Sebastian POV.
Hindi ko inaasahan na makikita si Alexandrea sa racing field, at talagang wrong timing pa. Sigurado akong iniisip niya na may girlfriend na ako.
Iniwan ko si Lourni at hinabol siya, ngunit hindi ko na siya inabutan. Nakasakay agad siya, at likuran na lang ng kotse niya ang nakita ko. Nakaramdam ako ng panghihinayang dahil hindi ko man lang siya nakausap. Pero teka, sinong pinuntahan niya rito?
“Pareng Seb, saan ka ba galing? May sasakyan ka bang dala? Kasi aalis na kami.”
“Bakit, tapos na ba ang racing?”
“Oo, at nanalo si Tol Jason. Kaya kung may sasakyan ka, sumunod ka na lang sa amin. Dating gawi, sa ihaw-ihawan,” wika ni Pareng Reegan.
“Wala akong sasakyan, kaya sasabay ako sa inyo,” wika ko saka mabilis na sumunod sa kaibigan ko. Malayo pa lang kami, nakikita ko na ang pagkainip nila habang nakatingin sa amin.
“Saan ka ba galing, Tol Seb? Kanina ka pa namin hinahanap?”
“May kinausap lang akong kakilala,” sagot ko bago mabilis na sumakay at tumabi kay Pareng Isaac.
“Sigurado akong babae kaya nakalimutan mo na ang racing,” tudyo niya.
“Babae agad? Wala nga akong hilig sa ganyan, huh!” sagot ko. Gusto kong ngayon pa lang ay linawin kay Pareng Isaac na hindi ako babaero tulad ng inaakala niya.
“Tayo ba ay maglolokohan pa, Pareng Seb? Sa tagal na nating magkakaibigan, kilalang-kilala ko na kayong lahat. Kahit amoy yata ng utot, alam ko kung kanino galing.”
Natawa ako sa huling sinabi niya, ngunit nagkaroon ako ng hinala na baka may alam na siya tungkol sa pagiging baby maker ko na kinansela ni Alexandrea. Ayaw kong isipin iyon sapagkat once na may malaman ang kambal tungkol doon, siguradong bugbugan ang mangyayari. Tama siya, kilala na namin ang ugali ng bawat isa. Kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pangamba. Baka sa dami ng pinagdaanan ng buong tropa, dito pa masira ang magandang samahan namin.
Tahimik lang si Pareng Isaac at ang kakambal niyang si Isacario, ngunit alam kong iba silang magalit, lalo na kapag kaanak ang involved.
“Tol Seb, may problema ka ba? Kanina ka pa namin kinakausap, hindi ka sumasagot, huh!” sabay palo ni Pareng Kyle sa balikat ko.
“Wala, iniisip ko lang si Mama. Lately, parang lagi siyang balisa. Ayaw naman niyang sabihin sa akin kung may dinaramdam siya,” pagsisinungaling ko.
“Bakit hindi mo siya ipa-check up? Ang mga magulang natin, hindi basta dumadaing kahit may nararamdaman na. Ang katwiran nila, ayaw daw nilang maging problema pa sila sa atin,” biglang sagot ni Pareng Raven.
“Siguro nga tama ka, Tol Raven. Hayaan mo at bukas ng umaga ay dadalhin ko siya sa clinic upang masuri ang kalagayan niya.” Bigla akong nag-alala sa aking ina. Kahit kasinungalingan ang sinabi ko, who knows may dinaramdam nga siya… ang mama ko na lang ang meron ako, kaya dapat alagaan ko ang kanyang kalusugan.
Kahit nariyan ang pinsan kong si Luther, may sarili na siyang pamilya kaya ayaw ko na siyang abalahin.
Nang huminto ang sasakyan sa gilid ng daan, agad na bumaba ang lahat. Makikita ang pananabik nila sa ihaw-ihaw. Ewan ko ba kung bakit sa lahat ng pagkain, parang ito ang pinakaespesyal sa amin. Samantalang ang bastardo’s Montemayor lang naman ang nagpatikim sa amin ng mga ganitong pagkain. Kahit hindi ako mayaman tulad nila, simula nang huminto ang tropa sa pagiging CIA, si Mama na ang nagluluto ng mga kinakain ko.
Ako ang pinakahuling bumaba ng sasakyan. Pagkatapos ay umupo ako sa plastic na upuan. Ayaw ko munang makigulo sa kanila.
Pagsulyap ko sa paligid, lahat yata ng tao na naroroon ay sa amin nakatingin. Higit sa lahat ang mga babae, hayagan kung mag-flirt. Sa puntong iyon, muling pumasok sa isipan ko si Ms. Alexandrea.
Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone at sinubukan siyang tawagan. Nag-ring kaya tumayo ako at naglakad palayo sa tropa.
Ilang segundo pa at narinig ko na ang boses ni Ms. Alexandrea.
“Anong kailangan mo, Mr. Sebastian?”
Medyo nailayo ko sa aking tainga ang cellphone. Bakit parang galit yata siya?
“Kung hindi ka magsasalita, ibababa ko na ito…”
“Umm… can we meet?”
“Ngayon?”
“Yeah, may gusto lang akong sabihin at itanong sa’yo.”
“Dito mo na lang sabihin… busy ako ngayon.”
“Maaari bang malaman kung nasaan ka?”
“Nasa opisina ako. May konting problema lang…”
“Sa ganitong oras, bumalik ka pa sa opisina mo?”
“Oo, may problema lang sa factory… sige, ibababa ko na ito. Bye.”
“Hello?” ngunit wala na sa linya si Alexandrea.
Binalik ko na lang ang cellphone sa aking bulsa at naglakad pabalik sa upuan.
“Pareng Seb, wala ka bang planong kumain?” tanong ni Tol Cain.
“Busog pa ako. Ahm… Tol Cain, ano ang dala mong sasakyan ngayon?”
“Big bike. Bakit, Pareng Seb?”
“Pwede bang hiramin? May mahalaga lang akong pupuntahan, at sa ganitong oras ay matra-traffic kung sasakay pa ako ng taxi.”
“Sure, heto ang susi. Saka bukas mo na ihatid, at sasabay na lang ako kay Kuya Kyle,” wika ni Cain.
“Sige, maraming salamat. Aalis na ako.”
“Ingat, Pareng Seb.”
Kumaway na lang ako at agad na tinungo ang big bike sa gilid ng kalye. Dinampot ko ang helmet at agad na sinuot, pagkatapos ay pinasibad ko ito palayo.
Sa relo ko ay alas-siyete na ng gabi. Medyo umaambon din kaya mas binilisan ko ang pagmamaneho.
Makalipas ang kalahating oras, huminto ako sa tapat ng mataas na building. Nang maiparada ko nang maayos ang big bike, naglakad na ako patungong entrance.
Hinarang ako ng guard. Bawal daw akong umakyat dahil sarado na.
“Guard, nasa taas pa si Chairwoman. Pinapunta niya ako rito.”
“Paiwan ng ID mo, sir…”
“Sebastian De Marcus,” sabi ko bago inabot ang ID ko.
Agad din niya akong pinapasok at sinabi na sa Elevator 1 ako dumaan dahil nakasarado na ang lahat ng pwedeng daanan.
Papasok na sana ako nang may nakasabay akong lalaki. Nakasuot siya ng uniform para sa maintenance. Pinauna ko siya saka ako sumakay, binigyan ko rin siya ng space. Medyo maliit ang loob ng elevator at may dala siyang mga gamit.
Ngunit napakunot-noo ako nang mapansin ang suot niyang sapatos. Makintab iyon at hindi angkop sa kagaya niyang maintenance personnel.
Lihim kong sinuyod ang katawan niya at nakasiguro akong may baril siya. Agad akong kinabahan, ngunit hindi ko iyon pinahalata. Baka mamaya ay panggabing guwardiya lang na nagsuot ng uniform… pero imposible naman yata.
Mabilis kong pinindot ang unang floor bago ang floor ni Chairwoman. Pagkatapos ay sumandal ako sa wall. Hindi kami nagkakalayo ng taas. Kung anuman ang masamang balak niya kay Ms. Alexandrea, hinding-hindi ko papayagan.
Nang huminto ang elevator, agad akong lumabas at mabilis na naglakad patungo sa hagdanan. Paglabas ko ng pinto, halos liparin ko ang hagdan paakyat sa susunod na floor.
Iba ang pakiramdam ko sa lalaking iyon. Nakakasiguro akong si Ms. Alexandrea ang pakay niya.
Pagdating ko sa floor niya, muntik pa akong makita ng lalaking iyon. Kaya nagkubli muna ako sa gilid, at nang makapasok na siya sa loob ay agad akong sumunod. Bago pa tuluyang lumapat ang glass door, nakapasok na ako sa loob.
Habang palapit ako sa Chairwoman’s office, naulinigan ko ang mga boses. Kaya huminto ako ilang dipa ang layo, na roon lang ako sa gilid ng pinto ng chairwoman office door.
“Anong kailangan mo, Mr. Arroyo?”
“Ang titulo ng winery, ibigay mo sa akin kung nais mong mabuhay kasama ng iyong ina!”
“Hindi ko iyon gagawin. Kung gusto mo akong patayin, go ahead,” kalmadong sagot ni Alexandrea.
“As you wish, kung ito ang gusto mo.” sabay hila ng malakas sa suot nito, pagkatapos ay tinutukan ng baril sa ulo niya Alexandrea.
Doon na ako kumilos, lalo pa at kitang kita ko ang matinding takot niya habang umaatras patungong glass wall. Sigurado kapag binaril ng lalaki ang salamin at nabasag iyon tatamaan ang dalaga at posibilidad na mahulog sa baba ng building.
Wala akong oras para mag-isip, kinuha ko ang dagger sa aking binti na lagi kong dala, natatakban ng suot kong pants. Pakatapos ay agad na pinalipad iyon. Napaungol sa sakit ang lalaking may hawak na baril. At kasabay ay tumilapon din iyon sa carpet.
Saka ako mabilis na lumapit at sinipa ng dalawang beses, sinundan ko pa ng suntok sa dibdib. Nawalan siya ng malay, agad akong lumapit kay Alexandrea, takot na takot siya.
“It’s me,” I whispered, my voice gentle as I pulled her trembling body closer. “Calm down… no one’s going to hurt you anymore.”
Carefully, I fixed her disheveled clothes, trying to shield her from the fear still shaking her whole body.
“S-Seb… i-ikaw nga,” nanginginig na pahayag ni Alexandrea bago mabilis na yumakap siya sa akin. At syempre agad akong gumanti ng yakap, mahigpit, damang dama ko ang malambot niyang katawan.
Ngunit agad na nakaramdam ng panghihinayan ng bumitaw siya.
"T-Tatawag ako ng pulis," aniya pa, at hindi na ako tumutol. Naglakad ako palapit sa lalaki at muli malakas itong sinipa, hindi gumalaw kaya kinapkapan ko siya at agad na kinuha ang cellphone. Nakakasiguro akong may taong nag-utos sa lalaking ito upang patayin si Ms. Alexandrea.