Sebastian POV. Matapos kaming kumain, napansin kong parang hindi mapalagay si Alexandrea. Kanina pa siya panay ang tingin sa oras. Paminsan-minsan ay napapatingin din siya sa cellphone niya, pagkatapos ay muling ibinabalik ang tingin sa akin. Parang may gusto siyang gawin ngunit pilit niyang pinipigilan ang sarili niyang magsalita. Napangiti ako. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Wala akong sinabi. Sa halip ay marahan ko siyang niyakap. Nararamdaman ko agad ang pagrelaks ng katawan niya nang mapunta siya sa aking mga bisig. "Anong iniisip mo?" mahina kong tanong habang hinahaplos ang likod niya. Bahagya siyang napatingala sa akin. Ngumiti siya. Pagkatapos ay mas hinigpitan pa ang yakap niya. "Naiinip na ako." Napakunot ang noo ko. "Naiinip?" Tumango siya. "Gusto ko nang umal

