KABANATA 12

2262 Words
Parang kailan lang naghihirap ang kalooban niya habang pinapanood ang masayang pamilya ng kaniyang ama sa telebisyon, pero heto siya ngayon, naghihintay na lamang ng ilang sandali para masira iyon. Sana ay mapatawad pa siya ni Troy sa kaniyang gagawin pero hindi na niya inaasahang mangyayari pa iyon. Nakangiti siya habang 'nakikipagplastikan' sa mga bisita. Ngayon ang araw ng uwi ng mga magulang ni Troy, ngayon din siya ipapakilala nito sa publiko at sa magulang nito. At ito rin ang araw na pinakahihintay niya. Ang pasabugin ang bomba ng katotohanan sa harap ng madla. "Honey, are you okay?" Masuyong tanong sa kaniya ni Troy at hinawakan siya nito sa beywang. "Yes, don't worry I'm fine.." Maluwag ang ngiting tugon niya rito. Sa hardin ng mansion ng mga Monteverde ginanap ang welcome party para sa mga ito. Marami ang dumalo para salubungin ang mag-asawa at batiin sila sa lubusang pag-galing ng Donya sa karamdaman nito. "Thank you," mahinang bulong nito sa likod ng kaniyang tainga saka bahagya iyong hinagkan. Heto na naman, nagsisimula na namang gumapang ang kilabot sa buo niyang katawan, kung hindi siya lalayo kay Troy ang alam niyang ipagkakanulo naman siya ng kaniyang katawan. "S-sige na, baka hinahanap ka na ng mga bisita," pagtataboy niya rito habang pilit na kumakawala sa mahigpit na hawak nito sa kaniyang beywang. "Hayaan mo sila," muling bulong nito. Alam niyang napakalapit lang ng mukha nito sa kaniya kahit nasa likuran niya ito. Ramdam niya ang mainit na hininga nito sa kaniyang batok, amoy rin niya ang amoy alak nitong hininga. Kinantiyawan kasi ito ng mga kaibigan kaninang dumating ang mga ito kaya hindi pa nagsimula ang party ay uminom na ito. "Come," hindi makatiis na hinila siya ni Troy papunta sa likurang bahagi ng mansion. Makakapal ang mga halaman doon at medyo madilim. "Bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko sa tuwing nakikita kita," anito habang kinabig siya palapit. "Baby, you look so sexy tonight," sabi pa nitong hinaplos ang nakalabas niyang hita sa mataas na slit ng kaniyang evening dress. "Come on-" hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla siyang halikan nito ng mariin. Mag-asawa sila at magkasama sa iisang bahay pero bakit parang laging sabik na sabik sila sa isa't isa? Hindi na siya tumutol pa, tinugon niya ang nag-aalab na mga halik ni Troy. Hinayaan niyang gumapang ang mga kamay ito pataas sa kaniyang hita hanggang maabot at perlas na nakatago roon. Nilaro laro nito ng kaniyang daliri hanggang sa mamasa masa na. "Uhm..uhmm.." Ungol ni Eliza nang maramdaman ang kahandaang tanggapin ang ano mang ipapasok doon ni Troy. Siya na ang kusang nagbukas sa pantalon ni Troy at sabik na pinisil pisil ang kargada nitong kanina pa naninigas. Napakalaki niyon pero iyon ang gusto niya. Kakaibang sarap at satisfaction ang binibigay nito sa tuwing pumapasok ito sa kaniyang lagusan. Pinatalikod siya ni Troy at humawak sa sandalan ng bench na naroon. Bahagya siyang naka bukaka ng patuwad at mula sa likod ay walang sabi sabing ipinasok iyon ni Troy. "Ahh!" Daing niya nang maramdamang sagad na sagad iyon sa kaniyang kailaliman. "Honey I'm coming..." Anito at sumunod na naramdaman niya ang basang naglandas sa pagitan ng kaniyang mga hita. Maya maya pa ay nagkagulo ang mga tao sa bandang harap ng mansion na ikina alerto ng dalawa. Kaniya kaniyang ayos sila sa kanilang mga sarili at nagmadaling pumunta roon. Dumating na ang mag-asawang Don Mauricio at Donya Elena Monteverde. "Dad! Ma!" Masiglang bati ni Troy sa mga ito. Nanatiling nakamata lamang si Eliza sa isang tabi. Nakikiramdam. Dinadama ang napipintong tagumpay. Inalalayan ni Troy ang Ina pababa ng kotse hanggang makapasok sa mansion. Agad naman silang sinalubong ng mga bisita kaya tila nakalimutan na ni Troy ang asawa. Dumiretso ang dalawang matanda sa mesang nakareserba para sa mga ito. Nagsimula na ang party, matapos magsalita ng Don ay tinawag nito si Troy sa harapan para magbigay rin ng mensahe sa mga kaibigan at ka-alyansa sa negosyo na lagi pa ring nand'yan para sa kanila. Habang nagsasalita ay mabilis ang mata niyang hinagilap si Eliza, kanina pa niya ito hinahanap. Siguro ay busy lamang ito sa ibang mga bisita. Nang sa wakas ay namataan niya ito sa may bandang likuran at abalang nagmamando sa mga nangangasiwa ng pagtitipong iyon. Hindi talaga siya nagkamali sa pagpapakasal sa babaeng ito, maasahan sa lahat. Magingg sa opisina o sa kahit saan mo ilagay. "Ladies and gentlemen, I want to take this opportunity to introduce my girlfriend, my fiancee..." Sabi niya habang nakatingin sa direksyon ni Eliza. Natigilan naman si Eliza at mukhang kinabahan. "The soon to be Mrs. Monteverde," patuloy niya. Mabilis namang humakbang si Eliza palapit sa asawa. Hindi pa alam ng lahat ang kanilang pagpapakasal kaya bilang girlfriend at fiancee lamang ang pakilala sa kaniya ni Troy at naiintindihan naman niya iyon. O mas tamang sabihin na wala naman siyang pakialam doon. Napako ang lahat ng mga tila nanunuring tingin kay Eliza habang palapit kay Troy. Confident naman siyang ngumiti lamang sa mga mapanuring tingin ng mga bisita. Bakit? Maganda siya, matalino at higit sa lahat siya ang asawa ni Troy. Nang tuluyang makalapit kay Troy ay agad siya nitong hinawakan sa beywang at mabilis na hinalikan sa pisngi. "My fiancee, Eliza..." Pagpapakilala niya rito. Umugong ang palakpakan at mga congratulations sa paligid pero hindi rin maiwasan ang mga bulungan lalo na sa mga babaeng naroon na naghahangad din na mapansin ni Troy. Wala silang kaalam-alam na may girlfriend na pala ito. Maluwag ang ngiti ng mag-asawang Monteverde nang salubungin ang dalawa. Mainit ang pagtanggap ng mga ito sa kaniya. Ewan niya pero tanging ang galit na lamang ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Pilit na ngiti lamang ang naging tugon niya. Hind naman iyon napansin ng lahat dahil masyadong excited ang lahat. Ngayon din kasi ang announcement ng bagong proyekto ng kanilang mother company. Hindi na talaga mapipigil ang pamamayagpag ng mga Monteverde. Hindi niya namalayang tinawag na pala siya ni Troy na nasa gitna ng maliit na entablado at kasalukuyang nagsasalita. Busy rin ang Donya at Don sa mga bisitang kausap. "Eliza," muling untag ni Troy sa kaniya. Natutulala pa rin siya. Matagal niyang pinaghandaan ang araw na ito pero bakit tila naduwag naman siya? "H-ha? Y-yes..." Aniya nang lumapit dito. Hindi man niya naintindihan ang sinabi nito ay pinilit niyang maging kaswal. Inabot sa kaniya ang mikropono. Inabot naman niya iyon at nawala ang ngiting bumaling sa mga naroon. Inikot ang paningin. May kaniya kaniyang kausap ang lahat. Bihira lamang ang nakikinig at nakatuon ang pansin sa kanila. Nahagip ng kaniyang tingin ang Don. Nakatingin din ito sa kaniya, bahagyang nakangiti. Tila bumuhos ang lahat ng kaniyang sama ng loob at wala sa loob na itinaas ang mikropono sa tapat mga labi. Bumuka iyon ngunit tila hindi niya mahanap ang sariling tinig. Diretso ang tingin niya kay Don Mauricio Montrverde, ang taong kaytagal niyang ninais sumbatan. "I am Eliza," mahina niyang pahayag. Halos bulong nga lang iyon dahil mas malakas pa ang t***k ng kaniyang puso. "Eliza Arguella Monteverde," aniyang diretsong nakatingin sa tila naguguluhang Don. Naagaw naman ang atensyon ng lahat sa sinabi niya. Natahimik ang lahat. Halatang naghihintay sa susunod na sasabihin niya. Maging si Troy na ngayon ay nasa tabi ng Ina ay napakunot ang noo sa sinabi ng asawa. "Remember? I am your daughter! And now, here I am...." Sabi niyang ikinibit ang balikat. Tila tinakasan ng dugo ang mukha ng Don sa sinabi niya. "Isn't it funny? I used to be the daughter you adored, and now... Your daughter in-law? Yes, I am married to your adopted son!" Patuloy niya na tila wala sa sariling tumawa ng may pait. "Welcome home, DADDY!" Sabi pa niya saka lumapit dito at bahagyang hinalikan sa pisngi. Walang makapagsalita, natitigilan ang lahat. Maging si Troy ay pilit na inuunawa ang mga pinagsasabi ng asawa. Inilapag ni Eliza ang mikropono saka mabilis na tinalikuran ang lahat. Nag-unahang tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigil. Hindi niya alam kung luha ba iyon ng tagumpay o luha sa muli nilang pagkikita ng ama. Sa di kalayuan ay naghihintay na ang sasakyang maghahatid sa kaniya sa Airport. Oo, iiwan na niya si Troy. Tama na ang pagpapanggap. Ginamit lamang niya ito. Naging kasangkapan lamang si Troy sa kaniyang mga plano. Isa pa, wala namang damdaming namangitan sa kanila. He never said he loves her. And vice versa. Nagkataong kailangan nila ang isa' t isa nang mga panahong iyon. Troy need a perfect girlfriend, at siya iyon. And she needs Troy for her plan. But how they ended up being married ay hindi na niya sigurado. Bakit nga ba? Bakit siya pinakasalan at bakit pumayag naman siyang magpakasal dito? Ilang minuto nang wala sa paningin ng lahat si Eliza ay wala pa ring imik ang karamihan. Marahil ay pinoproseso pa nila ang mga narinig sa dalaga. "Uhh.." Si Donya Elena habang tutop ang dibdib. "Ma!" Naging maagap naman si Troy para damayan ang ina na naninikip ang dibdib. "Are you okay?" Tanong pa niya ngunit tuluyang nawalan na ito ng malay. Noon lamang nagkagulo at tila natauhan ang ang lahat. Mabilis na dinala ang Donya sa malapit na hospital. Mabuti na lamang at pagod lamang daw ang dahilan ng pagkawala ng malay nito. Hanggang ngayon na nakaupo na si Troy sa tabi ng kaniyang ina sa hospital bed nito ay hindi pa rin maproseso sa kaniyang isip ang mga sinabi ng kaniyang asawa. Iniisip niyang biro lamang ito, pero bakit naman ito magbibiro ng ganoon? At nasaan na nga ba ito? Mabilis na hinagilap niya ang kaniyang cellphone. Idinayal ang numero nito pero hindi na niya makontak. Doon na siya kinabahan ng husto. 