Payapang lumapag ang sinasakyang eroplano ni Eliza sa John F Kennedy International Airport. Nagtagumpay siya sa paghihiganti sa ama. Nagulo niya ang buhay ng mga ito at nabahiran ang malinis nitong pangalan. Sa ngayon ay matatahimik na siya. Makakapagsimula na siya ng bagong buhay dito sa Amerika. Hindi alam ng kaniyang ina na narito siya. Wala itong alam sa mga plano niya. Tanging siya at si Jelay lamang ang nakakaalam ng mga ito. Si Jelay rin ang tumulong sa kaniyang mag-set up ng kaniyang pagtakas. O takas nga bang matatawag iyon? Wala namang may gustong habulin siya. Alam niya, at some point ay mawawala ang mga isyu tungkol sa kaniya at makaka-recover ang mga Monteverde sa gusot at bahid na ginawa niya. Mayaman ang mga ito at kaya lamang nilang baliktarin ang kuwento tulad ng dati. Sasabihin lamang nila na nababaliw siya at hindi siya kilala at kaano-ano ng mga ito.
Tumulo ang luha niya. Hindi nga ba' t ito ang gusto niya? Hindi ba't nagtagumpay na siya? Bakit parang napakabigat ng dibdib niya sa isiping isa lamang siyang tuldok kumpara sa mga ito? Hindi talaga siya nababagay sa mala langit na level ng mga ito.
Huminga siya ng malalim bago tuluyang tumayo at para sumabay sa mga kapuwa pasaherong nagsimula nang lumabas sa eroplano.
Nag-taxi lamang siya papunta sa address ng kaniyang apartment, ang magiging tahanan niya. Ayaw niyang pumunta sa ina dahil siguradong walang katapusang sermon lamang ang aabutin niya rito. Matagal na niyang inayos ito, hindi pa man sila ikinasal ni Troy ay kumuha na siya ng apartment dito nang minsang magbakasyon siya.
Nang makarating ay agad na naligo at nagtuyo ng buhok, humiga sa kama pagkatapos. Ngayon niya naramdaman ang pagod. Ipinikit niya ang mga mata, gusto niyang matulog pero pilit na pumapasok ang mukha ni Troy sa isip nya. Wala siyang pinagsisihan sa ginawa dahil mula pa noon ay ginusto na niya iyon pero bakit tila hindi siya masaya?
Mabilis na lumipas ang mga araw, nakapasok siya sa isang accounting firm bilang senior accountant. Naging normal ang buhay niya, tulad ng dati, trabaho-bahay lamang ang ang naging routine niya. Paminsan minsan ay kinukumusta ang ina na nasa kabilang siyudad lamang. Nagtaka man ito sa biglaang desisyon niyang lumipat ay natuwa rin naman dahil matagal na niyang hiniling dito na lumipat na sa Amerika para magkalapit o magkasama na silang mag-ina.
Mag-iisang taon na rin mula nang maging tahimik ang buhay niya. Kung tahimik ngang masasabi ang paminsan minsang pagtulo na lamang ng kaniyang luha. Bakit hindi niya makalimutan si Troy? She badly missed him. His touch. His arms. Hindi man niya aminin, she always dreamed to be in Troy' s arms again. Alam niyang hinding hindi na iyon mangyayari pa dahil tulad nga naunang inisip niya, they will eventually forget about her. Oo napakalaking eskandalo sa mga Monteverde ang ginawa niyang paglantad pero ilang buwan lamang iyon, tulad ng inasahan niya, muli siyang inilibak ng sariling ama. Sa ngayon ay unti-unti na niyang natatanggap iyon. Para ano pa? Nagsasayang lamang siya ng oras sa mga taong wala namang ambag sa buhay niya.
Pero totoo yata na kapag iniisip mo ang isang tao ay bigla na lamang magpapakita sa' yo.
"Uhh!" Napadaing si Eliza nang may humawak ng mahigpit sa kaniyang braso. Pakiramdam nga niya ay tila naipit ito sa sobrang higpit ng pagkakahawak.
"What the-?" Hindi niya natuloy ang sasabihin nang mapagsino ang taong gumawa niyon.
"Hey honey, kilala mo pa pala ako baby," anitong may nakakalokong ngisi. Unang beses niya itong makita sa ganoong reaksyon.
"A-anong ginagawa mo rito?" Tanong niya na pilit binabawi ang braso.
"Relax baby, sinusundo ko lang ang asawa ko," anitong sumeryoso na.
"Come on, hindi mo ako asawa at lalong hindi ako sasama sa' yo!" Galit niyang tugon.
"At sino ang may sabi sa'yong may option ka? Hmmm?" Anito saka galit na hinila siya palapit. Maliit siya kumpara rito kaya tila bata siyang naging sunud sunuran sa mga ginagawa nito.
"You are my wife and no one can change that!" Galit na singhal nito sa mukha niya. Halos magdikit na ang mga mukha nila sa lakas ng pagkakahila nito sa kaniya. Amoy niya ang alak sa hininga nito.
Kahit madilim ay kita niya ang nanlilisik nitong mga mata. Galit.
Hindi pa man siya naka palag ay mabilis na sinakop nito ang kaniyang mga labi. Mainit at mapusok ang halik nito. And that feeling, na muling nagigising dahil sa halik ni Troy. Hindi niya maikakaila sa sarili that she is longing for this feeling na si Troy lamang ang makakagawa.
Hindi siya gumalaw, hindi tumugon ngunit hindi rin tumanggi. Hinayaan niya si Troy na pagpasasaan ang kaniyang mga labi. Halos kagatin na nga nito iyo, ramdam niya ang gigil at pananabik ba iyon? Kung hindi siya nagkakamali.
Sa huli ay pinagalitan niya ang sarili. Bakit naman ito mananabik sa kaniya? Heto nga at galit na galit, kulang na lamang ay sakmalin siya ng buong buo.
Matapos ang mahaba at mapusok na halik ay halos kaladkarin siya nitong isinakay sa sasakyang naghihintay sa di kalayuan.
"S-saan mo ako dadalhin?" Aniyang pilit na kumakawala sa hawak nito. Magdidilim na noon at kalalabas lamang niya mula sa opisina. Papara na sana siya ng taxi nang hinahin siya nito.
"I-uuwi kita," walang ano mang sagot nito saka ngumisi na naman ng nakakaloko.
"Hindi ako sasama sa'yo!" Singhal niya rito pero hindi lamang siya pinansin.
Ilang oras na silang nakasakay, at sa mabilis na patakbo ng kung sino mang driver na iyon ay hindi pa nila nararating ang pupuntahan. Sa wakas ay binitiwan na ni Troy ang kamay niyang namumula pa sa higpit ng pagkakahawak nito. Siguro ay alam naman nitong hindi siya tatalon sa mabilis na takbo ng sasakyan.
"Bukas na bukas din ay uuwi tayo ng Pilipinas," seryoso at madilim ang mukha at seryosong basag nito sa katahimikan.
"What? Are you insane?" Baling niya rito. Kampante lamang itong naka-upo sa kabilang dulong upuan ng sasakyan.
"You heard me right, you're not supposed to be here after all," matigas na tugon nito.
"Pero-" magpoprotesta pa sana siya nang biglang huminto ang sasakyan. Sumilip siya sa bintana. Napanganga siya nang makita ang isang tila mala kastilyong mansyon sa kaniyang harapan. Hindi iyon kalakihan pero kita ang ganda ng disenyo nito. Tingin niya ay nasa countryside sila kaya napakalayo ng nilakbay nila. Halos makatulog na nga siya kanina sa byahe.
Ipinagbukas siya nito ng pinto. Walang imik sa umibis siya ng sasakyan. Mabilis itong naglakad papasok sa bahay na iyon kaya wala siyang nagawa kung hindi ang sundan na lamang ito.
"Bakit ba?" Hindi matiis na tanong niya rito habang hinahabol niya sa paglalakad.
"Hah! Bakit? Really? Eliza Arguella?" Nang-uuyam nitong tanong. Patuloy pa rin ito sa paglalakad.
"Diyan ka muna sa silid na 'yan, magpahinga ka at maaga pa tayo bukas," malamig nitong pahayag nang matapat sila sa isang silid sa unang palapag ng bahay.
Napahinto siya. Ngunit dumiretso ito sa malaking hagdan na nasa gitnang bahagi ng malawak na bulwagan. Walang lingon itong mabilis na umakyat sa ewan niya kung saang palapag. Tantiya niya ay nasa tatlong palapag ang bahay na ito.
Lumingon siya sa paligid. Walang tao. Dahan dahan siyang lumapit sa malaking pinto kung saan sila pumasok kanina. Sinubukang buksan iyon pero kahit anong pihit niya sa hawakan ay hindi niya iyon mabuksan.
Lumapit siya sa bukas na bintana pero may grills din pala iyon. Madilim sa labas, sa palagay niya ay mahihirapan siyang makahanap ng masasakyan sa lugar na iyon sa ganoong oras. Baka nga wala pang naliligaw na taxi roon dahil halatang napakalayo nito sa kabihasnan.
Laglag ang balikat na bumalik na lamang siya sa silid na itinuro ni Troy. Para iyong maids quarter, malinis at maayon naman pero hindi magarbo tulad ng loob ng bahay na iyon. Isang maliit na kama at may ilang mga pares ng lumang damit naman sa maliit na cabinet.
Pinili niyang maging kalmado. Walang magagawa kung maghuhuramentado siya ngayon. After all ay kasalanan niya kung bakit nasa ganoong kalagayan siya ngayon.
Inilapag niya ang shoulder bag saka umupo sa kama. Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang mga message sa kaniyang inbox.
Jelay: Sorry beshy, pinilit niya ako. Pinagbantaan pa ako.
Jelay: I'm so sorry.
Iyon ang bumungad na mensahe mula kay Jelay. Napapailing na lamang siya. Kilala niya ang kaibigan. Magaling itong magtago ng sekreto, kaya nga malaki ang tiwala niya rito. Pero sa pagkakataong ito ay naiintindihan niya kung bakit ipinagkanulo siya nito kay Troy. Hindi basta basta si Troy. Hindi ito titigil hanggat hindi nakukuha o nagagawa ang gusto. Kaya nga napakalaki ng ini-unlad ng Monteverde Group of Companies nang siya na ang namanhala rito.
"Yeah, naiintindihan ko. See you soon," ito lamang ang tanging naisagot niya sa mga message nito at tuluyan nang namatay ang baterya ng kaniyang cellphone.
Humiga siya sa kama, hindi niya alam kung pagod o dahil sa sitwasyon niya ngayon kaya mabilis siyang hinila ng antok.
Akala ni Eliza ay panaginip lamang na tila may nagmamasid sa kaniyang pagtulog. Pero napabalikwas siya nang mamulatan si Troy na nakatayo halos isang dipa lamang ang layo nito at nakatitig sa kaniya.
"What the-" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang bigla siya nitong sungaban at tila isang papel na itinayo palapat sa dingding ng silid.
Binalot ng takot ang kaniyang pagkatao nang maamoy ang masangsang na alak sa hininga ni Troy.
"T-troy-" sambit niya. Tila isang demonyo ang tingin niya rito na sa ano mang oras ay hihilahin siya sa impyerno.
"Yes baby," anito na sinimulan siyang halikan sa leeg.
"N-no," aniyang pinilit kumawala rito.
"Bakit? Mayroon na bang ibang gumagawa nito? Hmmm?" Kumislap ang galit sa mga mata nito nang sabihin iyon.
"Say that you need me baby, just like before," tila wala na sa sariling sambit nito habang itinuloy ang ginagawa.
Mabilis ang mga kamay nitong humahaplos sa iba't ibang bahagi ng kaniyang katawan. Ilang sandali pa ay hubad na siya. Wala siyang magawa, malakas at higit na malaki ang katawan ni Troy sa kaniya. Oo, pinapangarap niya ang ganitong tagpo sa kanila ni Troy pero hindi sa ganitong pagkakataon. Pero ganoon pa man ay naaantig rin ang kaniyang pakiramdam sa patuloy na pagromansa ni Troy sa kaniya.
Napa-igik siya nang hablutin ni Troy ang huling saplot niya. Hawak nito ang dalawa niyang kamay sa kaniyang ulunan kaya para siyang pinupwersa pero ang totoo gusto rin naman niya ang ginagawa nito.
"Ahh..." Daing niya nang biglaang pasukin ni Troy ang kaniyang p********e. Masakit iyon dahil hindi pa siya handa. Paulit ulit na naglabas pasok si Troy sa kaniyang lagusan kahit na dumadaing siya sa sakit.
Wala siyang magawa kung hindi ang mapaluha na lamang. Nang sa wakas ay natapos din ito at saka na lang siya iniwan na wala kahit ni isang salita.
Tulo ang luhang hinagilap niya ang mga damit. Ganoon ba kalaki ng kasalanan niya para parusahan siya ng ganito?
Nakatulugan na niya ang pag-iyak. Nagising na lamang siya sa malakas na katok sa pinto. Bakit pa kailangan nitong kumatok? Kagabi nga, basta na lamang itong pumasok nang walang pahintulot, aniya sa isip habang mabigat ang katawang bumangon mula sa maliit na kamang iyon.
"Come on! Get ready, we're leaving in five minutes. Mahuhuli na tayo sa flight!" Masungit na sabi nito. At kahit na hindi niya ito nakikita ay alam niyang madilim ang mukha nito.
Kumaripas siya sa pag-aayos ng sarili sa narinig. Nakakita siya ng pagkakataon para makatakas rito.
Wala pang limang minuto ay lumabas na siya. Nasa sala ito at halatang hinihintay siya. Nang makita siya nito ay mabilis itong tumayo at dumiretso sa pinto. Nakita niyang inilapat nito ang daliri sa maliit na aparatong naroon at kusang na-unlock ang pinto. Napa-ismid siya. Kaya naman pala hindi niya ito mabuksan kagabi.
Mabilis ang mga pangyayari, hindi man lamang siya nagkaroon ng pagkakataong lumusot sa mga bantay nila. Lima ang kasamang bodyguard ni Troy at halos apat sa mga ito naka-concentrate sa pagbabantay sa kaniya.
Nang papasok na sila sa Airport ay ini-abot ng isa sa mga bodyguards ang kaniyang mga dokumento. Bagong passport iyon, pero hindi Arguella ang kaniyang apilyedo kung hindi Monteverde na. Eliza Monteverde, hindi niya alam kung matatawa o mabubwisit sa kaniyang bagong apilyedo. Kahit kailan ay hindi niya pinangarap na dalhin ang apilyedo ni Mauricio Monteverde. Pero mas lalong nalukot ang mukha niya nang maalalang kasal nga pala siya kay Troy. Sa dami ng pera nito at lawak ng koneksyon ay hindi imposibleng mapalitan nito ang kaniyang apilyedo.
Hindi niya alam na sa paglapag ng sinasakyang eroplano sa Pilipinas ay dito na magsisimula ang kalbaryo at impiyerno sa kaniyang buhay.