Sebastian POV. Matapos ang proposal ko… naging isang malaking selebrasyon ang buong gabi. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong binati ng buong tropa. May mga yakapan, asaran. At syempre, hindi mawawala ang walang katapusang kantiyawan. "Sa wakas!" sigaw ni Isaac habang nakataas ang hawak na baso. "Engaged na rin ang pinaka-supladong miyembro ng tropa!" Nagtawanan silang lahat. "Akala ko habang-buhay ka nang bodyguard lang!" dagdag pa ni Luther. "Bodyguard pa rin naman," sagot ko. "May upgrade lang." Mas lalo silang nagtawanan. Hindi lang pala kami ang naroon. Sinadya rin nilang papuntahin ang kani-kanilang mga asawa kasama ang mga anak. May mga batang nagtatakbuhan. May mga babaeng nagkukuwentuhan. Habang kaming mga lalaki ay walang tigil sa pagbibiruan. Hindi ko namalayan

