"Hey honey!" Malakas at malanding salubong ni Alegra kay Troy pagkababa pa lamang nito sa sasakyan? Ano'ng ginagawa ng babaeng ito dito? Tanong niya, sinarili na lamang iyon. Ano nga naman ba ang karapatan niya? Nagapakasal lamang sila ni Troy dahil ginamit siya nito para hindi ipagkasundo ng kaniyang mama sa babaeng hindi niya gusto. At pumayag lamang siya para mapadali ang kaniyang plano. Alam niyang pinili lamang siya ni Troy dahil she fits to be his girlfriend at dahil convenient para rito kung sakaling gustuhin man nito ng annulment afterwards.
Makikipagbalikan rin pala siya sa babaeng ito, bakit kailangan pang i-uwi siya rito? Puwede naman siyang pumirma ng annulment kahit nasa Amerika siya, muling himutok ng butse niya.
Dumiretso siya sa sarili niyang kuwarto. Ang kuwartong ipinagamit ni Troy sa kaniya noong una. Nagkulong lamang siya at walang balak makita ang mga ito. Pero tila sinasadyang sa pasilyo pa ang mga ito naglalampungan malapit sa kaniyang silid.
"F*ck!" Bulalas niya at tinakpan ng unan ang kaniyang tainga.
Bandang hapon ay nakaramdam siya ng gutom, pababa na sana siya nang makarinig ng mahihinang ungol sa silid ni Troy. Bahagyang naka awang ang pinto nito kaya kitang kita niya ang dalawa, si Troy na nakahiga sa kama at si Alegra na naka-ibabaw dito at walang saplot habang panay ang ungol.
Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang kaniyang luha, bakit napakasakit? Oo, tanggap naman niyang hindi sila para sa isa' t isa pero iba pala kapag nakita mo siya sa kandungan ng iba. Parang tinutusok ang matalas na punyal ang kaniyang puso. Halos hindi siya makahinga sa sobrang paninikip ng dibdib.
Bumalik siya sa kaniyang silid at muling nagkulong. Hindi niya alintana ang gutom. Halos magdamag siyang nag-iiyak hangga't wala nang luha ang gustong pumatak sa mga mata niya.
Nakarinig siya ng mahihinang katok mula sa pinto.
Hindi siya sumagot. Nagkunwari siyang tulog.
Bumukas iyon.
"I know you're awake. Listen, huwag na huwag mong susubukang tumakas dahil kahit saan ka pumunta ay mahahanap kita," may diing sabi nito. Hindi siya tuminag.
"Hindi ko na iisa-isahin ang mga kasalanan mo but you have to pay for it! Hindi mo alam kung gaano kalaking perwisyo ang ginawa mo," anitong tila napipikon na sa hindi niya pagharap dito.
"Sukdulang ikulong kita ay gagawin ko para mapagbayaran mo ang ginawa mo!" Sabi nito bago muling isinara ng malakas ang pinto.
Hindi niya ito pinansin. Wala rin naman siyang balak tumakas. Para saan pa? Para kanino? Wala namang naghihintay sa kaniya. Maging ang kaniyang Ina ay tila wala na nga ring panahon sa kaniya.
Bumaling siya sa may pinto. Napaisip.
Hindi pa rin talaga maalis sa isip niya ang nangyari kagabi. Bakit kailangang makita pa niya ang mga ganoong bagay?
Galit siya. Galit siya sa sarili dahil hinahayaan niyang gawin sa kaniya iyon ng mga taong wala namang ambag sa buhay niya. Dapat hindi siya nasasaktan, hindi ba't matapang siya? Hindi ba matigas siya? Bakit nawawala ang mga katangiang iyon pagdating kay Troy? Bakit nagiging tanga siya at sunod sunuran dito? Bakit masakit sa puso niya na makitang nasa kandungan ito ng iba?
Hindi kaya mahal niya si Troy?
Natigilan siya.
Umiibig na nga ba siya kay Troy? Matagal siyang napa-isip.
Hindi nga ba? Sa huli ay inamin din niya sa sarili. Kung Pag-ibig ngang matatawag iyon ay wala siyang magagawa. Mahal niya ang taong dapat sana ay kinamumuhian niya. Ang taong umagaw sa atensyon ng kaniyang ama na kahit kailan ay hindi niya naranasang mapasakaniya dahil itinanggi siya nito hanggang sa huling pagkakataon. Nagmukha siyang hindi katanggap tanggap bilang isang anak. Ano ba ang ginawa niyang mali? Gusto lamang niyang magkaroon ng pamilya. Ng isang ama.
Para siyang nginangatngat ng iba't-ibang emosyon. Galit. Selos. Lungkot. Inggit. Lahat na yata ng negatibong dapat maramdaman at nararamdaman na niya. She is suffering, emotionally and mentally. At ang mahirap dito ay siya lamang ang nakakaalam.
Habang nag-eenjoy si Troy sa kandungan ni Alegra na talagang sadya namang ipinapakita pa sa kaniya ay unti-unti siyang nauubos. Unti-unting nawala ang Eliza na dating maganda at matalino at puno ng kumpyansa sa sarili. She also develops anxiety. Hindi siya nakakatulog sa gabi at hindi rin makakain nang maayos.
Para siyang isang bilanggo sa mansyon ni Troy. Puno ng bantay at hindi siya maaaring lumabas. Wala na rin siyang lakas ng loob na tumakas pa dahil alam niyang kahit saan siya pumunta ay hahanapin siya nito. Alam niyang pinagbabayad talaga siya ni Troy sa ginawa niya kahit hindi nito iyon sabihin.
"Hoy Eliza! Tulungan mo nga si manang sa kusina, wala ka namang ginagawa! Para magkaroon ka naman ng silbi!" Isang umaga ay utos sa kaniya ni Alegra. Ilag ito sa kaniya mula nang dumating siya. Kaya nagulat siya nang bigla na lamang itong sumulpot sa pinto ng kuwarto niya.
"H-ha?" Aniyang nagulat.
"Ha? Huwag ka nang mag-inarte d'yan! Bilisan mo na! May darating akong bisita!" Pabulyaw na sabi nito sa kaniya saka tumalikod.
Hindi maganda ang pakiramdam niya. Dahil na rin siguro sa isang buwang mahigit na siyang nakakulong sa mansyon at walang sapat na exercise. Siguro ay kailangan niyang pagpawisan kahit papano. Sa isiping iyon ay pinilit niyang bumaba at tinungo ang kusina.
"Naku ma'am bakit kayo nandito?" Tila nataranta ang kasambahay nang makita siyang bumungad sa pinto.
"Naiinip kasi ako Manang, tulungan na lang kita," aniyang nagsimulang hugasan ang mga gulay na nakalagay sa lababo.
"Naku baka pagalitan ako ni Sir, kabilinbilinan niyang huwag kayong pabayaan," tila natatakot nitong tugon.
"Ha?" Nagtaka siya sa sinabi nito. Wala ba itong alam sa nangyayari sa bahay na ito?
"A-ano'ng ibig n'yong sabihin manang?" Tanong niya rito.
Tumingin ito sa kaniya at lumingon muna sa pinto bago nagsalita.
"Eh ma'am, ang sabi ni Sir ayun na nga, huwag kayong pabayaan. Pero hetong Alegra na 'to, sabi n'ya hinihintay na lang daw ni Sir na ma-approve ang annulment n'yo. Kaya raw kayo nandito para masigurong pipirma kayo sa annulment papers at pagkatapos ay magpapakasal na sila," mahaba nitong kuwento na halos pabulong pa. Alam na niya iyon, ikinukulong siya bilang parusa sa nagawa niya.
"Wala si Sir nasa business trip, kaaalis lang kaninang umaga," pagbibigay alam pa nito.
Tumango tango lamang siya habang patuloy sa ginagawa.
Kanina pa siya roon, natapos na siya sa paghihiwa sa mga gulay na gagamitin ni Manang sa pagluluto. Nakaramdam siya ng ngawit sa kaniyang binti kaya nagpasya siyang umupo muna sa silyang naroon.
"Sabi ko na sa'yo huwag ka nang tumulong dito. Kayang kaya ko na ito," si manang, bakas ang pag-aalala sa mukha.
Kumuha ito ng tubig at inabot sa kaniya. Tamang tama namang bumungad sa pintuan ng kusina si Alegra. Naningkit ang mga mata nito nang makitang pinagsisilbihan siya ng kasambahay.
"Hoy Eliza! Hindi ka amo rito para magpasilbi!" Bulyaw nito sa kaniya sabay dakot sa buhok niya.
"Alegra! Ano'ng ginagawa mo?" Nataranta si Eliza. Hindi niya inaasahang gagawin nito iyon. Kanina pa masama ang pakiramdam niya kaya wala siyang lakas para kumawala rito. Hinila siya ng ilang dipa saka binitiwang bigla kaya bumagsak siya sa malamig na sahig ng kusina.
Nahawakan niya ang tiyan nang biglang gumuhit ang matinding sakit doon. Tinulungan siyang tumayo ng kasambahay ngunit katatayo pa lamang niya ay muli na naman siyang nabuwal dahil nagdilim na ang kaniyang paningin kasabay ng pag-agos ng dugo sa kaniyang mga hita.
"What happened?" Mabilis na lumapit si Troy sa kinaroroonan ni Eliza. Kitang kita niya ang pagbuwal nito kasama si Manang habang naroong nakamasid lamang si Alegra na tila natutuwa pa.
"H-ha? Honey, ano'ng ginagawa mo rito? Hindi ba't nasa business trip ka?" Sinalubong niya ito para halikan pero bahagya siya nitong itinulak at dumiretso para damayan ang dalawa.
"Manang, sabihin mo sa driver ihanda ang sasakyan ngayon na!" Maawtoridad na utos nito sa kasambahay.
Tila isang papel na binuhat niya si Eliza para isunod sa kotse.
"Get out of my way!" Malakas na bulyaw nito kay Alegra nang sumusunod pa rin ito sa kaniya at bahagyang nasasagi nito ang walang malay na si Eliza.
Nagulat si Troy sa sobrang gaan ni Eliza. Para lamang siyang bumubuhat ng isang laruan. Kita niya ang pamumutla sa magandang mukha ng dalaga.
"Sa hospital!" Utos niya sa tauhan. Mabilis namang tumalima ang driver. Pinaandar nito ang sasakyan at halos liparin ang pinakamalapit na hospital. Dalawang convoy din ng kaniyang mga bodyguards ang sumunod para i-clear ang lane na dadaanan ng sasakyan nila para iwas traffic sa daan.
Ilang minuto lamang ay tanaw na nila ang hospital. Naghihintay na rin ang strecher sa labas dahil nauna na ang ilang mga tauhan niya roon. Nasa kandungan pa rin niya si Eliza kaya siya na ang bumuhat para ihiga ito sa strecher. Mabilis ang mga doctor, ipinasok agad ang dalaga sa emergency room kaya naiwan siyang bakas ang sobrang pag-aalala sa dalaga.
"S-sir," tawag pansin ng isa niyang tauhan habang iniabot nito ang isang pantalon sa kaniya.
"Ha?" Nagtaka siya. Napansin niyang naka-shorts na lamang ito.
"Sir, punong puno ng dugo ang pantalon ninyo," anito.
"Oh God!" Lalo siyang natakot, wala sa kaniya kahit gaano pa karaming dugo ang mabahid sa damit niya basta hindi galing kay Eliza.
Inabot niya ang pantalon at pumunta sa toilet para palitan ang pantalon niyang naging pula na dahil sa dugo mula kay Eliza.
Nahilamos niya ang palad sa kaniyang mukha nang isang oras na ay hindi pa rin lumalabas ang doctor na tumingin kay Eliza. Bawat galaw ng orasan ay tila punyal na tumatarak sa puso ni Troy. Sinisisi ang sarili sa nangyari. Kung hindi dahil sa kaniya ay wala sa ganitong kalagayan si Eliza. Napaka makasarili niya.
"Mr. Monteverde," sa wakas ay tawag sa kaniya ng doctor.
"Doctor kumusta ang as- s-si Eliza?" Nauutal pa niyang tanong dito. Hindi niya alam kung paano i-aadress ang dalaga.
"Mr. Monteverde, mabuti at nadala n'yo siya ng maaga rito. Dahil kung hindi ay baka naubusan na siya ng dugo. Baka tuluyang nawala si baby kung nagkataon. Mabuti na lamang at makapit s'ya. Pero ganon pa-"
"What? She is pregnant?" Putol niya sa sasabihin pa sana ng doctor.
"Yes, 5 weeks kaya napakaselan ng kalagayan niya. Malnourished din s'ya kaya reresetahan ko siya ng mga vitamins na kailangan niya." Anito.
"Tinurukan ko siya ng pampakapit kay baby, kailangan niya ng pahinga. Kung maaari ay bed rest dahil napakaselan ng pagbubuntis niya lalo at hindi stable ang kalusugan niya," patuloy nito pero tila hindi na nakikinig si Troy.
Buntis ito at alam niyang siya ang ama! What have you done Troy! Aniya sa sarili. Muntik na niyang mapatay ang mag-ina niya!
"Heto," inabot sa kaniya ng doctor ang isang papel pero tila wala na siya sa sarili kaya ang isa niyang bodyguard ang kumuha niyon.
Kanina pa nagpaalam ang doctor sa kaniya ngunit tulala pa rin siya. Maya maya pa ay nagpasya siyang puntahan ito sa silid na naitalaga para rito. Tulog pa rin si Eliza, may kung ano anong naka-kabit na aparato rito. Maputlang maputla ito at noon lamang niya napansin na nanlalalim ang mga mata nito.
"D*mn!" Naikuyom niya ang kamao. Ano itong ginawa niya?
Masuyo niyang hinaplos ang buhok ni Eliza. Hindi siya umalis sa tabi nito.
Hawak pa rin niya ang kamay ni Eliza nang maramdamang gumalaw iyon. Mabilis siyang umupo sa tabi nito.
Pero nang dumilat ito ay mapait na ngiti ang sumilay sa namumutla pa rin nitong mga labi.
"Siguro naman bayad na ako," mahina ngunit puno ng sakit na sabi nito.
"Pagkatapos nito puwede na akong lumaya? Huwag kang mag-alala pipirmahan ko agad ang annulment papers," patuloy niya kahit bahagya siyang hiningal sa pagsasalita.
"What annulment? Ano'ng pinagsasabi mo? Come on, magpahinga ka muna. Kailangan mo ng lakas," matiyagang paliwanang ng binata rito.
"Sabi ni Alegra-" si Eliza, halatang ayaw paawat.
"Shhhh, take rest. Saka ko na ipapaliwanag sa'yo ang lahat," sabi ng binata habang hinaplos nang bahagya ang mukha nito.
"Makakasama kay baby kapag napagod ka," wala sa loob na tinuran si Troy.
"What?" Tila gimbal naman ang dalaga sa narinig.
"Don't worry, hindi ko kayo pababayaan, just take rest for now," pagtataboy niya rito para matulog. Hindi naman lumipas ang mahabang oras ay nakatulog muli si Eliza kahit maraming katanungan ang gusto niyang maliwanagan.
Napapitlag si Troy nang malakas na tunog ng kaniyang cellphone at bumasag sa katahimikan ng silid.
"Dad," sagot niya nang pindutin ang answer button nito.
"Ano'ng nangyari? Bungad nito sa kaniya. Alam niyang umabot na sa mga ito a nangyari sa bahay niya.
"Dad, muntik nang makunan si Eliza and it' s my mistake," Aniyang bakas ang guilt sa tinig.
"Troy, do whatever you think is right. Gawin mo ang tama," paalala ng ama rito bago ibaba ang telepono.