Hindi na ako nag-inarte pa. Sumunod na lamang ako sa agos dahil ng pabor naman sa akin ang sitwasyon.
"Thank you," bulong sa akin ni Troy saka marahang pinisil ang palad ko na nanatiling hawak niya mula pa kanina.
"Alright young couple, let's get in to business," maya maya ay pag-iiba ni Mr. Magno Monteverde.
"Yeah, sure. Please have a sit," sang-ayon naman ni Troy sa matanda.
Inalalayan pa rin ako ni Troy hanggang sa pag-upo. Akala mo talaga ay totoong boyfriend, napakagaling magkunwari ng loko!
"Well, as I've said before gusto kong mag-expand sa Germany and that will make an additional demand sa mga products natin. I just want to make sure na kayang mag-supply ng kumpanya kung sakaling sisimulan ko ito next year," mahabang saad ng matanda.
Ang kumpanya ni Troy ang nagmamay-ari ng malalaking pagawaan ng furniture sa bansa. Lahat ng kanilang produkto ay eni-export sa iba't ibang bahagi ng mundo. Isa na nga rito ang Europa kung saan naroon din ang kumpanya ng kaniyang uncle Magno.
"Kung next year pa ay kakayanin, we have enough time to adjust and expand the production," maagap namang tugon ni Troy. Talagang bihasa na ito sa negosyo at walang pinalalampas na kahit maliit na oportunidad. Minsan nga ay bumibilib na ako sa kasipagan niya.
Marami pa silang napag-usapang detalye tungkol sa nalalapit na pagpapalawig ng kumpanya. Tahimik lamang kaming nakikinig ni Mrs. Monteverde. Paminsan-minsan ay nagbibigay rin ng opinyon. First time kong mahingan ng opinyon sa isang napakalaking transaction ng kumpanya. Sabagay, sekretarya lang naman ako, ano ba ang aasahan ko sa trabaho ko?
"Thank you for your time uncle! Talagang umuwi pa kayo para rito," magalang na pasalamat ni Troy sa mag-asawa. Sa wakas ay natapos rin ang meeting. Halos isang oras at kalahati rin ang itinagal noon.
"Walang anoman iho, ang totoo n'yan eh balak talaga naming magbakasyon ng auntie mo, namimiss na rin namin ang klima rito," anitong umakbay pa sa kaniyang kabiyak.
"Kung may oras kayo ay puwede kayong sumama para naman may libreng tour guide kami," biro pa nito.
"Sure uncle! Tatawagan lang kita kapag naayos ang schedule namin ng my love ko," excited namang sang-ayon ni Troy. Medyo tumaas naman ang kilay ko sa sagot niya. Aba't talagang pinaninindigan na nito ang pagkukunwari!
"Hindi ba my love!" baling niya sa akin at mabilis akong hinalikan sa pisngi! Namula ako sa ginawa niya. First kiss ko iyon! Ang walang hiyang lalaki at talagang pinagsasamantalahan ako!
"Y-yeah!" pilit ang ngiting tugon ko. Wala na ako sa lugar para tumanggi pa. Sumang-ayon naman ako in the first place kaya dapat tanggapin ko ang mga consequences.
"Siya, magpapaalam na kami," ani Mrs. Monteverde.
"Ikumusta mo na lamang kami sa mommy at daddy mo, kung bakit kasi naisipang tumira sa Amerika hayan tuloy bihira na kaming magkita kita," himutok naman ng kaniyang uncle Magno.
"Don't worry tito kapag magaling na ang mama ay babalik din sila rito. Naroon kasi ang doctor niya," paliwanag naman ni Troy. Napa-ismid ako sa usapan nila. Mabuti na lamang at hindi nila iyon nakita.
Medyo nagiging emosyonal kasi ako kapag pamilya ang pinag-uusapan. Minsan ay hindi ko makontrol ang emosyon ko.
"Are you alright honey?" baling sa akin ni Troy nang mapansing wala akong imik. Ano ba naman ang sasabihin ko tungkol sa pamilya nila? Baka maisumpa ko pa ang buong angkan nila!
"I-im fine," sagot kong pilit na ngumiti.
"Nice meeting you po," baling ko naman sa dalawang matanda.
"Nice meeting you too iha. Bagay na bagay kayo ng pamangkin ko," ani Mr. Monteverde. Halata sa mata ang paghanga. Hindi naman kasi ako pahuhuli kung sa kagandahan lang sa mga naging girlfriend ni Troy. Partida, wala pa akog make-up ngayon at galing pa sa mahabang biyahe. Naka jeans at simpleng t-shirt lamang ako.
"Call us tito and tita mula ngayon," sabi naman ng asawa nitong mauluwag ang ngiti.
"O-opo tita," nahihiya namang tugon ko. Pakiramdam ko ay pag-famas na talaga ang acting ko. Tuwang tuwa naman si Troy, nakikita ko sa sulok ng mga mata ko na abot teynga ang ngiti niya.
"Sige mauuna na kami," sabi naman ni uncle Magno habang inalalayang tumayo ang asawa.
Tumayo na rin kami para ihatid sila sa labas.
Habang naglalakad papunta sa elevator ay hawak muli ni Troy ang kamay ko. Muli ay pinagtitinginan kami ng mga empleyado roon. Nakita kong malaki ang ngiti ni Miss Gonzales nang salubungin kami sa labas ng meeting room at nauna sa may elevator para pindutin iyon. Makahulugan ang mga ngiti niya sa akin.
Kahit kasi bihira akong makihalubilo sa mga empleyado rito ay naging malapit sa akin itong si Miss Gonzales dahil sa kaniya ako nagtatanong nga mga bagay na hindi ko pa kabisado tungkol sa trabaho.
"Congratulations!" bulong niya sa akin bago ako maka pasok sa elevator.
Ngiti lamang ang isinukli ko sa kaniya.
Nang maihatid namin ang dalawa sa ibaba ay dumiretso na kami sa opisina. Marami kaming dapat pag-usapan ng boss a.k.a boyfriend ko.
"Sir may sasabihin ka po ba?" kaswal kong tanong nang makapasok kami sa office niya, na office ko rin.
"Well, I'm sorry kung nailagay kita sa alanganin. Wala lang talaga akong pagpipilian kanina. And sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo ang tungkol dito," aniya. Alam kong mahaba ang kaniyang sasabihin kaya umupo ako sa harap ng mesa niya nang maupo siya sa kaniyang swivel chair.
Habang parang batang nilalaro ang ballpen sa kaniyang mga daliri ay inilahad niya ang kaniyang sitwasyon and how he ended up pretending na may girlfriend sa harap ng kaniyang auntie at uncle.
"I love my mom, hindi ko kayang biguin s'ya. Nauna na niyang ibinida kina uncle ang tungkol sa 'girlfriend' ko kaya ayaw ko siyang mapahiya. She is sick and dad told me na bawal siyang bigyan ng sama ng loob. Ang alam niya ay may girlfriend na ako at balak ko nang magakasal but I didn't tell her na wala na kami ni Alegra-ng girlfriend ko," kuwento niya. Mataman lamang akong nakikinig.
"Gusto ni mama na mag-asawa na ako para raw abutan pa niya ang mga magiging apo niya," malungkot na dagdag niya.
"I'm sorry kung nadamay ka," aniya.
"About that kiss, I will not say sorry for it. Gusto ko talagang halikan ka," aniyang dumiretso ang tingin niya sa akin.
'Oh my God! ganito ba mang-hook ang mokong na ito? Dinadaan sa charisma?
"Hanggang kailan?" tanong ko na ang tinutukoy ko ay ang pagkukunwaring maging girlfriend nito.
"Hangga't maging maayos ang kalusugan ni mama or hangga't hindi ako makahanap ng mapapakasalan," seryosong tugon niya.
Tila naman tumutol ang buong pagkatao ko sa huling sinabi niya. Kapag nagkataon mawawalan na ako ng chance para sa mga plano ko. Mababalewala lahat ng pinaghirapan ko.
"What? Magpapakasal ka kahit hindi mo mahal for your mom's sake?" tanong ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay biglang naging close kami sa takbo ng usapan namin.
"Why not?" tugon naman niya.
"I Mean basta ka na lang ba pipili ng mapapangasawa mo?" paninigurado ko.
"I don't know," kibit balikat lamang siya.
"I think I owe you a dinner tonight," pag-iiba niya sa usapan.
"I'm fine, hindi na kailangan," sagot ko naman. Pakiramdam ko ay gusto kong umuwi ng maaga at mag-isip at iproseso sa sarili ko ang mga padalus-dalos kong desisyon ngayong araw.
"No, I insist. Isa pa normal lang sa magkasintahan ang mag-date hindi ba?" sabi naman niya. Kung ibang babae lamang siguro ay baka magkumahog na sa alok ni Troy. Pero iba kasi ako. Pumapayag lamang ako sa laro niya para sa pansarili kong interest.
Huminga ako ng malalim, "fine."
"Huwag ka nang magbihis, saglit lang tayo. Kakain lang then ihahatid na kita sa inyo para makapagpahinga ka na," aniya.
"Okay," tugon ko naman at tumayo na. Tinungo ko ang sarili kong mesa na nasa di kalayuan lamang sa kaniya. Alam kong sinusundan niya ako ng tingin kaya sinadya kong iindayog ang balakang ko habang naglalakad. Alam ko ang iniisip niya. Sa mga tingin niya sa akin simula pa kaninang umaga ay hindi maikakaila ang pagnanasa. Kaya siguro hindi na niya napigilan ang sariling halikan ako kanina.
No boyfriend since birth ako pero hindi naman ako inosente sa mga ganoong bagay. At bakit parang excited pa ako ngayon? Hindi ba dapat nagagalit ako kay Troy? Siguro ay dahil lamang sa umaayon sa mga plano ko ang mga pangyayari.
Dinala niya ako sa isang restaurant. Pagkatapos niyang umorder ay walang imik na nakatingin lamang siya sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng pagka-asiwa.
"May nakapagsabi na ba sa iyong maganda ka?" walang ano ano'y sabi niya. Nagulat naman ako sa tinuran niya. Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon.
"O-oo naman, ang nanay ko," pabiro ko namang tugon.
"Your'e so beautiful Eliza," aniya na hindi pa rin inaalis ang titig sa mukha ko. Hindi ko tuloy alam ang magiging reaksyon ko. Pero deep inside ay kinikilig ako. Babae rin ako at nakakaramdam din ng kilig kahit pa galing kay Troy ang mga papuring iyon.
"Naku! Huwag mo akong daanin sa mga papuri mo ha, hindi porke pumayag akong maging girlfriend mo eh kikiligin na ako sa mga papuri mo, Hindi uubra sa akin yan! Balang araw sisingilin din kita sa pabor na ginagawa ko sa'yo. Wala ng libre sa panahon ngayon," kunwa'y biro ko sa kaniya.
"Seryoso ako," aniyang naka ngiti. Hindi man lang natinag sa sinabi ko.
"Uhmmm.. Smells yummy," sabi kong suminghot pa habang inilalapang ng waiter ang pagkain sa harap namin. Mabuti na lamang at dumating agad ang order niya.
"Let's eat! Nagutom rin ako bigla," sabi na lamang niya.
Habang kumakain ay kaswal lamang kaming nag-uusap. Sinabi niya ang magiging set-up namin sa office. Kapag naroon siya ay sabay kaming mag-lunch at ihahatid niya ako sa pag-uwi o ihahatid ako ng driver ng kumpanya kapag wala siya. Maganda naman pala ang benifits ng maging girlfriend niya. Basta hindi lang ako makikinig sa mga marites sa opisina dahil siguradong pagpipistahan ako ng tsismis.
Tulad ng sinabi niya ay hinatid na niya ako pagkatapos naming kumain. Nang makarating kami sa apartment ko ay hindi muna niya binuksan ang pinto ng kotse. Tumingin ako sa kaniya. Nagulat ako nang bigla niyang sakupin ng halik ang mga labi ko. Para akong nawala sa katinuan, parang inililipad ng ulap ang pakiramdam ko. Hindi ako tumutol sa ginagawa niya pero hindi rin ako tumugon dahil natatakot ako at hindi ko alam kung paano. Nanatiling nakaawang ang mga labi ko kaya malaya ang kaniyang dila na pumasok at galugarin ang bibig ko. Kakaibang kiliti ang gumapang sa buong pagkatao ko. Parang naghahanap ng kung ano ang katawan ko. Hindi ko namalayan ang ungol na namutawi sa lalamunan ko nang hawakan niya ako sa beywang at bahagyang hapitin palapit sa kaniya. Nanatili akong nakapikit nang bitawan niya ang mga labi ko. Naramdaman ko na lang na muling lumapat ang mga labi niya at gumagalaw ng banayad sa mga labi ko na tila nag-aanyayang gayahin ang ginagawa niya. Mamaya pa ay kusang gumalaw at sumabay ang mga labi ko sa ginagawa niya. Siya naman ang ang umungol. Lumalalim ang kaniyang paghinga na tila ba may kung anong pinipigilan.
"You make me crazy Eliza," anas niya nang maghiwalay ang mga labi namin.
Bigla naman akong natauhan. Tila pumunta lahat ng dugo sa mukha ako at kahit na malamlam ang ilaw na umaabot sa amin ay alam kong kita niya ang pamumula ng mukha ko.
"I-i have to go,"bigla kong inalis ang seat belt ko at naghandang bumaba pero hindi pa rin niya binubuksan ang pinto.
"Don't be shy honey," tila nanunukso namang tugon niya.
"G-gabi na. I'm tired," malamig na sagot ko.
Binuksan niya ang lock ng pinto saka lumabas din para tulungan akong ibaba ang maleta ko mula sa trunk ng kaniyang sasakyan.
"Salamat," tanging sambit ko lang saka ako tumalikod para pumasok sa gate.
"Good night honey," narinig ko pang sabi niya bago ako tuluyang makapasok sa gate.
Dumiretso ako sa pinto ng apartment ko at sinusian iyon. Nang makapasok at maisara ko ang pinto ay saka ko lamang narinig ang tunog ng sasakyan ni Troy palayo.
Hindi ako dalawin ng antok. Mabuti na lamang at sabado bukas. Hindi ko kailangang pumasok sa opisina ng maaga at mabuti rin at half day lang kami. Gusto kong ayaing mag-relax si Jelay pero paniguradong busy 'yon.
Napakaraming nangyari ngayong araw. Hindi pa rin ako makabawi lalo na sa nangyari sa kotse. Bakit pakiramdam ko ay inaakit ako ni Troy? Baliktad yata, hindi ba't dapat ako ang umaakit sa kaniya?
Halos madaling-araw na nang dalawin ako ng antok kaya tinanghali talaga ako ng gising kinabukasan. Mag-aalas nuwebe na nang magising ako. Agad akong naligo at nagbihis. mabuti na lamang at wala akong gaanong trabaho ngayon sa opisina. Tatapusin ko lang ang report na ipinapagawa sa akin ni Troy.
"Good morning," nakangiting mukha ni Troy ang bumungad sa aking pagpasok ko sa office. Nagulat ako dahil hindi siya karaniwang pumapasok kapag sabado. Actually ay monday to friday lamang ang ipinapagawa niyang schedule.
"G-good morning sir!" tugon ko.
"Good morning SWEETHEART," ulit niya at idiniin ang salitang sweetheart. Kunwa'y tumingin ako sa paligid. Wala namang tao. Tila naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin.
"Para masanay ka," aniya saka ngumiti at bahagyang kumindat.
"Good morning honey," tugon ko namang pinalambing pa ang boses ko saka mabilis na humalik sa pisngi niya. Ito pala ang gusto niya, ang mag-akitan kami. Puwes! Matagal ko nang inihanda ang sarili ko para dito.