Alexandrea POV.
Ilang minuto na kaming nasa bahay nila nang mapansin yata ni Seb na hindi ako komportable, lalo pa’t panay ang tanong sa akin ng kanyang mama.
Nang makita niyang nakatingin ako ay bigla siyang humakbang papalapit sa akin.
Tinitigan niya ako nang ilang segundo bago bumaling sa kanyang ina.
“Ms. De Marcus, doon ka na sa kusina, at mas mabuti ihanda ang dinner natin. “Wag si Lady Boss ang kinukulit mo at naiilang siya.”
“Bakit ayaw mo yata akong ipakausap sa kanya?”
“Wala ka naman ibang sasabihin kundi gumawa ng intrega.” saka hinila ang ina at iginiya sa pintuan.
Napangiti ako, ang layo ng sitwasyon namin si Seb, ang aking mama ay masyadong istrikto. Hindi ko nga magawang biruin pero si Seb nakakatuwa sila parang magkapatid lang.
Nang wala na ang mama ni Seb umupo siya sa tabi ko.
“Pasensya ka na kay Mama, maraming tanong, ganoon siya kapag may babaeng nakikita na kasama ko. Iniisip agad na karelasyon ko.” paliwanag ni Seb.
“Ayos lang, wala kang dapat na alalahanin, nakakatuwa nga kayong dalawa eh. Samantalang kami ni Mama, naku, kukurutin ako non kapag biniro ko siya.”
“Sigruro dahil masyado pang bata si Mama ng ipinanganak niya ako.”
“Siguro nga iyon ang malaking pagkakaiba natin.”
“May Lady Boss, halika at ihahatid kita sa magiging kwarto mo.”
“Salanat, Seb.” sabi ko bago tumayo at sumama sa kanya.
Isang pinto ang binuksan niya at naamoy ko agad ang pabango niya. Ibig sabihin kwarto niya ito?”
“Dito ka muna, at doon na lang ako sa sofa, kagaya ng sabi ko sayo kanina maliit lang ang espasyo dito kaya pagtiisan mo na lang.” nahihiyang pahayag ni Seb, “ang pinto naman na ‘yon ang banyo. Mamaya ihahatid ko dito ang mga toiletries na gagamitin mo, panlalaki kasi ang lahat ng nasa loob ng banyo.”
“”Wag ka ng masyadong namumroblema sa akin, ayos lang ako Seb, hindi naman ako maarte sa mga ginagamit paliligo.”
“Kahit na, syempre dapat bago lahat at walang ibang nakakagamit. Alam ko marami si Mama sa loob ng banyo niya. Iyon ang isa niyang hilig mangulikta.
“Sige, ikaw ang bahala, samalat Seb.”
“You’re welcome, My Lady Boss, sige maiwan muna kita, babalik agad ako.”
“Okay.”
Nang makaalis si Seb, naglakad ako patungo sa gilid ng bintana, sumilip doon, malakas pa rin ang ulan.
Sumandal muna ako bago nag dial sa cellphone ko. Ayaw kong mag-alala si Mama, kaya tinawagan ko. At hindi pa ako nakakapagsalita agad na siyang rumatrat.
“Gabing gabi na nasaan ka ba at hindi pa nakakauwi ng mansion, sino ang kasama mo at ano ang ginagawa mo sa ganitong oras?”
“Mama, huminahon ka po, nasa safe na lugar ako, hindi ka ba nanood ng balita at hindi mo alam na sarado ang mga daan dahil sa lalim ng tubig?”
“Oh, sandali bubuksan ko ang tv, ‘wag mong ibaba ito kakausapin pa kita.”
“Opo, narito lang ako, sige na po buksan mo ang tv.”
Hindi na siya sumagot, at pansamantalang nawala sa linya. Maya maya narinig ko ang malakas na volume ng tv. Ang sitwasyon sa buong kamaynilaan ang laman ng mga bakita.
“Alex, nasaan ka ba ngayon anak?”
“Nasa ligtas po akong lugar, kaya wala kang dapat alalahanin. Bukas pag bumaba na ang tubig diretso na ako sa opsina.”
“Sige, anak, lagi kang mag-ingat dyan, tawagan mo ako bukas ng umaga bago ka pumasok sa opisina.”
“Opo, Mama.”
“Okay, bye.”
Nang mawala sa linya ang ina ay sinara ko ang aking cellphone. Inikot ko ang aking mga mata sa paligid. Nakita ko ang idang frame sa gilid, lumapit ako doon at dinampot iyon, Si Seb at ang mama niya.
“My Lady Boss, heto ang mga damit na pwede mong gamitin, pati na ang mga toiletries. Maligo ka na at maya maya ay kakain na tayo.”
“Seb, hindi mo naman kailangan gawin ito.”
“Ano ka ka, kagaya ng sabi ko, Boss kita at gusto ko maging komportable ka.”
Hindi na lang ako tumutol, minasdan ko na lang siya habang pinapalitan ng cover ang kama. Nakatalikod siya sa akin, kaya malaya ko siyang pinagmamasdan. Nakasuot lang siya ng sando at jogging pants.
Napakunot noo ako ng may nakita akong pilat sa gtagiliran niya. Maliban doon wala ng bakas ng kahit anong dumi ang katawan niya maliban sa napakaganda niyang mga tattoo.
“Saan mo pinatattoo ang mga ‘yan, ganda bagay sayo.”
“Noong nasa Moroco ako, doon kami nagpalagay ng mga tattoo ng buong tropa.
“I see,” napaisip ako, kasi napansin ko parang pareho sila ng tattoo ng pinsan kong si Isaac.
“My Lady Boss, ano ang iniisip mo?”
Napasinghap ako ng madama siya sa gilid ko. Langhap ko ang amoy shampo niyang buhok at shaver cream na ginamit.
“Umm…”
Anong iniisip mo at hindi mo ako sinasagot sa tinatanong ko?”
“A-Ano ba ang tanong mo?” nahihiya talaga ako. Hindi ko man lang namalayan tapos na siya sa ginagawa.
Ngunit hindi siya sumagot, at nadama ko na lang ang kamay niya sa braso ko.
“Maligo ka na, hihintayin ka namin ni Mama sa dining table.”
“S-Sige, Seb, salamat.” nauutal kong sagot.
Mabuti at binitawan na niya ako kundi baka mahalata niya na kinakabahan ako dahil sa sobrang lapit niya.
Sobrang bilis nang t***k ng puso ko.
-
Matapos makapaligo lumabas ako ng banyo at nakita ko ang mga damit sa ibabaw ng kama.
-
Isang oras ang nakalipas, nakatayo ako upang magpababa ng kinain. Masarap magluto ang mama ni Seb, sa katunayan naparami ang nakain ko kaya heto kailangan kong tumayo ng matagal.
Nakita kong naglalakad si Seb, palapit sa akin.
Huminto siya sa harapan ko at saka marahang sumandal sa mesa.
“Alam mo ba sa tuwing iiwan kita… pakiramdam ko may mangyayaring masama.”
Hindi ko alam kung bakit, pero sobrang gaan ng boses niya ngayon. Malayo sa malamig at seryosong Sebastian na una kong nakilala.
Napakurap ako nagbaling ng mukha sa labas… patuloy lang ang ulan.
Iniisip ko.
Kapag laging ganito si Seb… mas madali akong mahuhulog sa kanya.
“Sebastian…”
“Kanina…” putol niya sa sasabihin ko. “Noong akala kong masasaktan ka…”
Pinutol niya ang ibang sasabihin at bigla siyang natahimik.
Napansin ko rin napakuyom ang kamao niya bago siya mapabuntong-hininga.
“Hindi ko nagustuhan ang naramdaman ko.”
“Anong ibig mong sabihin?” mahina kong tanong.
Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko.
Hindi ko matagalan ang mga titig niya.
“Hindi ako sanay matakot para sa ibang tao, Alexandrea.”
Parang may kung anong kumurot sa puso ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
Napakalalim.
Napaka-intense.
Parang ako lang ang nakikita niya.
“Bakit…” bahagya akong napalunok. “Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito para sa akin?”
Sandali siyang na tahimik.
Pagkatapos ay ngumiti siya nang bahagya… iyong ngiting puno ng kislap.
“Hindi mo pa rin ba naiintindihan?”
Tuluyan akong natahimik.
Unti-unti siyang yumuko hanggang halos magkalapit na naman ang mga mukha namin.
At agad na naman akong kinabahan.
“Seb…”