Alexandrea POV. Napahinto ako sa paghakbang nang makapasok kami sa loob ng isang malaking pintuan. Sa isang iglap... Biglang nagdilim ang buong paligid. Parang may humigpit na kamay sa dibdib ko. Nanigas ako sa kinatatayuan. Kasabay ng pagbalik ng isang alaalang pilit ko nang kinakalimutan. Ang gabing na-trap kami ni Sebastian sa loob ng elevator. Ang nakakabinging katahimikan. Ang pakiramdam na anumang oras ay maaari kaming mamatay. At ang mga armadong lalaking naghihintay lamang na mapatay kami. Unti-unting nanginig ang buo kong katawan. Hindi ko namalayang napapikit na pala ako. Napaatras ako nang ilang hakbang, pilit na humihinga nang malalim habang sinusubukang pakalmahin ang sarili. Ngunit lalo lamang bumibilis ang t***k ng puso ko. Hanggang sa bigla kong naramdaman an

