Sebastian POV. Habang papalapit nang papalapit ang oras ng proposal... Mas lalo naman akong kinakabahan. At ang mas nakakainis... Kanina pa ako hindi tinatantanan ng buong tropa. Nakapalibot silang lahat sa akin habang inaayos ng hotel staff ang private venue. May nag-aayos ng ilaw. May naglalatag ng mga bulaklak. May nagse-set up ng violin quartet. Samantalang ang tropa ko... Walang ibang ginagawa kundi ang asarin ako. "Pre..." natatawang sabi ni Isaac. "Bakit ka magpo-propose?" Napakunot-noo ako. "Bakit? Bawal ba?" Napahalakhak silang lahat. Sumingit naman si Luther. "Hindi naman sa bawal." "Pero..." Hindi niya naituloy dahil nagtawanan na naman sila. "Ano?" tanong ko. "Tanga ka lang?" Napailing ako. "Bakit naman?" Dumukwang si Luther at tinapik ang balikat ko. "Pi

