuwento. Parang… normal lang naman ang lahat pero sa loob, parang hindi.” Hindi siya agad nagsalita. Pero naramdaman kong nilagay niya ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko. “Alam mo, kahit anong ‘normal’ sa labas, alam ng nanay kung kailan hindi ‘yan totoo.” Pinigilan kong mapaluha. Hindi dahil ayokong makita niya akong mahina kundi dahil takot ako na baka pag nagsimulang bumukas ang damdamin ko, hindi ko na ito mapigil. “Kaya mo ‘yan, anak,” bulong niya. “Pero hindi mo kailangang kayanin mag-isa.” Napatango lang ako, sabay nguya ng kanin kahit hindi ko na ramdam ‘yung gutom. At habang nandoon kami sa maliit naming mesa, sa ilalim ng mahinang ilaw ng kusina… Napaisip ako. Kung ganito pala ang pakiramdam ng may taong nagmamalasakit sa bahay man o sa chat bakit parang natututo na akong muling magtiwala? Hindi ko alam kung dahil sa pagkain, sa words ni Mama, o sa message ni Ezekiel kagabi... pero pag-gising ko kinabukasan, parang mas magaan ang pakiramdam ko. Hindi sobrang saya. Hindi rin masyadong okay. Pero… enough para bumangon agad. Enough para hindi ko i-hit ang snooze button sa alarm ko. Habang inaayos ko ang bed, napatingin ako sa phone ko. 7:08 AM. May notification. 📲 Messenger: Ezekiel Rivera > Good morning, Sei. Hope you slept well. Pahinga muna utak mo today kahit kaunti. Di naman kailangan laging okay — pero proud ako sayo kahit di mo pansin. Napahinto ako sa pag-aayos ng kumot. Proud siya? Sa’kin? Hindi ko alam kung anong nangyari kay Ezekiel sa past life niya at ganito siyang magsalita. Pero ang totoo... ramdam ko. Hindi siya ‘yung tipong naghahanap ng sagot. Isa siya sa kakaunti na... nakikinig lang. Umupo ako sa gilid ng kama at nag-reply. Seilah: > Good morning. Thank you. Ang aga mo naman magpaka-soft boy. 😅 Pero... salamat. Nabasa ko ‘yan ng paulit-ulit. Hindi ko rin alam kung bakit. Ilang minuto pa lang, nag-typing na siya. Ezekiel: > Kasi baka kailangan mo marinig. Kahit isang beses lang sa isang araw... na may naniniwala pa sayo kahit di mo sabihin ang buong kwento mo. Hindi ko na napigilan. Napangiti ako, ‘yung tipong may halong kirot sa dibdib. Kasi ang totoo... matagal ko nang hindi naririnig ‘yan. Lalo na sa panahon na ni hindi ko rin alam kung naniniwala pa ba ako sa sarili ko. Seilah: > Alam mo, Ezekiel... hindi ako sanay sa mga ganyang salita. Pero salamat. Hindi mo alam kung gaano kalaking bagay ‘yan ngayon. Ezekiel: > Basta nandito lang ako. Kahit ‘di mo ako pansinin minsan. Kahit pa project lang ang dahilan ng umpisa natin ayoko nang matapos sa deadline lang. Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung kinikilig ako o natatakot. Pero isa lang ang alam ko... May isang taong dumarating nang dahan-dahan sa buhay ko. Hindi pasabog, hindi pilit, hindi madali. Pero marahan. Tama lang. At sa dami ng lamat na hindi ko pa kayang ayusin, baka sapat na muna ‘yung alam kong hindi ako nag-iisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD