CH- 11

1468 Words
Alexandrea POV. Tahimik akong nakaupo sa loob ng opisina habang paulit-ulit na tumitingin sa wall clock. Alas-nuwebe pa lang ng umaga ngunit halos ilang beses ko nang naayos ang mga dokumentong nasa ibabaw ng mesa ko. Hindi dahil magulo iyon. Kundi dahil magulo ang isip ko. Napabuntong-hininga ako at saka isinandal ang likod sa swivel chair. Mula kagabi… hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Sebastian. Lalo na ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Parang hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang init ng palad niya sa pisngi ko. At mas lalong hindi ko makalimutan ang mga salitang binitiwan niya bago siya umalis. “Sana ako ang piliin mo.” Agad kong pinilig ang ulo ko. “Ano ba kasi itong iniisip mo, Alexandrea…” bulong ko sa sarili. Hindi dapat ako nagpapadala sa mga sinasabi ni Sebastian. Magulo na nga ang sitwasyon ko, lalo pang gumulo dahil kay Sebastian. Ngunit kahit anong pilit kong mag-focus sa trabaho… kusa pa ring bumabalik sa kanya ang isip ko. Sa seryoso niyang mukha. Sa paraan ng pagpipigil niya kagabi. At sa paraan ng pagdistansya niya kahit malinaw namang kaya niya akong halikan. Napahawak ako sa noo ko. Doon ko mas lalong na-realize na hindi siya kagaya ng iniisip ko noong una. Akala ko noong umpisa… pera lang talaga ang habol niya. Pero habang tumatagal… mas lalo kong nakikitang totoo ang bawat kilos niya. At mas nakakatakot doon… parang unti-unti ko na rin siyang pinagkakatiwalaan. “Chairwoman, Alexandrea?” Napatingin ako sa sekretarya nang kumatok ito sa pinto. “Yes?” “Narito na po si Mr. Sebastian.” Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Agad akong umayos ng upo. “P-Papasukin mo siya.” “Yes, ma’am.” Pagkasara ng pinto ay mabilis akong huminga nang malalim. Hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako. Bodyguard ko lang naman siya. At ang pagpunta niya rito ngayon ay para lang sa kontrata. Wala nang iba. Ngunit ilang segundo pa lamang ang lumipas ay muli nang bumukas ang pinto. At agad na pumasok si Sebastian. Napatigil ang paghinga ko. Nakasuot siya ng simpleng itim na polo at dark pants ngunit kahit ganoon ay hindi pa rin maitago ang malakas niyang dating. Parang natural na sa kanya ang magmukhang sobrang maayos kahit hindi niya pilitin. “Good morning, My Lady Boss.” bahagya siyang ngumiti. At agad na naman akong nailang sa paraan ng pagtitig niya. Parang wala talagang nagbago matapos ang nangyari kagabi. O baka ako lang talaga ang affected. “Good morning,” pilit kong pinanatiling kalmado ang boses ko. “Maupo ka.” Tahimik siyang sumunod. Ngunit kahit nakaupo na siya sa tapat ko ay ramdam ko pa rin ang presensya niya. Masyadong mabigat. Masyadong distracting. Kaya agad kong kinuha ang kontrata sa ibabaw ng mesa at iniabot iyon sa kanya. “Temporary contract lang ito habang hindi pa nahuhuli ang taong gustong kumuha ng ownership ng winery.” Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. At mukhang hindi man lang niya tiningnan agad ang kontrata. “Mr. Sebastian?” “Sabi ko naman sa’yo kagabi…” mahina niyang saad. Napakunot-noo ako. “H-Ha?” “Hindi lang ito trabaho para sa akin.” Agad akong natigilan. At bago pa muling bumilis ang t***k ng puso ko ay mabilis kong iniwas ang tingin. “Basahin mo muna ang kontrata.” Mahina siyang natawa. At nakakainis dahil parang alam na alam niya ang epekto niya sa akin. Dahan-dahan niyang kinuha ang kontrata bago niya iyon binasa. Tahimik ang buong opisina. Tanging tunog lang ng mahinang hininga niya at ang marahang pag-flip niya ng papel ang naririnig ko. Ngunit maya-maya ay muli siyang nagsalita. “Twenty-four hours akong dapat nakabantay sa’yo?” “Bodyguard kita.” simpleng sagot ko. “Tama…” bahagya siyang napangiti. “Ibig sabihin, pwede kitang samahan kahit saan?” Agad kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. “Trabaho mo iyon.” “Good.” Napatingin ako sa kanya. At muntik na naman akong matulala sa paraan ng pagtitig niya. Masyadong diretso. Masyadong seryoso. Parang may gusto na naman siyang sabihin. “At least…” marahan niyang saad habang pinipirmahan ang kontrata. “Wala nang makakapigil sa akin na manatili sa tabi mo.” Hindi ako sumagot at tahimik lang na nakamasid kay Sebastian habang pinipirmahan niya ang kontrata. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya. Sa paraan ng pagkakayuko niya. Sa seryosong ekspresyon sa mukha niya habang binabasa ang bawat detalye ng dokumento. At kahit simpleng pagpirma lang ang ginagawa niya ngayon… bakit parang napakahirap pa ring umiwas ng tingin? Napabuntong-hininga ako nang palihim. Hindi talaga tama ito. Mas lalo lang gumugulo ang isip ko kapag malapit siya. Lalo na pagkatapos ng mga sinabi niya kagabi. Hindi ko inaasahang seryoso siya. Akala ko noong una, dala lang iyon ng emosyon at tensyon ng mga nangyari. Pero ngayon? Kitang-kita ko sa mga mata niya na wala siyang balak bawiin ang mga sinabi niya. At iyon ang mas lalong nakakapagulo sa akin. Hindi ko rin maiwasang maalala ang usapan namin tungkol sa sperm donor. Unti-unti akong napayuko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang gusto ko. At mas lalong hindi ko maintindihan kung bakit mas mabigat ang epekto ng mga sinabi ni Sebastian kaysa sa dapat. Dahil sa totoo lang… Noong una ay wala naman akong pakialam kung sino ang magiging sperm donor. Ang mahalaga lang sa akin ay matupad ang gusto ni Mama. Pero ngayon? Parang hindi ko na kayang isipin na ibang lalaki iyon. Lalo na pagkatapos sabihin ni Sebastian na gusto niyang siya ang piliin ko. Napahigpit ang hawak ko sa ballpen na nasa ibabaw ng mesa. At doon ko muling naalala ang sinabi ni Mama kagabi. “Makikipagkita sa’yo bukas ang lalaking napili ko.” Bigla akong natigilan. Kung hindi ako nagkakamali… ngayon nga pala darating ang lalaking iyon. Hindi ko pa siya nakikita. Hindi ko alam kung anong klaseng tao siya. At lalong hindi ko alam kung paano ko haharapin ang usaping iyon matapos ang nangyari sa amin ni Sebastian. Unti-unti kong iniangat muli ang tingin kay Seb. Tahimik pa rin siyang pumipirma. Masyado siyang relaxed. Masyado din kalmado. Ngunit kahit ganoon ay ramdam ko pa rin ang lakas ng presensya niya. At bigla akong kinabahan. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag dumating ang lalaking pinili ni Mama? Mawawala kaya ang pagiging kalmado niya? O baka… Mas lalo siyang magalit. Hindi ko alam kung bakit pero habang iniisip ko pa lang ang posibilidad na iyon… parang bigla ring sumikip ang dibdib ko. Parang ayokong makita ang reaksyon niya. Parang ayokong makita siyang nasasaktan. Napakurap ako nang bigla siyang magsalita. “You’re staring again.” Agad akong natigilan, lalo pa at mabilis siyang nag-angat ng tingin. Nahuli na naman niya akong nakatitig sa kanya. “A-Ako? Hindi ah!” mabilis kong tanggi. Bahagya siyang napangiti. Iyong tipong halatang hindi siya naniniwala. “Talaga ba?” “Oo.” mabilis kong sagot bago umiwas ng tingin. Mahina siyang natawa. At nakakainis dahil parang mas lalo lang akong kinakabahan sa bawat tawa niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya tuluyang inilapag ang ballpen. “Tapos na.” Kinuha niya ang kontrata at iniabot sa akin. Ngunit nang abutin ko iyon ay bahagya niyang hinawakan ang kamay ko. Saglit lang. Pero sapat para muling bumilis ang t***k ng puso ko. “Problem?” mahinahon niyang tanong. Napatingin ako sa kanya. At doon ko napansin na seryoso na naman ang ekspresyon niya. Parang alam niyang may gumugulo sa isip ko. “W-Wala…” “Alex.” Napakagat ako sa labi. Diyos ko. Bakit ba parang hindi ko kayang magsinungaling sa kanya? “May iniisip ka.” Tahimik akong napayuko. At bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay kusa nang lumabas ang tanong sa bibig ko. “Seb…” Bahagya siyang napalapit. “What is it?” “Kapag ba…” napalunok ako. “Kapag dumating iyong lalaking pinili ni Mama…” Agad kong napansin ang bahagyang pagtigas ng panga niya. At doon pa lang ay alam ko nang hindi niya nagustuhan ang usaping iyon. Ngunit nanatili siyang tahimik. Kaya nagpatuloy ako. “Anong gagawin mo?” Ilang segundo siyang hindi nagsalita. Tahimik lang niya akong tinitigan. At sa paraan ng pagtitig niyang iyon… parang may kung anong mabigat na emosyon ang pilit niyang kinokontrol. Hanggang sa marahan siyang napabuntong-hininga. Pagkatapos ay bahagya siyang ngumiti. Ngunit halatang pilit iyon. “Depende.” Napakunot-noo ako. “Sa ano?” Dahan-dahan siyang yumuko palapit sa akin. Sapat lang para maramdaman ko ang init ng boses niya. “Depende kung paano siya titingin sa’yo.” At sa malamig na paraan ng pagkakasabi niya noon… Bigla kong naramdaman na baka hindi magiging maganda ang unang pagkikita nilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD