CH- 9

1111 Words
Alexandrea POV. Uminit ang aking pakiramdam dahil sa ginagawa ni Seb. “Relax,” mahina niyang bulong. “Hindi kita hahalikan.” Ngunit parang nadismaya ako sa sinabi niya. At mukhang napansin niya iyon dahil bahagya siyang napangiti. “Dangerous ka pala kapag tahimik.” “A-Ano?” “Halatang disappointed ka.” Agad uminit ang mukha ko, “h-hindi ah!” mabilis kong tanggi. Tumawa si Seb ng malakas. Diyos ko… ngayon ko lang siya narinig tumawa nang ganito. At nakakahawa pala, pati ako ay natawa na rin. Ngunit maya-maya ay muli ring naging seryoso ang ekspresyon niya. “Alex…” “Yes, Seb?” “Nabanggit mo noon…” dahan-dahan niyang saad. “Iyong tungkol sa sperm donor.” Agad akong natigilan. Hindi ko inaasahang mabubuksan niya ang usaping iyon ngayon. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya habang siya naman ay tila pinag-iisipan mabuti ang bawat salitang lalabas sa bibig niya. “Ang lalaking pinili ng mama mo…” bahagyang tumigas ang panga niya. “Payag ka ba talaga na siya ang maging ama ng anak mo?” Bahagya akong natigilan, ayaw kong sumagot na hindi pinag-iisipan. May napapansin ako, parang may kakaibang emosyon sa paraan ng pagtatanong niya. Parang may halong selos, galit at parang… tutol siya. “Ano bang klaseng tanong ’yan?” pilit kong pagpapakalma sa sarili. “Simple lang naman.” Tumitig siya nang diretso sa akin. “Payag ka bang ibang lalaki ang magbibigay sa’yo ng anak?” Napakagat ako sa labi bago sumagot, “hindi naman kasi ganun kadali ang sitwasyon ko.” “I know.” “Hanggang maari ayaw kong suwayin ang gusto ni Mama.” “so, gusto mo siya?” Sa halit na sagutin humakbang ako patungo sa painting na nakasabit sa wall. Abstract iyon, at hindi ko mabigyan ng tamang pangalan kung ano ang kahulugan ng painting na ‘yon. “Ako ang gumawa niya.” sabi ni Seb. Hindi ako sumagot, humarap ako sa kanya… “Seb, tungkol sa tanong mo… ang totoo hindi ko rin alam. Hindi ko pa nga nakikita ang lalaking pinili ng mama ko. Hindi ko alam kung anong klaseng tao siya. At lalong hindi ko alam kung handa ba talaga akong magkaroon ng anak mula sa isang estranghero. Napabuntong-hininga ako. “Wala akong choice.” Ngunit tila hindi nagustuhan ni Sebastian ang sagot ko. Bigla siyang tumayo nang tuwid at umiwas ng tingin. “f**k!” mahina niyang pagmumura. Nagulat ako at kinabahan. “Sebastian… ” “You always have a choice, Ms. Alexandrea” malamig niyang putol. At doon ko tuluyang napansin ang matinding tensyon sa katawan niya. Parang may matagal na siyang pinipigilan. Dahan-dahan siyang lumapit muli hanggang halos isang hakbang na lang ang pagitan namin. “Sabihin mo sa akin, Alexandrea…” paos niyang saad. “Kung may ibang paraan…” Unti-unti niyang iniangat ang kamay at marahang hinaplos ang pisngi ko. “Pipiliin mo pa rin ba ang lalaking iyon?” Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. At sa paraan ng pagtitig niya sa akin ngayon… parang unti-unti ko nang naiintindihan kung ano talaga ang gusto niyang sabihin. At mas nakakatakot doon… It’s like I want to hear it directly from him. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko kay Sebastian. Masyado siyang malapit. Masyadong mainit ang palad niyang nakahawak sa pisngi ko. At mas lalo pang nakakakaba ang paraan ng pagtitig niya sa akin ngayon. Parang unti-unti niya akong hinihila papunta sa mundo niya… at wala akong lakas para umiwas. “Sebastian…” mahina kong tawag. Ngunit hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. “Hindi ko gusto ang ideyang may ibang lalaki na magiging ama ng anak mo.” Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko. “S-Seb…” “I know wala akong karapatang makialam,” paos niyang putol. “Pero hindi ko na kayang manahimik.” Napakapit ako sa gilid… sa wall. Dahan-dahan siyang yumuko hanggang halos magdikit na naman ang mga noo namin. “At first… pera lang talaga ang habol ko.” mapait siyang napangiti. “Akala ko simpleng trabaho lang ito.” Napalunok ako. “Pero habang tumatagal…” Sandali siyang tumigil na tila hirap sabihin ang susunod niyang mga salita. “At habang mas nakikilala kita…” Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya. “Biglang ayoko nang may ibang lalaking lalapit sa’yo.” Parang may sumabog sa loob ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit pero halos hindi ako makahinga sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. “Sebastian…” “Maaari ba na ako na lang?” Tuluyan akong nanigas sa pagkakatayo habang nakatingin sa kanya. “A-Ano?” “Ako na lang ang piliin mo.” Diretso niya iyong sinabi. Walang pag-aalinlangan. Walang biro. At lalong walang bahid ng laro. “Ako na lang ang maging sperm donor mo… hindi ko sinasabi ito dahil sa pera,” dagdag niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. “Matagal nang hindi tungkol sa pera ito.” “Kung gano’n… bakit?” halos pabulong kong tanong. Sandali siyang natahimik… nakita kong tila naging vulnerable si Sebastian. “I don’t know when it started,” mahina niyang saad. “Pero habang tumatagal… mas lalo kitang gustong protektahan.” Unti-unti akong napayuko dahil hindi ko makayanan ang paraan ng pagtitig niya. “Kapag may ibang lalaking tumitingin sa’yo, naiirita ako.” Napasinghap ako. “Kapag iniisip kong may ibang lalaking hahawak sa’yo… mas lalo akong nagagalit.” “Seb…” “At ngayong nalaman kong may plano kang magkaroon ng anak sa lalaking gusto ng mama mo…” bahagya siyang napapikit. “Hindi ko matanggap.” Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Parang takot siyang pakawalan ako. “Hindi ko alam kung selfish ba ’to,” paos niyang bulong. “Pero ayokong ibang lalaki ang magkaroon ng parte sa buhay mo na dapat sana… akin.” Tuluyan akong natahimik, hindi ko alam kung ano ang isasagot dahil sa totoo lang… ramdam ko ang sincerity niya. Ramdam ko na hindi lang basta paghanga ang nararamdaman niya sa akin . At mas nakakatakot doon… Parang unti-unti ko nang gustong paniwalaan na baka ako rin… baka pareho din ang nararamdaman ko para sa kanya. “Sebastian…” mahinahon kong saad. Ngunit bago pa ako makapagsalita ay marahan niya akong pinigilan. “Hindi ko hinihinging sagutin mo ako ngayon.” Dahan-dahan niyang iniangat ang kamay ko at marahang hinalikan ang likod niyon. Ngunit hindi niya inalis ang tingin niya sa akin. “Pero kung sakaling darating sa puntong pipili ka…” Bahagya siyang ngumiti. Iyong ngiting puno ng pagnanasa ngunit pigil na pigil. “Sana ako ang piliin mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD