Alexandrea POV. "Seb..." Mahigpit kong hinawakan ang braso niya. Ngunit hindi siya kumikilos. Nakatitig lamang siya sa maliit na kahong nakapatong sa hood ng sasakyan. Parang may multong nakapatong sa ibabaw ng sasakyan sa pagkatulala niya. At ngayon ko lang nakita si Sebastian na ganoon. Hindi takot sa laban at kamatayan. Kaya bakit siya nagkakaganito? "Sebastian." Mas mariin kong tawag. Doon lang siya bahagyang napakurap. At agad niya akong inilagay sa likuran niya. "Stay behind me." Mahina ngunit matigas ang boses niya. "Seb…" "Alex." Napahinto ako pero alam kong wala itong kinalaman sa pagiging overprotective niya. May mali talaga mabagal siyang humakbang palapit sa kahon. Kasabay nito ay mabilis niyang kinuha ang baril na nakatago sa kanyang likuran. Nanlaki ang mga mata

