"You almost killed her!" galit na tinig ng isang babae ang naulinigan niya nang magising. Hindi man niya imulat ang mga mata ay alam niyang narito sa kaniyang silid ang mga magulang ni Troy base sa kaniyang mga naririnig. Nagkunwari siyang tulog habang nakikinig sa pag-uusap ng mga ito.
"Hindi ko sinasadya," anitong puno ng pagsisisi ang tinig.
"God! More than a month na pala s'ya sa bahay mo! And you never allow her to go out?" Tinig ni Donya Elena.
"Look, I don't know how to bring her back! Hindi ko alam kung paano ko s'ya ilalapit sa akin knowing that she hated me since she was a child," desperadong tugon ni Troy sa ina.
"Ito na ang karma ng daddy mo, kung hindi ba naman loko loko na patulan ang sekretarya n'ya? Ayun! Muntik nang ipa-ako ang anak ng may anak!" Ang Donya muli.
Napakislot si Eliza sa narinig. Totoo ba ang narinig niya? Hindi siya anak ni Mauricio Monteverde? Paanong nagawa ito ng kaniyang ina sa kaniya? Hinayaan siyang lumaki sa maling paniniwala?
Nabaling sa kaniya ang atensyon ng mga ito.
"Eliza? Honey, are you okay?" Si Troy na nagmadaling lumapit sa kaniya. Dumilat siya. Hindi nga siya nagkamali, narito ang mga magulang ni Troy.
Tumingin siya sa mga ito na blangko ang expresyon sa mukha, kuwari ay wala siyang alam.
"Baby nagugutom ka ba? Ipinagluto ka ni Manang," si Troy habang hindi alam ang gagawin kung ihahanda ba ang pagkaing dala ng kaniyang mga magulang o ibabangon si Eliza.
"Maaari bang iwan n' yo muna kami," hindi pakiusap kung hindi utos ni Don Mauricio sa asawa't anak. Halata ang awtoridad sa tono ng pananalita nito.
Mabilis namang tumalima ang dalawa, ngunit bago lumabas si Troy ay mabilis siyang kinintaan nito ng halik sa noo.
"Eliza," simula ng Don nang mapag-isa na sila.
"Hindi ko alam kung bakit hinayaan ng Mommy mong lumaki ka sa paniniwalang ako ang iyong ama," sabi nito ng napapa-iling.
"A-anong ibig n'yong sabihin?" Kunwari ay takang tanong ni Eliza. Ang totoo n'yan ay kanina pa niya iniisip kung paano siya magre-react sa sasabihin nito. Sobrang napahiya siya, ikaw ba naman ang gumanti sa mga taong wala naman palang kasalanan sa'yo?
"Hindi ako ang tunay mong ama. You were six nang matuklasan ko iyon," kuwento nito.
"Ipina-DNA test kita at nalaman kong hindi ako ang ama mo, galit na galit ako noon dahil niloko ako ng Mommy mo. Alam niyang sabik ako sa anak kaya nang hindi ko siya mabuntis ay nagpabuntis siya sa iba at sinabing sa akin ang bata," patuloy nito.
"Naiintindihan ko ang galit mo, hindi mo kasalanan kung all these years ay kinamumuhian mo ako at ang pamilya ko, may kasalanan din ako, naduwag akong harapin ka noong maghiwalay kami ng Mommy mo." Sabi pa nito.
Hindi maiwasan ni Eliza ang maluha. Hindi niya alam kung dahil sa hiya o dahil gumaan nang husto ang kaniyang dibdib. Tila naglaho sa isang iglap ang poot, galit, at mga hinanakit sa puso niya.
"It's my fault," si Don Mauricio muli.
Sapat na ang mga luhang iyon para magka-unawaan sila ng matandang Don. Lumapit ito sa kaniya at hinaplos ang kaniyang likod. Hindi niya mapigilang yumakap dito.
"Shhh, everything will be alright," anitong tila nang-aalo ng isang bata.
"I think mas maraming aayusin si Troy kaysa sa akin," pabirong sabi ng Don nang kumalas siya sa pagkakayakap dito.
"That bastard!" Aniya nang maalala ito.
"Alright, mukhang mas kailangan ninyong mag-usap?" Amito.
"Remember, pamilya pa rin tayo dahil kasal ka kay Troy. Don't worry, magiging Daddy mo pa rin ako," sabi pa nito.
Natawa na lamang siya. Napakasarap pala sa pakiramdam nang walang kinikimkim na galit. Tumangotango lamang siya bilang tugon. Ilang araw rin siyang nanatili sa hospital at sa mga panahong ito ay hindi umalis si Troy sa kaniyang tabi.
Halos araw-araw ang paliwanag nito tungkol kay Alegra na naroon lamang ito para pagselosin siya.
"I don't know how to hold you back, masyado kang independent at wala akong rason to hold you back, ginamit ko lamang ang kasal natin at ang eskandalong ginawa mo para manatili ka sa akin," nahihiyang amin nito. Noong una ay hindi siya naniniwala rito pero habang tumatagal ay nakikita niya ang senseridad nito. Nakita niya ang Troy na dating nakilala at nakasama niya. The caring ang sweet side of him. Para siyang isang prisesa kung alagaan at pagsilbihan nito. Pansamantalang iniwan nito ang trabaho, tumatanggap lamang ito ng mga tawag kung talagang urgent.
"Ang kasal natin," anito minsang mapag-isa sila.
"What-?" Si Eliza na napatingin dito.
"I know there are no feelings involved, but that was before. ELiza, I love you," sabi nitong seryosong nakatingin sa kaniya.
"Maybe I am just afraid to admit it, nasanay lang siguro akong ako ang hinhabol ng mga babae and they confess on me," dagdag pa nitong nakangisi.
"Wow! Mr. Monteverde, so utang na loob ko pa na ikaw ang unang nag-confess ng nararamdaman mo?" Taas kilay niyang tugon pero nakangiti.
"Yes, and this time, you love me r not you stay!" Kuwa'y maawtoridad nitong tugon.
"Well, I love you too!" Sabi niyang ngumisi rin.
"Really?" Namilog ang mga mata nitong napatitig sa kaniya.
"Yesssssss!" Hindi mapigilang sigaw nito at yumakap sa kaniya. Biglang bumukas ang pinto at pumasok doon ang isang humahangos na nurse.
"M-may problema po ba?" Nag-aalalang tanong nito ngunit natigilan nang makita silang magkayakap.
"S-sorry," sabi na lamang nito bago tuluyang lumabas.
"See, you're making a scene here. Mabuti pa umuwi na tayo," si Eliza habang natatawang kumalas sa pagkakayakap dito.
"Hindi na kita hahayaang laumayo pa," paniniguro nito.
"Hindi ko na ring hahayaaang may lumapit sa'yong iba," tugon niya.
"Welcome home ma'am Eliza," tuwang salubong sa kanila ni Manang. Maging ito ay excited din sa pagbubuntis niya. Sino ba naman ang mag-aakalang ang pinakapangit na namagitan sa kanila ni Troy ay s'yang magbubunga.
Maging siya ay hindi alam kuna matutuwa o matatakot sa kaniyang pagdadalang tao.
"Salamat Manang," tugon niya. Hindi na siya tumanggi nang alalayan siya nito papunta sa sofa.
"Naku ma'am, sabihin mo lang kung ano ang gusto mong kainin at ipagluluto kita," sabi nito.
"Salamat Manang pero wala pa naman akong nararamdamang paglilihi," nahihiyang tugon niya.
Tumingin siya sa paligid para siguraduhing wala na roon si Alegra. Napansin naman iyon ng kasambahay kaya agad itong sumagot. "Wala na si ma'am Alegra. Pinalayas na s'ya ni Sir," sabi nito.
Hindi pa siya nakakasagot ay tumunog ang door bell kaya agad nitong tinungo ang pinto at binuksan iyon. Nasa labas lamang ang mga tauhan ni Troy pero mukhang abala yata ang mga ito dahil mula pa kaninang dumating sila ay dumiretso na iton nraukli sa bandang g mansion, naroon ang isang rest house, doon niya ginagawa ang meeting para sa mga tauhan.
"Beeeessshy!" Malakas na tili ang bumungad sa pinto. Bahagya pang natakpan ni manang ang kaniyang tainga sa tinis ng boses ni Jelay.
"Wow! Anghina, puwedeng lakasan mo pa?" May halong biro na sermon niya rito.
"Nasaan 'yang Troy na 'yan?" Kunwa'y galit na pumasok siya sa mansyon.
"Busy," aniyang tumayo at sinalubong ito ng yakap.
"Ang hay*p na 'yan, may balak lang palang ikulong ka at muntik nang mamatay sa lungga n'ya, may pabanta banta pa! Eh kung buhay n'ya kaya ang sirain ko ngayon?" Sabi nitong may halong inis.
"Okay na, awat na." Natatawa niyang tugon.
"'Yun lang? Gano'n lang okay na? Ano na namang klaseng gayuma ang ipinakain sa'yo ng Troy na yan ha?" Nakataas ang kilay nitong tanong.
"Mahabang kuwento," tugon niyang bumuntong hininga. Alam niyang hindi siya nito titigilan hanggat hindi nalalaman ang buong kuwento.
Kahit na medyo hinihingal ay ikinuwento niya rito ang mga nangyari.
"Oh, so all these years si Tita Melissa pala ang may kasalanan?" Naiiling nitong tugon.
"Hindi naman siguro niya sinasadya, hindi rin naman niya alam na may galit ako sa mga Monteverde, at isa pa, hindi rin naman ako open sa kaniya sa mga nararamdaman ko kahit sa mga stupid plan ko eh wala rin siyang alam," aniya.
"Hay! Sa wakas inamin mo ring stupid yang mga pinag-gagawa mo? Eh paano kung minalas malas ka? Baka pinaglalamayan ka na ngayon?" Sermon nito.
"Awat na," sabi niyang itinaas ang dalawang kamay. Alam niyang hindi siya mananalo sa ganitong diskusyon sa kaibigan.
"Eh kumusta naman kayo ng Aron mo?" Tukso niya rito. Noong huli kasi silang nag-usap nito ay hindi maawat ang pagbibida nito tungkol sa kaniyang 'prince charming'.
"Huwag na nating pag-usapan, masisira lang ang araw ko," anitong bahagyang sumimangot.
"Oh, ano'ng nagyari? Akala ko ba siya na ang buhay mo? Na hindi ka na mabubuhay nang wala s'ya?" Takang tanong niya.
"Halos itakwil na ako ng mga Buenavista, akala mo napakalaki ng kasalanan nung tao sa kanila," malungkot na saad nito.
"Anyway, nandito ako hindi para pag-usapan ang buhay ko," anitong muling pinasigla ang boses.
"Nasaan na ba 'yang Troy na 'yan at nag mabigyan kahit isang bigwas lang sa ginawa sa'yo ng kumag na 'yan!" Muling inikot nito ang paningin sa palaigid.
"Pero beshy, okay na ba kayo ng Daddy mo?" Curious na tanong nito.
"Hindi ko s'ya tunay na Daddy, hindi ko rin maintindihan si Mama kung bakit hinayaan akong lumaki sa maling paniniwala.
"Oh, eh bakit alam ba niya na may grudge ka against d'yan sa mga Monteverde?" Balik tanong nito sa kaniya.
"Naku ha Eliza, free yourself beshy," seryoso ito.
"Maiksi lang ang buhay, huwag mong sayangin sa galit at paghihiganti 'yang energy mo. Enjoy life," payo nito na ikinatawan naman 'nya.
"Oo na, heto nga oh nandito pa rin ako sa bahay ni Troy. Tingin mo ano'ng ginagawa ko rito?" Sabi niya.
"Beshy magiging lola ka na," excited na balita niya rito.
"What? Seriously! Oh God! Salamat po Lord, binigyan n'yo pa rin ng matris ang beshy ko!" Sabi nitong pinaglapat pa ang mga palad sa ilalim ng baba nito.
"Ang O-A ng ale," irap niya.
Marami pa silang pinagkuwentuhan ng bestfriend na si Jelay. Sinadya talaga siya nito kahit na medyo may kalayuan sa Maynila ang bahay ni Troy. Alam niyang kahit nasaan siya ay pupuntahan at pupuntahan pa in siya ng kaibigan. Ito lamang ang tanging karamay at tagapayo niya noong nasa madilim na bagahagi siya ng buhay niya. Alam niyang may pinagdadaanan ang kaibigan ngayon, kahit pa pilit nitong itago ay kilala niya ito. Hindi pa siguro ito handang ibahagi sa kaniya iyon kaya hinayaan muna niya ito. But she assured her that anything happen ay naroon lamang siya para rito.
Mahigpit siya nitong niyakap nang magpaalam ito.
"Ingat ka beshy, ang apo ko ingatan mo," biro nito na ikinatawa rin ni Troy sa tabi niya.
"Hoy Monteverde! Mabalitaan ko lang na kinakawawa mo itong beshy ko, ako mismo ang makakalaban mo!" Pabirong banta niya rito na lalo naman ikinatawa nito.
"Copy that Miss Buenavista!" Tugon ni Troy na sumaludo pa kay Jelay.
"Hmm, sige na babye na," si Jelay habang sumakay na sa kotse nito. Mabilis naman itong ipinagbukas ng gate ng mga tauhan ni Troy.
"Let's go," yakag sa kaniya ni Troy nang mawala sa paningin nila ang kotse ni Jelay.
Mabilis naman siyang tumalima nang alalayan siya nitong maglakad. Malakas naman siya, pero madalas siyang mahilo kaya bedrest ang payo ng doctor sa kaniya.
Dumiretso sila sa masters bedroom ng mansyon. Ngayon lamang niya napasok ang silid na ito, nasa ikatlong palapag kaya gumamit sila ng elevator. Noon kasing bagong kasal sila ni Troy ay wala siyang interest na alamin ang bawat sulok ng bahay na ito dahil alam naman niyang pansamantala lamang siya rito.
"Wow!" Hindi mapigilang bulalas niya nang buksan ni Troy ang pinto. Para iyong silid ng isang prinsesa, malaki ang tila napakalambot na kama. May sariling veranda na may pandalawahang coffee table sa bandang dulo. De-remote ang mga kurtina maging ang ilaw nito. May maluwang na walk-in closet at napakaluwang din na banyo. Halos kasinglawak lang yata ng banyo nito ang kaniyang apartment.
"Syempre, magkasama na tayo rito," pilyong sabi ni Troy sa kaniya habang inakbayan siya nito at bahagyang pinisil ang balikat niya.
"Akala ko pagsosolohin mo na naman ako eh," irap niya nang maalala ang unang araw niya rito.