Alexandrea POV. Hindi ko gustong umalis. Kung ako lang ang masusunod... Mananatili na lang ako sa tabi ni Sebastian. Sa bahay nila. Sa winery. Sa simpleng buhay na unti-unti pa lamang naming binubuo. Ngunit alam kong hindi puwedeng pairalin ang gusto ko. Hindi sa sitwasyong ito. Hindi habang may mga taong walang tigil na naghahanap sa akin. Hindi habang may mga organisasyong handang pumatay para lamang makuha ako. Kaya kahit mabigat ang loob ko... Tinanggap ko ang plano ni Sebastian. Dahil alam kong hindi niya iyon ginawa para ilayo ako sa kanya. Kundi para ilayo ako sa panganib. Tahimik akong nakaupo sa loob ng sasakyan habang pinagmamasdan ko siya. Abala siyang nakikipag-usap kina Isaac at Luther. Minsan ay may inilalatag silang mapa. Minsan nama'y tumitingin sa tablet. Ma

