Sebastian POV. Mahigpit kong niyakap si Alexandrea. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan habang umiiyak sa aking dibdib. Wala akong maisip na tamang salita upang pagaanin ang sakit na nararamdaman niya. Dahil alam kong tama siya. Hindi niya ginusto ang mundong ito na puno ng sikreto. Lalong hindi ang organisasyon o mga p*****n. Ang tanging pangarap niya... Magkaroon ng anak na maituturing niyang tahanan. At iyon ay ang pinapangarap niya. Gusto niya ang isang buhay na malayo sa kaguluhan. Ngunit ngayon... Parang unti-unting gumuho ang lahat ng pinangarap niya. "Alex..." Mahina kong tawag. Bahagya siyang napatingala sa akin. Namumula ang kanyang mga mata. "Pangako." Hinawakan ko ang kanyang mukha. "Kapag natapos ang lahat ng ito, ibibigay ko sa iyo ang buhay na gust

