Sebastian POV. Hindi ako agad nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa babaeng nasa harapan namin. Akala ko noon... kasama siya sa mga namatay. Ako mismo ang tumulong sa retrieval operation. At ang nakakita sa mga bangkay. Pero ngayon... Nakatayo siya sa harapan ko. Bagama't halatang pinahirapan, buhay pa rin siya. "...Claire." malakas kong tawag. Bahagya siyang ngumiti. Ngunit bakas ang sakit sa kanyang mukha. "Aning gusto mong sabihin, Sebastian." Napahigpit ang kamao ko. “Paano ka nabuhay?." "Hindi talaga nila ako pinatay, mas gusto nilang mabuhay ako." "Bakit?" "Dahil kailangan nila ng isang saksi." Nanlamig ang buong katawan ko. Nakita kong napatingin sa akin sina Isaac at Luther. Pareho nilang alam ang ibig sabihin noon. May mga katotohanang hindi pa namin nalalaman. Lumapi

