Sebastian POV. Kanina pa ako gising. Ngunit parang ayaw kong bumangon. Tahimik kong pinagmasdan ang babaeng mahimbing na natutulog sa aking mga bisig. Si Alexandrea… ang pinakamamahal ko. Maingat ko siyang niyakap nang bahagya, ayokong magising siya. Matapos ang lahat ng pinagdaanan namin nitong mga nakaraang araw, ngayon ko lang siya nakitang ganoon kapayapa. Bahagyang bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Hindi ko napigilang mapangiti nang makita ang mapupulang marka sa ilang bahagi ng kanyang balat. Hindi ko iyon sinasadya... Pero hindi ko rin maitatangging ginusto ko na makita ang mga iyon sa katawan niya.. Napailing ako habang isa-isang binibilang kung ilan lahat. "Magagalit ito mamaya," mahina kong bulong. Kilala ko si Alexandrea. Kapag nakita niya ang mga markang iyon, si