'Is it real?' Aniya sa isip. Alam niyang hindi iyon masasagot hanggat hindi niya nakakausap ang ama na ewan niya kung nasaan na. Kasama niya ito nang dalhin nila ang ina sa hospital pero bigla na lamang itong nawala nang malamang ligtas ang Donya at walang ano mang problema sa kalusugan nito. Nagpasya siyang umuwi na lamang muna, siguradong nasa mansyon lamang ng mga Monteverde ang ama. Kilala niya ito. Mas pinipili nitong mag-isa tuwing may kinakaharap na problema. Magkahalong takot at galit ang nararamdaman niya habang binabagtas ang madilim na lansangan pabalik ng mansyon. Takot para sa katotohanan kung sakali man. At galit sa sarili dahil hindi niya alam kung saan hahanapin si Eliza. Paano kung may mangyaring masama rito? Galit din sa kaalamang ginamit lamang siya nito. Pero hindi ba't ginamit rin naman niya ito? Nag-gamitan sila pero pakiramdam niya ay siya ang dehado. Ang ilang minutong biyahe niya ay tila naging napakatagal sa pakiramdam niya nang sa wakas at narating rin niya ang tahanan ng mga magulang. Gulong gulo ang isip niya. Hindi niya alam ang emosyon na gustong mangibabaw. "Dad!" Tawag niya sa ama nang marating ang opisina nito. Alam niya kung saan ito hahanapin. "Dad," ulit niya nang walang sumasagot. Bukas ang ilaw sa loob ng silid kaya alam niyang naroon ito. "Dad, we need to talk," mahinahon niyang sabi nang wala pa rin siyang maramdamang pagkilos mula sa loob. "Come in," mahinang tugon nito. Mabilis siyang pumasok. Nadatnan ang ama na tangan ang isang baso ng alak. Nagsalin rin siya sa basong naroon sa mesa nito. Tila alam nitong pupuntahan niya ito. Matapos lunukin ang likido ay gumuhit ang pait at init sa kaniyang lalamunan. Napapikit siya, tila nabawasan ang bigat sa dibdib niya. Muli siyang lumagok bago tuluyang umupo sa tapat ng ama na nakatingin lamang sa kaniya. "Dad, is it true?" Aniyang tumitig sa ama. Hindi ito umimik, itinaas nito ang baso at inisang lunok ang natitirang likido roon na tila ba magbibigay dito ng lakas ng loob. Matapos ilapag ang baso ay bumaling ito sa kaniya. Tumitig sa kaniya, tila tinatantya ang kaniyang emosyon. "No," mahinang sabi nito pero tila hirap ang kalooban nang sabihin iyon. Nakuyom niya ang kamao. Hindi siya umimik. Inubos ang alak sa kaniyang baso at muling nagsalin. Inisang lagok lamang niya iyon habang walang imik na nakatingin lamang ang kaniyang ama. Maging ito ay hindi alalm ang sasabihin. "Pero bakit ikaw?" Wala sa loob na tanong niya sa ama. "Hindi ko rin alam, mahabang kuwento," anito saka muling nagsalin ng alak sa baso. "You cheated to mom, did you?" Muling sumbat niya sa Don. "Tingnan mo nga naman ang karma," aniya saka tuluyang tinalikuran ito. Malakas na nasuntok niya ang pader nang makalabas sa opisina ng ama. "f**k!" Mura niya sa sarili habang gigil na gigil na pinagsusuntok ang pader. Tumigil lamang siya nang maramdaman ang sakit at makitang nagdurugo ang kamao. Pero wala ang sakit na iyon sa nararamdaman niya. Paanong siya ang nagbabayad ngayon sa naging kasalanan ng ama? Life is unfair. Lumabas siya at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Napadpad siya sa isang bar. Dahil naka-inom na, saglit lamang ay nalasing na siya. "Hey baby, small world huh?" Anang babaeng lumapit sa kaniya at diretsong pumulupot ang braso nito sa kaniyang leeg. "Lasing ka na," malanding sabi nito at bahagyang inilapit ang mukha sa mukha niya. "A-alegra," nauutal na tugon niya nang makilala ito. "I'm sorry about what happen," anito pero mas mukhang natutuwa ito. "You know already," walang ganang sagot niya. "It's all over the news honey," tugon nito. Oo nga naman, malaking balita ito sa business world at wala siyang paki-alam doon. Ngayon lamang niya isasa-alang alang ang sarili. Wala siyang paki-alam sa sasabihin ng iba. Hahanapin niya si Eliza. Buo na ang pasya niya. Bilang kapatid o asawa, alam niyang hindi siya mabubuhay nang wala ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD