"Congratulations!" Masiglang bati sa kanila ng mga bisita. Katatapos lamang ng kasal nila ni Troy, sa pagkakataong ito ay bukas na ito sa kaalaman ng marami. Imbitado na rin ang lahat ng kani-kanilang pamilya ngunit iilang miyebro lamang ng media ang pinayagan nilang kumuha ng mga larawan. Tanging ang kaniyang ina at ang kapatid nitong nagpalaki sa kaniya ang kamag-anak niyang naroon.
"Eliza, dumalaw ka naman sa bahay kapag may libreng oras ka pagkatapos mong manganak," ang kaniyang Tiya. Mula kasi nang maka-graduate at nagtrabaho siya ay hindi na siya naka-uwi pa sa probinsya ng mga ito.
"Opo Tiya, pasensya na kayo at hindi na ako naka-uwi sa atin," nahihiya niyang tugon sa tiyahin. Mababait ang mga ito sa kaniya kahit ang tiyuhin niya na asawa nito. Kahit na nagkaroon na ang mga ito ng sariling anak noong nasa high school siya ay hindi nagbago ang trato ng mga ito sa kaniya na parang tunay na anak. Naging abala lamang siya sa mga planong kung iisipin niya ngayon ay napaka hangal.
"Naku! Ayos lang, nauunawaan ka namin iha. Alam naman naming abala ka rin." Nakangiting saad nito.
"Pangako, ang unang bakasyon ni baby ay sa bayang kinalakhan ng kaniyang mommy," aniyang hinaplos ang maumbok na tiyan.
"Siya, at sabik na ring makita ng tiyo mo ang unang magiging apo," tugon nito.
Nang mapag-isa ay nilapitan siya ng kaniyang ina. Nakapag-usap na sila nito tungkol sa tunay niyang ama, ayon dito at isang turista noon ang kaniyang ama at nakilala lamang ito ng ina sa isang company outing sa Batangas. Parang one night stand lamang ang nangyari dahil nga hindi na nagkita ang mga ito pagkatapos. Hindi na rin ito hinanap ng kaniyang ina dahil may relasyon pa rin ito kay Don Mauricio Monteverde. Hanggang sa malaman nitong buntis siya. Noong una ay inakala nitong si Don Mauricio ang ama ng dinadala pero nang ipanganak siya ay nagduda ang Don. Anim na taong gulang na siya nang magpa-DNA test ang Don at doon nasigurong hindi niya anak si Eliza.
Nag-away ang dalawa hanggang mauwi sa paghihiwalay.
Ang pag-abandona sa kanila ng ama nang walang malinaw na dahilan ang tanging natanim sa isip niya. Hindi niya alam ang kuwento sa likod ng mga pangyayari.
"Again, I'm sorry anak. Hindi ko sinasadya ang mga nangyari. Ayaw kong maging masamang ina sa paningin mo kaya ko nagawa iyon," ang kaniyang ina habang niyayakap siya.
"Ma, ang importante ay nakapagsimula na tayo sa tamang landas, naitama na ang mga mali," aniyang gumanti rin ng yakap sa ina. Hindi pa naman huli ang lahat para mabuhay sa tama. Lumaki man siya sa maling paniniwala.
Bahagya nang maumbok ang kaniyang tiyan kaya hindi pumayag ang mga Monteverde na hindi ulitin at isapubliko ang selebrasyon ng kanilang kasal. Nagpapasalamat rin siya dahil bukas-palad siyang tinanggap ng Donya kahit malaki ang kasalanan ng kaniyang ina rito. At ngayon nga ay tila nagkapatawaran na rin ang mga ito.
"Beshy! Congratulations ulit, sana all pinapakasalan nang paulit-ulit," biro nito nang lapitan siya.
"Hmn, Huwag kang mainip, darating din ang para sa'yo," aniyang nakatingin kay Troy na abala sa ibang bisita.
"Sana nga," tugon nito.
"Beshy, hindi na ako makakasama sa reception ha? Kailangan ako ngayon sa resto, alam mo naman under observation ako ngayon ng mga kalahi kong Buenavista," pagkuwan ay malungkot na saad nito.
Naiintindihan naman niya ang kaibigan.
"Sige, mag-iingat ka. If you need anything nandito lang ako," malungkot na tugon niya rito.
"Oh, sige na. Baka magkaiyakan pa tayo," sabi nitong humalik sa kaniya at saka tinungo ang pinto ng simbahan.
Kasalukuyan pa lamang ang bati-an at picture taking kaya matapos ihatid ng tingin ang kaibigan ay bumalik na siya sa tabi ni Troy na agad namang naka-alalay sa kaniya.
Halos nadoble ang bilang ng mga bisita sa reception kaysa sa dumalo kanina sa kanilang kasal. Pero nang makita ang isang partikular na bulto ay tila nag-init ang buo niyang pagkatao at kumulo ang lahat ng likido sa katawan niya.
'Ano'ng ginagawa ng bruhang ito dito?' Bulong niya sa sarili habang naningkit ang mga mata. Mabuti na lamang at umuwi na si Jelay, baka kung hindi ay mamalasin ang bruhan ito at manghihiram ng mukha sa aso.
"Sino ang nag-imbita sa bruhang 'yan?" Tanong niya kay Troy nang lapitan ito, halos kurutin na niya ito sa sobrang gigil.
"Baby, relax. Bisita s'ya ni Mama, may niluluto silang bussness, something like that," paliwanag nito sa asawa.
"Come on, don't tell me nagseselos ka pa rin sa kaniya?" Tukso nito sa namumula pa ring si Eliza.
"I love you and I will always be," anitong hinawakan ang dalawa niyang kamay.
"Uulitin ko ba ang wedding vows ko," sabi pa habang natatawa dahil umugong na ang 'kiss' mula sa mga bisita.
Tinitigan siya ni Troy saka dahandahang inabot ang kaniyang mga labi ng labi nito. Wala na siyang nagawa kung hindi pumikit. Tumagal ng halos isang minuto ang halik, kung hindi lamang siguro dahil sa mga sigawan at palakpakan ay hindi maghihiwalay ang mga labi nilang tila laging uhaw sa isa't isa.
Bigla tuloy siyang nahiya, kung kanina ay galit ang dahilan ng kaniyang pamumula lalong nadagdagan ng iyon nang mag-blush siya.
"You're cute, ngayon lang ako nakakita ng nagba-blush na buntis," bulong nito sa tainga niya. Hindi na talaga niya napigilan ang sarili sa pang-aasar nito. Kinurot niya ito ng pinung pino sa may tagiliran.
"Baby," tawag ni Troy sa kaniya isang gabi matapos nilang ayusin ang mga pinamiling laruan sa magiging silid ng kanilang incoming princess. Babae ang magiging anak nila ayon sa ultrasound. Pitong buwan na ang tiyan niya kaya malaki na iyon. Minsan nga ay hirap na siyang gumamit ng hagdan, pakiramdam niya ay mawawalan siya ng balanse.
"Hmm?" Tugon niyang hindi ito nilingon.
"Massage?" Tanong nito, at kahit hindi niya ito tingnan ay alam niyang ibang kapilyuhan na naman ang nasa isip nito.
"Hoy mama tumigil ka," aniyang bahagyang sumulyap dito at umirap.
"Sabi ng doctor makakabuti raw kung regular na-"
"Na ano?" Putol niya sa sinasabi nito.
"Na...." Nagkamot ito ng ulo.
"Na napapaligaya ang mga buntis para iwas stress," palusot nito.
"Bakit liligaya ba ako sa masahe," aniya. Saka lang napagtanto ang sinabi nang makitang nakangisi na sa kaniya ang asawa.
"Eh di bibigyan kita ng higit pa sa masahe," tila nang-aakit na sabi ni Troy. Bahagya pang kinagat ang pang ibabang labi.
"Troy, hindi magandang biro 'yan," aniya at nagkunwaring magtatago sa makapal na kumot.
Pero umilalim din sa kabilang bahagi ng kumot si Troy. Naramdaman na lamang niya ang bahagyang pisil nito sa mga binti niya na tila ba nimamasahe iyon. Ayos na sana ang lahat pero mamaya pa ay ramdam niya ang labi nitong dumampi sa kaniyang hita.
"Huh!" Singhap niya nang bahagya nitong kagat kagatin ang makinis niyang balat. Kahit na sa ganoong kalagayan ay hindi niya maiwasang makaramdam ng pagnanasa. Ang totoo n'yan, hindi naging dahilan ang pagbubuntis niya para limitahan ang kaligayahan nila ni Troy. Wala siyang masabi kung romansa rin naman ang pag-uusapan. Pero regular ang konsulta niya sa doktor at ayon dito ay wala naman daw masama kung tuloy pa rin ang loving loving kahit sa panahon ng pagbubuntis. May mga iilan lamang siyang sinabi na dapat iwasan. Makakatulong rin daw kasi ang s*x lalo na sa emotional na aspeto ng buntis, mahalagang laging masaya at inspire ito para gumaan ang pakiramdam lalo na kung may mga morning sickness.
"Honey..." unol niya nang tuluyang ibaba ni Troy ang pang ilalim na saplot niya sa kaniyang night dress. Malambot lang ang tela niyon kaya mabilis lamang maalis.
Hinalikan ni Troy ang maumbok niyang tiyan at hinaplos haplos iyon pababa sa kaniyang puson. Bahagya nitong pinaghiwalay ang kaniyang hita at tila isang manadaragat na sumisid ng perlas sa pagitan niyon.
"Uhhhmm," Hindi mapigilang ungol niya. Nilukob ng kiliti ang buo niyang sistema, nalalasing siya sa pakiramdam na dulot ng ginagawa ni Troy. Naglilikot at dila nito sa kaniyang lagusan at parang maninigas ang buo niyang katawan sa sarap na dulot niyon.
"Troy... Ahhh," napasabunot siya sa buhok nito nang maabot iyon.
"I told you," namumungay ang mga matang sabi nito nang umibabaw sa kaniya. Hinalik halikan siya nito sa mukha.
"Baby let's do the other way," bulong nito sa kaniya habang tinutulungang bumangon.
Lumuhod siya sa malambot na kama patalikod kay Troy. Itinukod ang dalawang siko sa malalaking unan doon. Hinaplos ni Troy ang kaniyang dibbid habang hinahalikan siya sa likod. Bumaba ang kamay nito sa kaniyang tiyan na tila nakikisama naman ang baby roon dahil kanina pa ito hindi gaanong gumagalaw. Kasunod niyon ay pumwesto ang asawa sa kaniyang likuran at idinampi dampi ang matigas nitong kargada sa kaniyang pang-upo.
Nang masigurong handa na siya ay unti-unti nitong ipinasok iyon sa kaniyang lagusan na kanina pa namamasa.
"Ahhh.." daing niya. Hindi niya alam kung relieve o excitement iyon. Relieve dahil napunan na ang pagnanasang kanina pa bumabalot sa pagkatao niya o excitement dahit alam niyang simula pa lamang ito ng langit. Kung ano man ang dahilan ay wala na siyang paki-alam.
Habang tumatagal ay bumibilis ang ulos ni Troy pero may kasamang pag-iingat dahil nga sa kalagayan ng asawa.
Halos magkasabay nilang narating ang rurok, kapuwa humihingal na humiga sa kama.
"I love you," si Troy habang hinahaplos ang buhok ng asawa na naka-unan sa braso niya.
"I love you too," tugon ni Eliza habang nakatalikod na nagsusumiksik sa dibdib ng asawa.
Wala na siyang mahihiling pa. Napaka responsable at mapagmahal na asawa ni Troy. Sa kabila ng mga gusot sa pagitan nila dati ay tila bumaliktad ang lahat.
Ang dating galit at paghihiganti sa kaniyang dibdib ay napalitan ng pagmamahal at pag-ibig para rito. Lumaki man siyang dala ang galit at poot ay natagpuan niya ang pagpapapatawad sa mga taong nagkasala sa kaniya at maging sa sarili. Hindi niya hinayaang lamunin siya ng pagkakamali. Si Troy, siya ang dahilan ng lahat. Ang pagmamahal nito sa kaniya at ang pag-ibig niya rito. Pero kapuwa nila alam na ang lahat ng ito ay nagsimula sa temptasyong hindi nila kayang labanan. Ang ugnayang pisikal na naging daan para mahanap ng kanilang mga puso ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.
"Manang, si Troy ho ba naka-alis na?" Iika-ika siyang lumabas mula sa elevator.
"Opo ma'am, kanina pa," tugon ng kasambahay habang abala sa pag-aayos ng mga kurtina sa sala. Pinapalitan kasi niya ng mas maliwanag na kulay ang dating kulay krema para sa nalalapit na paglabas ni baby.
"M-ma'am?" Nataranta ito nang lingunin siya.
"Naku! Ma'am, manganganak na kayo! Sandali at tatawagan ko si Sir!" Mabilis itong tumakbo sa kinaroroonan ng telepono at nag-dial ng tila kabisado na nitong numero.
"Sir, manganganak na si ma'am!" Iyon lamang ang narinig niyang sinabi nito sa telepono saka muling ibinaba iyon.
Naninigas na ang tiyan niya. Pakiramdam niya ay para siyang nadudumi na hindi niya maintindihan.
Mabilis siya nitong dinaluhan, hinaplos ang kaniyang balakang.
"Ma'am, saan ang masakit? Kaya mo pa ba? Pabalik na si Sir," sunod sunod na sabi nito. Mas natataranta pa yata ito kaysa sa kaniya.
"Manang, ayos lang ako," natatawang tugon niya saka inayos ang upo.
Hindi naman kasi diretso ang pananakit ng tiyan niya. Ilang minuto lamang ay hinhinto na naman sa paghilab kaya hindi siya kinakabahan. Sabi ng doktor niya ay normal lamang daw ang manaka nakang pananakit kapag kabuwanan na. Hindi pa naman ngayon ang due date niya kaya kampante siya. Although sinabi ng doktor na maaaring mapaaga o ma-late ang paglabas ni baby. Two weeks pa naman bago ang due date niya.
"Eliza!" Malakas na bungad ni Troy sa pintuan pa lamang. Humahangos ito at halatang natataranta.
"What are you waiting for? Halika at dadalhin na kita sa hospital! Manang ipahanda mo ang sasakyan," hindi pa rin ito kumakalma.
"Honey, false alarm lang 'yon. Normal lang sabi ng doktor. Relax ka lang-" hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil gumuhit na naman ang sakit kaya napangiwi siya.
"Hayan! Relax ha?" Kunot-noo nitong pinangko ang nakangiwi sa sakit na asawa.
"Uhhhh!Hoooh! Honey, manganganak na yata ako," Anito sa pagitan ng paghinga nang malalim. Ito kasi ang turo ng doktor sa kaniya. Inhale-exhale lang daw kapag nagle-labor.
"Oo, kaya mag-relax ka lang," sermon nito sa kaniya.